Hindi ko alam yung gagawin ko ngayon, sana pala sinabi ko nalang agad saknya yung nararamdaman ko edi sana hindi na kami umabot sa ganto
Naiyak nalang ako nang maalala yung nangyare kagabi, yun na pala yung huli kaya pala may kirot sa mga salitang binibitawan nya
"Tahan na" heart said at niyakap ako kaya mas lalo lang akong naiyak
"Wag ka ng umiyak, isipin mo nalang na ganon ka kamahal ni yumi. Handa syang isuko ang lahat mapasya ka lang" ate ash
"Tsaka una palang naman ayaw mo ng magpakasal kay kuya diba. Alam mo kahit na may advantage sya kay elmo hindi nya ginamit yun dahil ayaw nyang maging makasarili, mas inisip parin nya kung ano yung makakapagpasaya sayo kahit na kakasakit nya..." Huminga muna ng malamin si Fatima bago nya ipagpatuloy yung sasabibin nya
"Kuya said, maging masaya ka lang kahit hindi na sakin magiging masaya na ako para sayo" he said at tumungo, lalo akong nang hina ng marinig yung huling sinabi ni fatima
Sobrang unfair ko saknya, hindi ko manlang naisip na ganon na pala yung nararamdaman nya hindi ko manlang matanong kung okay lang ba sya or kung kamusta ba yung araw nya dahil busy akong makipagkita kay elmo.
Alam mo yung nasanay kang lagi syang anjan sa tabi mo tuwing malungkot ka, kapag may problema ka at kapag umiiyak ka. Pero ngayon umiiyak ako ng dahil saknya kasi, wala na sya sa tabi ko hinayaan ko syang mawala sa tabi ko
"Mahal ko sya pero mukhang huli na ang lahat" mas lalo akong naiyak ng sabi ko saknila yun
"Wala naman na tayong magagawa hindi narin naman sya macontact ngayon. Siguro hayaan nalang din muna natin yung taong magpahinga, magiging okay din ang lahat" ate ash said
"Tama si ate ash, magfocus ka nalang muna sa sarili mo bianca, para if ever man na magkita kayo ulit ni yumi at least handa kana" dagdag pa ni heart
"Magpahinga ka muna bianca, bibigyan ka nalang namin ng update about saknya kaya tahan na" fatima
niyakap nila ako at hinayaan lang muna na umiyak ng umiyak. After non nang kumalma na ako niyaya na nila akong kumain at manood ng movie para daw malibang ako.
"Akyat muna ako" paalam ko saknya at tumango naman sila kaya agad akong umakyat at pumasok sa kwarto ni yumi
umupo ako sa kama nya kinuha yung envelope sa ibabaw ng side table nya
"Love bakit naman umalis ka nalang bigla" sabi ko habang hawak yung envelope, pinipigilan kong wag umiyak pero parang di ko kaya
huminga muna ako ng malamin bago buksan yung letter na iniwan nya
To bianca
if nababasa mo man to ngayon i just want to say na wag kang umiyak di pa naman ako patay no. Sana maintindihan mo na kaya ko to ginawa kasi para din naman sayo to, ayokong ikasal ka sakin ng napipilitan ka lang or dahil lang sa gusto ng parents natin, wag mo ng intindihin sila tito kinausap ko na sila and luckily pumayag naman sila kaya dapat maging masaya ka ah di ka dapat iiyak. Di ko na papahabain to gusto ko lang na alagaan at ingatan mo yang sarili mo, wala man ako jan sa tabi mo pero lagi akong nakasuporta sayo. Magkikita pa naman tayo hindi nga lang ngayon kaya smile ka lang lagi okay. Mahal kita palagi
- yumi:)
Hindi ko na napigilang umiyak ng mabasa ko yung sulat nya.
Nakakainis ka naman masyado yumi eh bakit ba kailangan mo pang umalis hindi mo manlang ako hinintay
YOU ARE READING
Before I Let You Go
RandomSometimes loving means setting them free and letting them go