Chapter 11

64 2 15
                                    

4 months nalang manganganak nako. 'Just how fast the night changes' nga naman oh. Nag punta na din ako sa OB ko kahapon, ang sabi nya dalasan ko daw ang pag punta ko sakanya para ma check nya daw yung tyan ko lagi.

"Ang laki na talaga ng tyan mo." Sabi ni ate.

"Ate, magtaka ka kung 5 months na akong buntis pero maliit pa yung tyan ko" sabi ko at pinalo nya ako ng mahina sa braso ko.

"Ewan ko sayo. Oo nga pala, sasamahan ko pala si Melchora mamalengke. Dito ka lang sa bahay." Sabi nya at tumayo palabas ng bahay. So ganern? Gusto ata ako ikulong ni ate dito ah?

Teka, ano kaya magandang ipangalan sa baby ko? Hmm.. Habang nag iisip ako, sumulpot naman si Lucio.

"Ano ginagawa ng Future Wife ko?" Sabi nya at umupo sa tabi ko.

"Wala, nag iisip lang ako kung ano pwedeng ipangalan sa baby natin." Sabi ko at mukhan napaisip naman sya.

"Lucio Jr?." Sabi nya. Ang panget.

"Ang corny naman." Sabi ko at nag isip ulit sya.

"Hmmm,"

"Teka, may trabaho ka pa ah?" Sabi ko at nagkatinginan kami.

"Ay, oo nga pala. Sige, bye Future Asawa ko!wag magpapakapagod ah? At bye baby." Sabi nya at hinalikan yung tyan ko.

"Sige bye future asawa ko. Mag ingat ka ha?" Sabi ko at hinalikan nya ko sa noo at umalis na sya.

Gusto ko ng pinya. Kahapon pa ako nag hahanap ng pinya. AY hinde, nung isang isang linggo pa pala. Nahihiya naman ako kay ate kung mag papabili ako, at oo may hiya ako. HAHAHA.

Nagpalit ako ng damit at dumeretso sa Palengke kase dun daw maraming pinya.

*Palengke*

Shemay. Ang baho talaga dito. Bwisit. At imbis na mainis nalang ako dito forever, ay nag hanap nako ng pinya.

Hanap dito..

Hanap doon..

Pero wala. Fudge! Anong klaseng palengke ba toh? Wala man lang pinya? Sana di na sila nag bukas!

Huhuhu.. pano bayan?gusto ko talaga eh.

"Louise?" Tawag sakin nung babae. Nilingon ko sya.

"Ate?"

"Anong ginagawa mo dito? Diba dapat nagpapahinga ka lang sa bahay? Bawal ka magpagod."

"Eh kasi naman ate eh. Di ko na talaga matiis. Gusto ko talaga ng pineapples."

"Pinya lang pala eh. Dapat nagpabili ka nalang sakin."

"Sorry ate."

"Tara puntahan muna natin si Melchora."

Ayun. Pumunta kami kay ate Melchora.

"Louise? Bag nandito ka? Baka mapano ka. Nako. Buntis ka pa naman." -ate Melchora

"Nung isang linggo pa kase yan nag hahanap ng pinya. Pero di nagpapabili saken" si ate na ang sumagot.

"Ay eto oh. Dami kong biniling pinya kase alam ko madalas yan paglihian ng mga preggy like you." Yizz naman!

"Wow, thank you ate Melchora!"

"Walang anuman. Basta wag mo kalimutan, ninang ako ha?"

"Sure." Sabi ko at umuwi na kami.

*Bahay*

Kinuha ni ate yung pinya at hiniwa na nya. Hmmm... pineapples.♡

"Yey! Thank you." Sabi ko at kinuha ko yung pinya pero pinigilan ako ni ate.

"Yey ka dyan. Kumain ka muna ng kanin." Sabi nya at nilapag nya yung plato na may kanin at may ulam na. Pero syempre, hindi lumpia ang ulam ko. Ano gusto nyo? Lumpia nalang FOREVS?

Para na din akong prinsesa dito dahil nga preggy ako, todo alaga sila tatay saken. Minsan nga naiisip ko sila Gemma eh. Siguro kun nasa UK ako ngayon, kain-tulog talaga ako. Baka nga subuan pa ako ni mommy Anne.

Pero ayos lang naman ako dito. Masaya kasama sila ate.

"Huy! Tama na daydream. Kumain kana. Baka gusto mong subuan pa kita?" Kahit kelan talaga si ate bigla nalang sumusulpot.

"Wag na. May naisip lang ako." Sabi ko.

"Wag ka nga masyado mag isip. Baka kung ano ano na naiisip mo eh. Baka ma stress kapa. Kumain kana." Sinunod ko nalang si ate. Kumain nalang ako dahil gusto ko na talaga kainin yung pinya.

Pagtapos ko kumain dinala ko na sa hugasan yung plato ko at binuksan yung gripo.

"Sino may sabi sayong mag huhugas ka?" Sambit ni ate.

"Mag huhugas lang naman ako ng kamay." Sabi ko.

"Palusot ka pa eh, kumain ka nalang don ng pinya." Ayy oo nga pala. PINEAPPLES ♥

Inabot sakin ni ate yung plato na may PINEAPPLES. Tapos kinain ko.

The Adventures Of Louise (ang batang ina)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon