Chapter 8

64 5 0
                                    

Nakaka inis naman, bat ngayon lang nya sinabi?

"Kelan kayo nag meet ni Gemma?" Tanong ko.

"Nung isang araw lang." Sabi nya

"Pano? Eh wala naman sila dito eh. Nag skype kayo?" Tanong ko ulet.

"Hindi noh. Pumunta sila dito nung isang araw, diba nga aksidente pa ni Harry si Adlai? Tapos ayun, nag kita kami ni Gemma tapos nag usap kami.medyo nahirapan nga ako eh."

Oo nga pala, pumunta sila ULIT dito, tapos binisita ako pero di nila kasama si Anne. Sayang nga eh, miss ko na sya. Baka sa susunod ako naman ang bibisita sakanila. Yehey! Namiss ko na yung UK! Tapos na aksidente nga pala ni Hazz si ate Adlai.

"Oo nga noh? Pero kahit na. Dapat sinabi mo kaagad sakin eh. Nakakainis ka." Sabi ko sakanya tapos tumayo ako sabay talikod at nag cross-arms tapos tumayo din sya tapos niyakap ako habang nakatalikod ako, yung ulo nya nakapatong sa balikat ko.

"Wag kana magalit. Ayeii, tatawa nayan." Sabi nya sabay pinch sa cheeks ko.

"Di naman ako galit eh,naiinis lang ako sayo kasi di mo agad sinabi." Sabi ko.

"Sorry na nga eh." Sabi nya.

"Sige na nga."sabi ko.

"Bati na tayo?" Tanong nya.

"Oo." Sagot ko.

"Ano nga pala pinag usapan nyo ni Gemma?" Dagdag ko.

"Sekretong malupet! HAHA." Aba, may pa- sekreto sekreto pa syang nalalaman ha?

"Ano kasi yun? Sabihin mo na please? Please? Please?" Sabi ko then nag puppy eyes ako.

"Hays. Wala naman kaming masyadong pinag usapan eh. Nag pakilala lang sya at ganun din ako tapos ayun. Small talk lang." Sabi nya.

"Psh. Hinanap ba nya ko?" Tanong ko.

"Oo. Pero tulog ka nung time na yun eh." Sagot nya.

"Kalen ka mag e'18?" Tanong nya.

"Sa Febuary 26. Why?" Sabi ko.

"Ah. Wala naman." Sabi nya at may bigla akong naalala.

"Teka, totoo ba na nilalandi ka daw nung Beeya na yun? Ha?!" Sabi ko then inalis ko yung pagka yakap nya sakin at mukha namang nagulat sya.

"H-ha? Hindi ah! Chismis lang yan." Sabi naman nya.

"Weh?"sabi ko.

"Oo nga. Good boy na ko eh." Sabi nya. Nako, siguraduhin mo lang!

I rolled my eyes tapos umupo ako sa couch tapos umupo din sya.

"Mag hahanap na nga pala ako ng trabaho." Sabi nya at napatingin ako sakanya.

"Ah sige. Goodluck." Yun nalang ang nasabi ko.

"Itatanong ko muna kay Malupet kung may alam ba sya." Sabi nya at tumayo sya then tumayo din ako.

"Geh, bye. Love you."sabi nya sabay kiss sa pisngi ko.

"Bye, love you too." Sabi ko at umalis na sya.

Pumunta ko sa kwarto para silipin si ate. Baka mamaya nag eempake na sya. Hahah. Joke.

"Ate?" Binuksan ko yung pinta tapos pumasok.

"Oh? Wala na ba si Lucio?"tanong nya.

"Wala na. Mag hahanap daw sya ng trabaho eh." Sabi ko.

"Ah sige." Sabi nya. At parang hanggang ngayon ang lalim parin ng iniisip nya.

"Ate, wag mo na isipin yung problema mo. Mag twitter ka nalang" sabi ko tapos ngumiti ako.

Umupo ako sa tabi ni ate tapos nag twitter. Nominated nanaman sila harry. Di ko sure kung yun ba talaga yun dahil nag trend ang #BRITONEDIRECTION. Edi ayun, Vote lang ng vote

Ilang oras din akong nababad sa twitter, inantok tuloy ako. Naka tulog ako sa tabi ni ate.

》》》》》》》》》》》》》》》

Short update na, lame chapter pa. Haha. :")

The Adventures Of Louise (ang batang ina)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon