Eight: Confusion Strikes One

3.5K 52 1
                                    

Eight: Confusion Strikes One









One week...









One week na simula nung makilala ni Vanessa yung Flake na yun at ang friend niyang monkey din.

One week na din akong nagtitiis na makita ang mga monkey eating eagles na yun. Kada lunch break nalang namin kasabay namin yung dalawang yun. Feeling ko nga namayat ako kasi palagi akong walang appetite kapag kasabay ko sila. Pano mukha palang nun ni Ateng, nakakawalang gana na talaga.

Ewan ko nga ba kung pano nila na-mamanage yung time nila para makasama lang sila sa lunch namin. Imagine nalang ang travel time nila from QC to Taft Ave. di ba? Pwera pa yung traffic dun.

Palibhasa matiyaga talaga tong si Flake kay Vans e, feeling ko nga seryoso yung casanova na yun sa sissy ko. Mas mabuti na rin naman kung ganun.

 







"Baby girl, una na kami sa Starbucks ni sissy ha, nandun na daw kasi sila Papa Blake. Follow ka nalang, pakibilisan na din ang kilos." Pagpapaalam sa akin ni Cookie, palagi naman silang excited maglunch e.

 








Nag-nod nalang ako pero sa totoo gusto ko na talagang mag-alibi para lang hindi na ulit makita ang pagmumukha nung mga lalaki na yun. Kaso ayoko naman maging loner pag lunch no, okay lang maging loner kung may chance naman na lapitan ako ng darling ko, e kaso wala so no choice.

Tsaka isa pa, depressed din ako kaya kailangan ko ng mga tao na makakapag-divert ng atention ko sa mga bagay na nakakapagpa-down sakin.  

Bakit nga ba ako depressed?

Isang dahilan dun si Daddy, nag-usap kami kagabi after he got off from work. He is dating a girl na daw. They've been dating for 2 years already and yet, kahapon niya lang sinabi sa akin!

Wala naman akong kontra kunga magka-lovelife man si Daddy because it has been 10 years after my Mom died, he deserve naman na magmahal ulit and I want him to be happy pero nakakasama lang ng loob na hindi niya sinabi sa akin agad! Matatanggap ko naman e!

His reason? Baka daw kasi hindi ko magustuhan kaya nilihim niya. Ano ang resulta? Mas lalo tuloy sumama ang loob ko sa kanya.

Hayaan na nga, alam kong lilipas din tong tampo kay Daddy kasi hindi ko din naman siya matitiis, Daddy's girl kaya to. I just need time to cool down. Super close kasi namin kaya hindi ko ma-imagine that he kept that big secret from me for two freaking years!!!

Ang isa pang reason ay si Simon Ellis, pano ba naman kasi the last time I got to talk to him was at the game. Another thing, after the game ba naman inirapan niya ako nung babatiin ko na dapat siya dahil nanalo nga sila.

Alam niyo yung masakit? Yun yun e. Inirapan niya lang ako after nung maayos naming conversation nung halftime?! Nakaka-bipolar much di ba? Palibhasa kasi kasama na niya yung Medussa niyang girlfriend after nung game kaya hindi na niya ako pinansin.

Alam ko naman na wala akong karapatan para mag-inarte pero di ba, I thought we were ok that I can approach him the way I want. Akala ko it is ok if we treat each other as friends na, tutal siya naman ang nag-approach sa akin nung time na yun.

La Sallista si Girl, Atenista si BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon