Bianca's Pov
Talagang tinotoo nya yung hindi pag uwi ah, limang linggo na syang hindi nagpapakita at nagpaparamdam samin tapos ngayon sakin hinahanap ano bang paki ko sa lalaking yun
"Hoy okay ka lang ba?" Elmo ask kaya napatingin ako saknya at tumango
"Oo naman" sagot ko saknya at ngumiti
"May problema ba?" Alalang tanong nya
Oo nga pala hindi ko pa nasasabi sakanya yung about sa kasal na yun teka paano ko ba sasabihin? Dapat ko na bang sabihin?
"Hey bianca alam kong merong problema kaya sabihin mo na" kalmadong sabi nya
Huminga muna ako ng malalim bago ako mag salita. I hope na maintindihan nya ginagawan ko naman na ng paraan eh
"Ano kasi" kinakabahan talaga ako shuta
"Ano?" Tumingin ako saknya sandali ”ikakasal nako" nakita kong naubo sya sa sinabi ko
"Paano? Akala ko ba?" Naguguluhang tanong nya
"It's arrange marriage" sagot ko saknya. Hinawakan ko yung kamay nya "wag kang magalala gagawa ako ng paraan para hindi matuloy yun"
"What if magpakasal na tayo?" Sagot nya.
Ha? Teka naman oh alam kong mahal kita pero hindi pako handa shuta hindi pa nga tayo eh
"Hindi pwede, hayaan mo na akong umayos neto. Do you trust me naman diba?" Humarap sya sakin at hinawakan yung mukha ko
"Oo naman i trust you and handa naman akong magpaubaya kung sakali" he said then smiled at me
Umalis na kami at nag ikot ikot para masulit yung araw
Nang makauwi nako agad akong humiga ng kama ko dahil sa sobrang pagod
"Hoy san ka ba galing?" Biglang pasok ni ash sa kwarto kaya nagulat ako
"Ano ba uso kaya kumatok" reklamo ko saknya pero hindi nya ako pinansin at inulit yung tanong nya
"Saan ka nga galing? Alam mo bang kanina ka pa hinahanap ni dad" she said kaya napalingon ako saknya
"Lumabas kami ni elmo. Bakit daw?" Tanong ko saknya. Wag naman sana akong pagalit bukas
"Anong bakit? Baliw ka ba?" Lah ako pa baliw ngayon
"Ano nga?" Binato nya ako bigla ng unan kaya nagulat ako dahil tumama sa mukha ko
"Hindi mo ba alam na ngayon dapat yung meeting nyo para sa kasal nyo? Apat na oras mo lang naman pinagantay si yumi dun" napatayo ako sa pagkakahiga ko dahil sa sinabi nya
"Sino ba kasing nagsabing mag antay sya dun?" Sagot ko sakanya. Lagot nanaman ako neto kay dad
"Aba pasalamat ka nga nainuna ka pa ng tao kesa sa importanteng gagawin nya tsaka isa pa diba sinabi na ni dad sayo yun at ilang beses ko ding sinabi sayo yun" sermon nya
"Oo na sorry na, kakausapin ko nalang si yumi about dun bukas" tumango lang sya at lumabas na ng kwarto ko
Bakit kasi hindi naman nag message yung lalaking yun sakin alam nya naman yung phone number at lahat ng socmed account ko.
Binuksan ko yung phone ko para tignan dahil nalowbat kanina, di ko naman inexpect na marami na pala syang messages at may missed calls din
10 missed calls from Yumi
From: Yumi
3:30 pm
What time ka pupunta?
Chat ka nalang if pupunta ka.____
4: 54 pm
Ano na? Anong oras na oh.
Hindi ka ba pupunta?
Nakakahiya na dito kanina pa sila nagaantay sayo.
____
6:58 pm
Sana sinabi mong hindi ka pupunta para hindi nakakahiya dun sa mga tao may mga trabaho pa silang dapat asikasuhin tapos pinagantay mo lang ng ilang oras.
Wag ka ng punta gabi na delikado na sa labas.
Next time sabihin mo ng maaga para hindi kami nagaantay sa wala.
Ako ng bahala kay tito.
seen. 9:30 pm
Shit bakit ba kasi nakalimutan ko yun, for sure lagot ako kay dad dahil dito. Hindi ko din alam kung ano yung isasagot ko kay yumi dahil nahihiya din naman ako saknya kasi nag antay sila dun ng ilang oras. Arghhh bobo mo kasi self
YOU ARE READING
Before I Let You Go
RandomSometimes loving means setting them free and letting them go