Thirty Eight: Torn

2.5K 32 7
                                    

Thirty Eight: Torn

And the silence stretched out like an endless night sky... but not until he started to speak again.

"Namumula siya pag napapahiya siya, o kaya naman naiinis. Madali siya mapikon, sa sobrang bilis hindi mo alam kung magugulat ka ba o matatawa. Ayaw na ayaw niya yung hinahawakan ng ibang tao ang plato niya pag kumakain siya, nawawalan siya ng gana. Ayaw na ayaw niya na ginugulo ang buhok niya o kaya hahawakan ang mukha niya. Pag bored siya, ilalabas na lang niya ang notebook niya at magsisimula magdoodle ng kung anu-ano. Hindi siya mapakali pag hindi niya na-drawing ang design na bigla nalang sumusulpot sa isip niya. Mahilig siya manood ng basketball pero kahit isang term ay wala siyang alam dun. Mahilig siya sa blueberry cheesecake at hindi kumpleto ang araw niya hangga't hindi siya nakakapag-kape. Mahilig siya mag-walkout kasi gusto niyang hinahabol siya..."

Tumigil muna siya sa pagsasalita. It felt nice. Lahat ng sinabi ni Athen tungkol sa akin ay tama. Akalain niyo yun, sa ikli ng panahon na magkakilala kami, kahit maliliit na detalye pala ay napapansin niya sa akin.

"Gusto niyang hinahabol siya. Kaya hahabulin ko siya hanggang kaya ko." Athen said the words with so much conviction that almost had me falling for this crappy thing again.

Pero bigla ko nalang naalala lahat ng nakita ko kanina. Him kissing me then him standing on the officials' table and him announcing that he got his girl back. Shit, hindi ko na alam kung ano ang dapat maramdaman.

"Too late Sebastian. Hindi mo na siya pwedeng habulin kasi nakatali ka na ngayon at isa pa, she'll never walk out on you again kasi aalis na siya ng tuluyan sa buhay mo." Sabi ni Simon tapos tuluyan na siyang naglakad palayo kay Athen, holding me closer to him.

"Miel and I, it is not what you guys think." Pahabol na sabi ni Athen bago kami tuluyang makalayo ni Simon.

"Are you making fun of us Sebastian?! Hindi kami bulag at bingi para hindi mapansin ang ginawang eksena niyo kanina." Nangaasar na tinig ni Simon.

"Alam mo kung bakit ko ginawa yung eksenang yun.  Nandun ka Ellis. Para sa aming dalawa ni Yeni yun, hindi ko lang kaya ipahiya si Miel kanina kaya hindi na ako umimik pa." Pagpapaliwanag ni Athen.

He is pretty convincing but I know better. These are all lies. He is a dumbass liar. Can you practice what you preach motherf*cker?!

"I don't think Lazz will buy that story Sebastian. Ito na ang huli Athen. Wag na wag mo ng lalapitan si Lazz kahit kelan." Simon warned him.

"Bakit? Ano bang karapatan mo para diktahan kung ano ang gusto at hindi gustong gawin ni Yeni. Pucha Ellis, binigay lang ng tatay niya yung apelyido nila sayo kaya wag kang umasta na parang kuya ka talaga." Dinig ko sa boses ni Athen na malapit na maubos ang pasensya niya. Napipikon na siya.

"Tinanggap na ako ni Lazz bilang parte ng pamilya at buhay niya kaya wala ka ng magagawa dun Sebastian." My brother replied while shifting me on his arms.

"Meron akong magagawa." Athen said.

Narinig kong tumawa ng pang-asar si Simon. I clutched on his shirt and buried my face on his chest. I still kept my eyes shut.

"Really? Ano naman?" Pangasar pa din ang tono ni Simon.

"I'll take her away from you then." Athen grimly said.

"Good luck with that."

Tuluyan na kaming naglakad palayo kay Athen. Natutukso akong silipin siya ng kahit konti pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong maging mukhang tanga dahil lang sa isang lalaki. Hindi ako pinalaki ng tatay ko para lang magpadala sa lintik na pag-ibig na yan. Fudgecake.

La Sallista si Girl, Atenista si BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon