Forty Five: The Truth 1.2 (ATHEN)

2.1K 27 5
                                    

Forty Five: The Truth 1.2 (ATHEN)

"At Point Guard, Number 7, Simon Zobel!!!"

Napatingin ako sa overhead screen nung narinig ko ang sinabi ng announcer. Zobel? Si Simon? Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa nalaman ko.

Takte, para pala akong tanga nun, hindi man lang nilinaw sa akin ni Lazz na kaya pala sila ganun ni Simon dahil magiging adopted son ng tatay niya yung lalaking yun.

Pero hindi ako nakaramdam ng inis kay Lazz, I was rather happy. Malaki pala ang possibility na may nararamdaman nga siya para sa akin. Dahil sa nalaman ko, ginanahan ako maglaro.

Before mag-halftime, lamang kami, 75 - Ateneo and 70 - La Salle.

I tried to look for her pero Miel is there to remind me what I have to do. Sinabi niya din sa akin na nandito ang tatay ni Lazz so I have to stand my ground.

But the moment I saw Hans held her hand during that halftime scene, hindi na ako nakapagpigil. Jealousy consumed me to the very core. Wala na akong pakialam kung nandito yung tatay niya o kahit sino pa man, ayokong nakakakita ng lalaking umaaligid kay Lazz. I dragged her out of the bleachers at sinama ko siya sa loob ng dug out namin.

"What's that?!" Di ko mapigilan ang pag-sigaw. Naiinis ako dahil nagseselos ako at naiinis ako kasi I can't stay away from her. Fuck this life!

It is a good thing na wala na masyadong tao dito sa locker area. Nandoon na kasi sila sa court at nag-wwarm up na. Pake ko sa warm up na yan?! Nasa harap ko na si Lazz bakit ko pa aaksayahin ang oras ko sa warm up?

"Ano?!" Naguguluhan siya sa sinabi ko? Ano to mag-dedeny nalang siya?

I pulled her near pero siyempre tinignan ko muna ang paligid, baka may makakita na paru-paro at i-chismis pa kami ni Lazz. Hinila ko siya papasok sa locker room.

"Kayo ba ni Gonzales? wag ka maglilihim sa akin Yeni." Tinanong ko kagad siya derechahan kahit na sa totoo lang natatakot ako sa isasagot niya.

"What?! No." Mahina niyang sabi, she looks mad.

Pero bakit siya galit? Ibig sabihin ba niyan may tinatago siyang lihim sakin? No, hindi ako maniniwala. I need her to tell me the truth, the whole truth. I slammed the lockers with my hand, sa totoo lang masakit pero I need to look strong and cool. Kagat lang yan ng langgam Athen. Si Lazz kaharap mo, wag maging weak.

"Don't lie to me Lazz. Yes or no."

"Bingi ka ba? Sinabi ko na ngang No di ba?" Matigas talaga siya, ayaw niya talaga sabihin.

"Yeni. I'm serious." Hinawakan ko yung magkabilang balikat niya. Naiinis pa din ako talaga.

Nagulat ako sa ginawa niya nung inalis niya ang pagkakahawak ko sa balikat niya. Lazz Alian, how can you defy me? Of all people, bakit hindi ka nagpapaapekto sa charms ko? Damn it.

"Sinabi ko na ngang hindi di ba?! Bakit ba ang kulit mo?! At ano bang pakialam mo kung kami nga? Isang buwan na tayong hindi nag-uusap Athen tapos ngayon susulpot ka lang bigla at magtatanong kung ano ang meron sa amin ni Hans like a fucking jealous boyfriend?! The nerve!"

Ouch. That hurts. Kasalanan ko pala talaga kung bakit napalapit siya kay Hans. Kung pinagpatuloy ko kaya lahat, sa akin na siya?

"I am jealous and yes I am your boyfriend." Bahala na. Sasabihin ko lang kung ano ang nararamdaman ko.

"Punyeta! Nung nagbuhos ata si God ng kakapalan ng mukha, sinalo mo lahat. Ay wait, hindi pala, nag-hati pala kayo sa biyaya ng Miel mo! Boyfriend? Ikaw?! Naririnig mo ba ang sinasabi mo Athen? If you said that a month ago it'll be fine pero isang buwan na tayong hindi nag-uusap Athen. Kaya wag mo na akong guguluhin pa ulit. Kung wala ka nang pakialam sakin, pwes quits na tayo ngayon." Teka, teka, teka. Aalis si Lazz? Iiwanan niya ako? Bat ang sakit? Bakit parang hindi ko kaya? Get a grip Athen, isang buwan mo siyang hindi nakita. Makakayanan ko yan... Fuck, hindi ko kaya. Pinigilan ko si Lazz bago pa siya makaalis.

La Sallista si Girl, Atenista si BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon