Bianca's Pov
"Okay ka na ba? Ano pa kailangan mo?" Alalang tanong nya
Marunong palang magalala tong lalaking to akala ko puro pangbubuiset lang ang alam
"Wala na okay nako" tumango naman sya agad ding umalis dahil tinawag sya ng pinsan nyang si kio
Tumayo na din ako para puntahan sila fatima.
"Oh bianca san ka galing kanina ka pa namin hinahanap" ate ash said.
Anong isasagot ko malamang kapag sinabi kong magkasama kami ni yumi aasarin ako ng mga to.
"Ano jan lang may tinignan lang" tumango naman sya sa sinabi ko. Hays buti nalang
Habang nagkukwentuhan sila biglang dumating si yumi at si kio na may dalang pagkain. Inabot ni kio yung pagkain na dala nya kay heart at fatima, nilapag ni yumi yung para kay ate ash at para sakin
"Here kain kana" lah pafall tong si yumi oh
"Thankyou yumi" sabi nong tatlo, tumango nman ito at umalis na din
"Bati na kayo?" Agad na tanong ni heart pagkaalis ni yumi
"Hindi" bakit naman ako makikipagbati dun, mukhang pakitang tao lang naman
"Sus ikaw nga pang sinabihan na kain kana" sagot ni heart
"Issue ka no tigilan mo nga ako, kumain ka nalang jan dami mong dama ah" naaasar kong sabi kaya natawa nalang silang tatlo at pinagpatuloy na yung pagkain namin.
After namin kumain nagyaya silang magikot ikot daw kaya sumama na kami
"Oy dito nalang tayo picnic" fat said.
Sumangayon kaming lahat dahil maganda naman yung ilog at malinis din naman.
Kanina ko pa napapansin na parang nakasunod lang si yumi sakin, paano kung san ako pumunta andun sya or kung hindi naman andun nakatingin naman, ano ba to daig ko pa bata eh
"Maliligo ka?" Biglang tanong ni yumi kaya nagulat ako
"Oo bakit?" Walang gana kong sagot saknya, tumango naman sya at inabutan ako ng baby oil. Shuta anong gagawin ko sa baby oil
"Anong gagawin ko dito?" Tanong ko saknya
"Try mong inumin, baka kasi iniinom yan" pilosopo nyang sagot kaya tinignan ko sya ng masama. Pota talaga
"Malamang ilagay mo sa likod at dibdib mo para di ka pasukan ng lamig" he seriously said
"Whatever" irita kong sagot saknya at ginaya nya naman ako at naglakad na papunta kila jay
Buiset talagang lalaki yan nagtatanong ka ng maayos tas sasagutin ka ng ganon, sino ba namang gagong iinom ng baby oil diba
Naglagay nalang ako ng baby oil at naligo na din kami. Apat lang kaming andito dahil hindi ko alam kung nasaan yung tatlo
Ilang minuto lang lumipas bumalik na din sila, agad namang pumunta si yumi sa tubig at naghugas ng kamay dahil may sugat ito
"Naano ka?" Ate ash said
"Umiral nanaman yung katang..." Hindi natapos ni jay sasabihin nya dahil biglang sumigaw si yumi
"JAY!! Maya ka sakin" sigaw ni yumi habang hinihugasan yung sugat nya
After nyang mag hugas, nilapitan ko sya at binigyan ng gamot dahil hindi parin tumitigil yung pagdugo ng sugat nya
"Oh gamutin mo yang sugat mo" tinignan nya lang ako at hindi kinuha yung gamot. Abnormal talaga to kahit kelan
"Gagawin ko jan?" Supladong tanong nya
"Inomin mo ng malinis yang utak mo" iritang sagot ko saknya, nilapag ko nalang yung gamot sa tabi nya at umalis na dahil naiirita na talaga ako sa lalaki to.
______
Days passed at mas naeenjoy naman namin dito sa farm nila fatima, and mas naging comfortable na din di tulad ng una. Medyo okay na din ako kay yumi dahil mas nakilala ko pa sya and sa totoo lang napansin ko na sobrang caring nya at hindi rin sya lumalayo samin, ewan ko ba kung anong trip ng lalaking yun.
Yumi's Pov
Pang apat na araw na namin dito and okay naman, namiss ko din kasing kabonding si fat at ate ash since matagal na din kami ulit nag sama ng ganto, si heart at bianca naman well okay naman wala namang bago kay bianca suplada at masungit parin as always naman, pinaglihi ata ni tita sa sama ng loob yun kaya ganon
"Tara na yums igib na tayo" tawag ni jay sakin kaya sumunod naman ako para makapag igib na ng tubig dahil naubos na
Habang nag lalakad kami, saktong napadaan kami kila fatima na nag aasar sakto namang bato ni bianca ng kahoy at tumama sa braso ko, nagulat naman sa sya nangyare
"Tangina ang sakit ah" bulong ko. Yan nalang ang nasabi ko dahil mukhang wala naman syang balak mag sorry kaya nag derederetsyo nako sa paglalakad.
YOU ARE READING
Before I Let You Go
RandomSometimes loving means setting them free and letting them go