It's been a month simula nong nalaman kong may namamagitan kay elmo at bianca, gusto ko mang magalit pero wala naman ako sa lugar, at kahit ikasal kami kung hindi naman ako yung mahal nya wala ding silbi
Andito kami ngayon sa isang restaurant kung nasaan si bianca at elmo. Habang pinapanood ko sila para akong nadudurog ng paunti unti
"Oh anong plano mo?" Ethan said
"Edi kung ano yung napagusapan natin" itutuloy ko na yung napagusapan namin, ang hirap naman kasing ipaglaban yung taong hindi naman ikaw yung gusto
"Sure kana ba jan? Kung kelan nakatira na kayo sa iisang bahay" jay said
"Oo sure nako, after neto dederetsyo nako sa office ni dad" sagot ko saknila, tumango nalang sila at tinapos nalang namin yung pagkain namin.
After namin kumain nagbayad lang kami ng bilis at umalis na din. Agad akong pumunta ng office ni dad para kausap sya about sa kasal
"Oh anak anong ginagawa mo dito? Biglaan ata ang punta mo" dad said
"Ah dad gusto ko lang sana makausap ka about sa kasal" sagot ko saknya at napalingon naman sya sakin
"Bakit may problema ba?" Takang tanong nya, kaya umiling ako
"Ayoko pong magpakasal kay bianca dad" seryosong sagot ko saknya
Isisigaw ko na lang sa langit
Iiiyak ko na lang sa tanawin
At pagkabilang kong tatlo
Kakalimutan na kita
"Ano? Yumi naman ilang buwan na yung lumipas tapos ngayon mo lang sasabihin yan" medyo galit nyang sabi
"Gustuhin ko man pero i can't dad" nakatungo kong sagot saknya
"Anong i can't. Yumi?!" He said and he's really mad right now
"Just please let me explain first" whoo kaya mo to yumi, para kay bianca
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan to pero andito nako aatras pa ba ako.
"Dad ayokong magpakasal kay bianca dahil ayokong maging hadlang sa kasiyahan nya, ayokong magpakasal sya sakin dahil napipilitan lang sya sa gusto nyo ni tito. Kahit naman sundin namin ang utos nyo, iba parin ang gusto at mahal nya. Dad alam kong naiintindihan moko hindi ko naman gagawin to kung walang taong masasaktan..." Napatungo nalang ako dahil bigla nalang tumulo yung luha ko
Ganto pala kasakit yun no, yung tipong hindi ka pa naguumpisa natapos na agad
Kailangan ko nang tanggapin ang lahat
Na wala nang ikaw at ako na namamagitan
Isang alaala na lang ba ang nakaraan?
Na dating kay saya, ngayon ay kay lungkot na nag-iisa
"Handa akong tanggapin lahat ng kapalit, kahit na kunin nyo lahat sakin even my job... O-or... Kahit na itakwil at ikahiya nyo ako... Tatanggapin ko wag lang matuloy yung kasal... Nakikiusap ako dad" nahihirapan kong sabi habang patuloy lang ang pagpatak ng mga luha ko
"Willing kang isacrifice lahat ng meron ka para kay bianca?" Dad asked, tumango naman ako
"Lahat... Para kay bianca" sagot ko saknya
Nagulat nalang ako ng bigla akong yakapin ni dad, kaya mas lalo akong naiyak
"You don't have to do that anak. I still respect your decision, hindi kita itatakwil o ikakahiya dahil wala namang rason para gawin ko yun. Tandaan mo mas nasasaktan ako kapag nakikita ko kayong nasasaktan" he said, at niyakap ako ng mahigpit
Sapat na sigurong mahalin kita ng palihim dahil alam ko namang hindi ka magiging sakin.
Pipilitin kong kayanin kahit sobrang sakit
Kung ito na ang huling yugto
Oras na rin para ba ihinto?
Kakalimutan na kita
Salamat nga pala sa lahat ng iyong ginawa
YOU ARE READING
Before I Let You Go
RandomSometimes loving means setting them free and letting them go