Bianca's Pov
5 months passed
"Bianca!!" Sigaw ng kung sino sa likod ko kaya lumingon ako agad
Hay nako ang apaka ingay talaga neto ni fatima, nakakahiya gago
"Hoy ganyan ah ayaw mokong pansinan ah" sabi pa neto ng makalapit na sakin
"Bakit kasi kailangan mo pang sumigaw nakakahiya kaya" sagot ko saknya
"Sus, libre moko" hirit neto sakin
"Ayoko nga, mas mayaman ka pa sakin tas papalibre ka"
"Okay, edi kay kuya ako papalibre bye" sabi neto at umaktong aalis nya
teka tama ba yung narinig ko? Kuya? Yumi...
"Baka malibre ka ang layo layo non" asar ko saknya
"Oh ayan na pala sila" sabi nya habang nakatingin sa pinto ng coffee shop
Kaya napalingon din ako. Natahimik nalang ako bigla ng lumapit samin si ate ash at heart na kasama si yumi
"Kuya libre moko, ayaw akong ilibre ni bianca" sabi neto sa kuya
"Ayoko nga may pera ka diba. Tsaka ayan yung jowa mo bat sakin ka nagpapalibre" sagot ni yumi kaya natawa bigla sila ate ash
"Ang dadamot ng tao dito ang yayaman naman" reklamo neto samin
"Isa ka na dun" sagot ni heart saknya
nakatingin lang ako kay yumi habang nagaasaran sila, hindi ko mapigilan yung sarili kong hindi sya tignan, sobrang namiss ko sya kahit limang buwan lang syang nawala
napaiwas ako ng tingin ng bigla nya akong tignan sa mata at ngumiti
Pafall talaga tong lalaking to nakakainis
after few minutes naisipan na nilang umalis, sa bahay nalang daw kami tumambay para makapag bonding na rin dahil naging busy rin kami sa mga kanya kanya naming trabaho
Nang makarating na kami sa bahay namin, nagkwentuhan na agad silang tatlo habang si yumi naman ay busy sa phone nya at pangiti ngiti pa
sino ba yung kausap nya bat may pangiti ngiti pang nalalaman tong lalaking to
Yumi's Pov
hinayaan ko lang silang nagkwentuhan dun dahil busy akong makipagusap dun sa binilihan ko ng flowers at gift kay bianca, malapit na kasi ang birthday nya kaya ayun sana magustuhan nya to, hindi ko mapigilan ngumiti kapag naiisip ko sya nababaliw na ata ako.
kahit naman hindi naging kami masaya ako sa kung anong meron sya ngayon, at masaya na rin ako para saknya, sobrang laki ng respeto ko saknya kaya okay nakong mahalin sya ng ako nalang ang nakakaalam, atleast okay kami at yun ang importante dun.
"Hoy sino yan, ikaw ahh" napalingon ako bigla kay ate ash
"Anong ano yun?" Takang tanong ko saknya
"Sus, kunyare di namin nakita" sagot nya sakin
ha? Ang alin? Shuta?
"Ha?" Naguguluhang tanong ko
"Oo nalang yumi" natatawa nyang sabi
Patuloy lang nila akong inaasar at hindi ko parin magets kung ano yun, napansin kong bigla nalang nawala si bianca.
"Hoy oo nga pala asaan na yung pasalubong namin?" Heart said
"Ah oo nga pala nasa kotse kunin ko lang" sagot ko saknya at tumayo na ako agad
paglabas ko ng pinto nila nagulat ako ng makita ko si bianca at elmo na naguusap kaya hindi ko alam kung dederetsyo ba ako o papasok ulit ng bahay
Bahala na nga.
"Kuya" sigaw ni fatima kaya napalingon kaming tatlo saknya
gago talaga to ohh
"Tara" sabi nya sabay hatak sakin papunta sa kotse at sumakay
"Kuya tara na" seryosong sabi neto kaya sumakay narin ako agad ng kotse
"Anong nangyare?" Alalang tanong ko saknya
"Magdrive ka nalang bilis" sagot neto sakin kaya pinaandar ko na agad yung kotse at umalis na
ano bang nangyayare, nagaway ba sila ni heart?
"Ano bang nangyare ha?" Tanong ko rito habang nagdrive sa kung saan na di ko naman alam kung san pupunta
"Wala bibili lang tayo ng pagkain" sagot neto at tumawa
tangina minsan gusto ko nalang din magpalit ng kapatid eh
after naming makabili ng pakain bumalik narin kami agad, nanunang pumasok si fat sa loob dala yung mga pagkain na binili namin, habang ako kinakuha ko naman yung mga pasalubong nila agad din naman akong pumasok at binigay saknila yun.
YOU ARE READING
Before I Let You Go
RandomSometimes loving means setting them free and letting them go