Yumi's Pov
It's a new day. A beautiful day actually imagine seeing those beautiful nature. Apaka gaan lang sa pakiramdam na gigising ka ng ganito tahimik at payapa yung tipong mga puno at ibon lang ang makikita at maririnig mo
"Kuya tara na" sigaw ni jay na pinsan ko. Sumunod nako agad at umalis na din kami, dahil kailangan muna naming umuwi kasi pinapauwi na kami ni dad. Hay ano nanaman kayang meron
Btw andito kami ngayon sa gubat nag camping kami tulad ng nakasanayan naming magpipinsan. Adventure kasi talaga ang gusto naming gawin kasi simula bata kami camping na ang ginagawa namin.
"Parang ayoko ng umuwi" he said then laugh.
"Pwede naman tayong hindi umuwi" sagot ko saknya habang nagddrive
"Oo lagot naman tayong lima kay tito imagine 2weeks na tayong di umuuwi"
"Eh ano naman tagal na nating ginagawa to ngayon pa ba sila magagalit" sagot ko saknya at tumawa naman kaming dalawa
"Ano ba meron bat bigla naman ata tayong pinauwi ni tito" tanong naman ni kio samin na pinsan ko din. Tatlo kasi kami dito sa sasakyan tapos yung dalawang pinsan pa namin eh andun naman sa kabilang sasakyan
"Ewan ko dun importante daw kasi" sagot ko saknya
"Baka naman ibibigay na sayo yung company? Kaya ka pinapauwi" tanong nya
"Ayoko pa no tsaka gusto ko pang mag travel at mag adventure kasama kayo" kahit nga magjowa hindi ko naiisip yang kumpanya pa kaya
"Kaya nga wala kang jowa hanggang ngayon eh" oh diba kakasabi ko lang mga buiset to
"Wala pa sa plano ko yan" They look at me then laugh. May mga saltik talaga to.
Gabi na ng makarating kami sa bahay dahil sa layo ba naman ng napadpad naming lugar. Nakauwi na din si Kiel at marco kaya si jay at kio nalang ang kasama ko ngayon
"Hoy kaninong kotse yan? mukhang may mga bisita sila tito ah" kio said
"Baka sa mga kaibigan lang ni Fatima yan" sagot ko saknya at pumasok na sa loob, sumunod din naman sila
"Oh anjan na pala kayo" dad said kaya lahat ng atensyon nila ay napunta samin
"Good evening po" kio and jay said.
"Kumain na ba kayo halina kayo sumabay na kayo samin" mom said
"Hindi na mom may gagawin pa po kami" aakyat na sana kami ng pigilan kami ni dad"Pwede naman mamaya yan diba boys?" Dad said kaya wala na kaming nagawa kundi sumabay saknila kumain
Ano bang meron at andito pa sila ate ashtine pati si bianca at heart, alam ko namang kaibigan ng kapatid ko yung dalawa pero nakakapagtaka naman dahil pati sina tito at tita andito din
Nagumpisa na kaming kumain at nagkukwentuhan lang sila habang kaming tatlo tahimik lang na kumakain
"Kamusta naman ang camping boys?" Biglang tanong ni dad kaya nagkatinginan kaming tatalo kung sino sasagot pero ang ending ako parin
"Okay naman po" tipid na sagot ko at kumain na ulit
"Mabuti naman kung ganon" di mabuti yun dad pinauwi mo kami bigla nageenjoy pa yung tao dun
"Nga pala yumi bago ko pa makalimutang sabihin sayo na ikakasal kana" derederetsyong sabi ni dad dahilan para mabulunan ako sa kinakain ko
Shuta ano daw? Ikakasal? Bakit ako?
Inabutan agad ako ni jay ng tubig dahil namumula nako sa kakaubo. Shuta naman kasi ikakasal niwala nga akong jowa tapos kasal. Nakita ko yung mga reaction ng mga mukha nilang lahat lalo na yung pagpipigil ng tawa ng dalawa gago ampotek
"Bakit ako? Bat hindi si fatima" reklamo ko
"Damay mo ko jan" reklamo nya din
"Sa ayaw at sa gusto mo ikakasal kayo ni bianca" ayos ah sa kaibigan pa talaga ng kapatid ko
Tumingin ako ng pasimple kay bianca pero parang wala lang saknya ano yun di manlang sya umangal
"Mauna na po kami" pagtayo ko hinampas ko yung dalawa sa balikat para tumayo na rin sila. Bago pa kami tuluyang makaalis nagsalita ulit si dad
"Yumi ano?" Tanong ni dad. Anong ano?
"May magagawa pa ba ako?" Tanong ko saknya pabalik
"Wala" sagot nya
Tumango nalang ako at naglakad na paakyat.
Pagpasok namin ng kwarto ko agad tumawa yung dalawa na kanina pa nagpipigil
"Wala pala sa plano ang mag jowa" natatawang sabi ni kio
"Asawa pala agad ang plano" dagdag na sabi ni jay. Ge tawa pa mga gago
"Di mo naman sinabi samin na asawa pala agad ang gusto mo" jay said
"Lakas nyo din no kayo kaya magpakasal dun" nakasimangot akong umupo sa kama ko habang yung dalawa tawa parin ng tawa
"Aba kung ganon lang din naman kaganda tatanggi pa ba kami" sagot ni jay. Oh gago talaga
"Manahimik ka nga jan" nastress na talaga ako ah pinauwi ako tapos sasabihin ikakasal shuta. Shuta talaga"Mukha namang mabait si ate bianca" kio said
"Ate. Hanep close kayo?" Sarkastiko kong sagot
"Bakit ba kasi kailangan ako pa. Anjan naman si fat" reklamo ko
"Wala ka ng magagawa" asar ni jay
Tama wala naman akong iba pang choice eh. Kailangan kong tanggapin to siguro ito yung plano sakin ni lord kaya ganto yung nangyayare, well ganon talaga expect the unexpected, wala namang mawawala kung susunduin ko sila dad, matututunan ko din naman syang mahalin hindi man ganon kadali pero ayos lang parte ng buhay yan eh, sure naman akong may mas magandang plano si lord kaya nangyayare to.
YOU ARE READING
Before I Let You Go
RandomSometimes loving means setting them free and letting them go