05

579 50 4
                                    

Yumi's Pov
         
        
To: bianca
    
                               3:30 pm
               
What time ka pupunta?
seen
      
       
Chat ka nalang if pupunta ka.
seen
          
____
                               4:54 pm
             
Ano na? Anong oras na oh.
seen
    
      
Hindi ka ba pupunta?
seen
       
       
Nakakahiya na dito kanina pa sila nagaantay sayo.
seen
        
____
                                6:58 pm    
              
Sana sinabi mong hindi ka pupunta para hindi nakakahiya dun sa mga tao may mga trabaho pa silang dapat asikasuhin tapos pinagantay mo lang ng ilang oras.
seen
        
     
Wag ka ng punta gabi na delikado na sa labas.
seen
      
    
Next time sabihin mo ng maaga para hindi kami nagaantay sa wala.
seen
     
    
Ako ng bahala kay tito.
seen
            
           
Awit na yan seen lang? Pagtapos kitang pagtakpan sa tatay mo dahil di ka nakapunta kanina tas seen galing talaga neto, dahil jan may matatanggap ka nanamang pangaasar sakin. Makatulog na nga at may gagawin pako bukas
           
       
Nakatulog naman ako agad dahil sa pagod na din kanina naubos ata energy ko.
           
         
"Kuya!! Kuya!!" Sigaw ng kapatid kong magaling
             
         
"Ang aga aga pa fatima" reklamo ko saknya at nagtalukbong ng kumot dahil antok na antok pako
         
         
"Tumayo kana jan tawag ka ni daddy sa office nya bilisan mo daw" napatayo ako bigla dahil sa sinabi nya
          
         
Agad akong lumbas ng kwarto ko para puntahan si dad sa office nya sa baba hindi nako nagabalang magsout ng t-shirt kaya short lang sout ko, nakita ko ding sumunod si fat sakin
            
          
Pagbaba ko ng hagdan hindi ko inexpect na andun pala sila ate ash sa living room kasama si heart at bianca. Pota bakit hindi sinabi ni fatima na andito sila apaka gago talaga
       
      
"Aga aga nakasimangot ka" ate ash said
         
       
"Nasira kasi tulog kaya ganyan" fatima. 
        
       
"Lagot ka sakin mamaya" bulong ko kay fatima at nagderederetsyong pumasok sa office ni dad
            
        
Pagpasok ko ng office ni dad umuwi muna ako dahil may kausap pa sya sa phone. After ni dad makipagusap tumingin sya agad sakin
       
        
"Sabi ko naman sayo magsout ka lagi ng damit alam mo naman yang kapatid mo" dad said. Oo nga nakakabadtrip
          
        
"Bakit nyo po ba ako pinatawag?" Tanong ko saknya kaya nagtaka naman sya
        
     
"Ha? Hindi naman kita pinatawag akala ko  kaya ka andito kasi you need something" buiset talaga tong si fatima. Mamaya ka sakin
        
         
"Sabi ni fat tawag mo daw po ako kaya ako andito" sagot ko saknya kaya natawa sya
        
      
"Pinagtitripan lang ng kapatid mo alam mo naman yun" natatawa nyang sabi
          
         
"Oh ayan wag na mainit ang ulo, lumabas kayo or go shopping if you want" nagulat ako dahil inabot nya yung card nya sakin
           
        
"Weh? Di nga dad? Seryoso ba to?" Sunod sunod na tanong ko saknya kaya mas lalo syang natawa. Ano ba yan kung hindi ako pagtripan pagtawanan naman
       
       
"Oo nga bakit ayaw mo ba? Okay lang naman" sagot nya at tumayo para bawiin yung card nya
       
       
Dali dali aking lumabas ng office nya at sumunod naman sya sakin, napalingon silang apat samin dahil biglang nagsalita si dad na medyo ikinagulat nila
             
           
"Yumi akin na yung card ayaw mo diba" dad said
         
        
"Wala ng bawian dad binigay mo na eh" sagot ko saknya kaya natawa sya
         
         
"Oo na sge na pero parang awa mo na anak wag mo namang ubusin yung laman ha lagot nanaman tayo sa mommy mo" dad said then laughed
         
         
"Okay mabait naman ako eh" sagot ko saknya, lumapit sya sakin at binatukan ako. Aray ah
           
        
"Magbihis ka na nga dun mahiya ka naman sa mga bisita" natatawang sita nya sakin
       
      
Kaya napalingon ako sa apat at nakatingin nga sila samin jusq kaya nagdali dali akong tumakbo pabalik ng room ko narinig ko namang natawa lalo si dad. Hay nako lakas tama ng mga tayo ngayon ahhh
         
          
Nagbihis nalang ako dahil naisip kong lumabas nalang dahil binigay ni dad yung card nya susulitin ko na minsan lang magpahiram ng card yun no.
           
          
"Oy kuya san ka punta? Sama kami sabi ni dad" fatima.
       
            
"Okay" sagot ko saknya at tumayo naman sila except kay bianca na nakaupo parin
         
        
"Hindi ka ba sasama bianca?" Tanong ko saknya kaya napatingin silang lahat kay bianca
           
        
"Ha? A-ano sasama ako" medyo nauutal nyang sabi. Lah anyare kaya sa babaeng to
         
         
Paglabas namin ng bahay sumakay agad yung tatlo sa likod kaya no choice si bianca ang katabi ko sa harap
            
          
Pinagbuksan ko sya ng pinto at inalalayang makasakay ng kotse bago ako sumakay
          
         
"Thankyou" bianca.
              
           
Umalis na din kami agad dahil galang gala na yung tatlong kasama ko. Bakit ba kasi pumayag pakong sumama tong mga to.

Before I Let You GoWhere stories live. Discover now