SIETE
ZOBEL, LAZZ ALLIAN A.
ZOBEL, LAZZ ALLIAN A.
"Hey, Lazz. It's your turn." Na-realize ko na lang na tinatawag na yung pangalan ko nung siniko ako ni Dianne, yung katabi ko sa upuan.
Malakas na ang hiyawan ng mga tao sa akin hindi dahil sa sikat ako, dahil kasi ako na yung last person na tinawag before i-declare na graduates na kami. Sa dinami dami ba naman ng graduates ngayon, nakaka-relieve talaga na last person na yung tinatawag. Ibig sabihin malapit na matapos ang ceremony at makakapag-party na yung iba.
But not for me. Ayokong matapos 'tong ceremony na 'to because I have to face Athen and pretend that we are still okay in front of my friends and family except for Sethere.
"Bilis na, let's end this na. The toga's making me all itchy na." Sabi ni Sabrine, yung babaeng katabi ko to my right. Inirapan ko siya then I stood up, the cheers tripled in volume.
"Zobel, Lazz Allian A." Pangatlong sabi nung professor ko.
I dragged my self up the stairs and plastered a very fake smile. Hindi ko ma-appreciate ang essence ng graduation dahil sa problemang dala dala ko. Buti nga hindi pa dumadaldal yung nga kaibigan ko at si dad tungkol sa pregnancy ko simula nung mag-touch down ang sinasakyan na eroplano ni Athen dito sa Pinas
Pagdating ni Athen ay marami kaming bagay na dapat gawin. We hugged, but not the i-longed-for-you-honey hug, it's more of the we-need-to-do-this hug. Pero kahit ganun, nilubos ko na, sayang din dahil ngayon lang ulit kami nagkita after ilang months. Yung mga tao na nakapaligid sa amin tuwang-tuwa pero alam ko naman na kabaligtaran yung nararamdaman ni Athen.
Now back to reality.
"Congratulations!" Masayang sabi sa akin nung chancellor ng school. I thanked him.
After nun ay nag-proceed na sila sa ceremony. Next thing I know, recessional na. Gosh, oras na naman para makipagplastikan.
"Friend! Selfieee!!!" Masayang salubong sa akin ni Miel sabay labas ng monopod niya.
"Congrats baklaaa!!!" Nagulat ako na hindi camera yung purpose ni Miel, naka-Skype si Vien. For the first time after ilang months, I felt genuinely happy.
"Vien!!!" Masaya kong sabi. Lumapit na sila Conrado sa akin. Nag-hello siya kila Dad and Athen pero tumigil siya nung makita niya na si Sethere.
"Who's that pokemon?" Tanong ni Vien sa akin. Hinila ko papalapit sa akin si Sethere.
"This is Sethere, my childhood friend-" Hindi pa tapos ang pagiintroduce ko nung biglang sumingit si Conrado.
"And her personal doctor." Dugtong niya. O fudge, please wag ngayon!
Nakita ko na nag-iba yung tingin ni Athen sa akin. Ayan kasi, assumero ka, kung pinag-explain mo lang sana ako...
"Oo nga pala! Double congratulations baklaaa!!! Ilang weeks na ba yan?" Ayan na, ayan na ang bomba. Sinasabi ko na nga ba, dapat hindi pinagkakalat 'to eh.
Natahimik kaming dalawa ni Seth, lahat sila nakatingin sa aming dalawa pero ang kaninang nasa likod na si Athen ay halos nasa unahan na.
"Hoy! Ilang weeks na yan? Uy Athen! Congrats din ha. Iba ang feeling no? Pero know ko na hindi ka makapaniwala nung una." Ang laki laki ng ngiti ni Vien, nilalaro laro niya pa si Julianna.
Nawala lang yung smile niya nung makita niya yung reaction ni Athen. He was pale and shocked.
"Oh my. Hindi mo pa alam? Naku, bakla sorry! Akala ko kasi..."
BINABASA MO ANG
La Sallista si Girl, Atenista si Boy
Teen FictionYour name was after your parents' dearly beloved school, La Salle. But wait, there's more... Nakilala mo ang isang lalaki na pinangalan din after ng alma mater ng mga magulang niya which is Ateneo. La Salle and Ateneo are known as rivals for so many...