"Tara na Kaei-"
*BANG!!*
Napayakap sakin si Kaeigh, mahigpit.
"S-slope ayoko n-na dito. T-tara na.." Bumitaw ako sa pagkakayakap niya. Nanlalambot na siya. Nanlalambot na sa takot.
Tinignan ko yung kidnapper. Tss babaril na nga lang di pa marunong.
Oo, nakailag kami.
Sinuntok ko pa ng isang beses yung kidnapper. Hanggang sa manghina na siya. Kinuha ko narin yung baril.
Natatanaw ko narin yung mga pulis na papalapit na.
Kahit kelan talaga late tong mga pulis eh.
Hinuli na nila yung kidnapper. Tinanggal narin nila yung takip sa mukha ng lalaki kaya nalaman na namin yung mukha niya.
Napasinghap si Kaeigh. Tumakbo siya--habang umiiyak? Nanaman? Anong problema niya dun sa lalaki?
Hinabol ko siya.
Hanggang sa maabutan ko siya.
Hinarap ko siya sakin. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat niya.
"Anong problema? Kilala mo ba yung lalaki?"
"O-a-ah hindi ko siya. Simula nung nangyari yun. Di ko na siya k-kilala. Ah s-sige Slope wag mo ng p-pansinin yun."
Yinakap niya ko ulit ng mahigpit at ibinulong ang mga katagang..
"Sana mapapagkatiwalaan kita. Hindi tulad nila. Ipangako mo na hindi mo ko iiwan ha."
Hindi ko namalayan na umoo ako sa kanya.
Ni hindi ko nga siya kilala ng lubos.
What the hell Slope? For pete's sake! Kahapon mo lang siya nakilala but ugh!
Bakit hindi ako makatanggi?
Ngayon lang Slope. Ngayon lang.
Uuwi narin naman kayo bukas ng maaga. Hindi ka na niya masusundan sa susuno-wait..
MAY CONTACT PALA SIYA NINA MAMA AT PAPA PUTEK.
Isang sumbong lang niya lipad na ko sa Hongkong.
WTH AYOKO DUN!
Bahala na.
***
Nakauwi na kami sa nirentahang bahay. Agad siyang pumasok sa kwarto. Nilock niya pa to.
Kinatok ko siya.
"Kaeigh, may problema ba?"
Naririnig ko siyang humihikbi. Not again.
"Ayos ka lang diyan? Kailangan mo ba ng kausap?"
"Okay l-lang ako. Di ko muna kailangan S-slope." Banggit niya habang umiiyak parin.
Kinuha ko yung mga extra kong damit sa bag at naligo na.
Teka, wala palang dalang damit si Kaeigh. Paano siya?
Tss wag mo ng pansinin Slope. Kaya na niya sarili niya.
Pagkatapos kong maligo, umupo ako sa sofa sa sala.
Dito nalang ako matutulog. 9 PM narin naman.
***
Parang naramdaman ko na may nakatingin sakin. 'Di ko nalang pinansin.
Naramdaman ko nalang na may naglagay ng kumot sakin. Hindi ako dumilat. Tinaas niya yung ulo ko at nilagyan ng unan. Di parin ako dumilat.
Nang maramdaman kong wala na siya, dun na ako dumilat. Nakita ko siyang dumiretso sa kusina kaya sumunod ako sa kanya.
