BENTE DOS: INFINITY

1.5K 28 17
                                    

BENTE DOS


Who would've thought that I would really have my own happy ending. Sa hinaba haba naman kasi ng pinagdaanan namin ni Athen, nakakaiyak na humantong pa rin kami sa kasalan. We've been through a very scary roller coaster ride but it was all worth it. Madami kaming natutunan, marami kaming na-realize and we know as long as na magkasama kami, kahit ilang roller coaster pa yan, hindi na kami matatakot pa.

"Hoy! Uso gumalaw! Ano magbaback-out ka na?" Tinapik ako sa balikat ni Hans. Yup, umuwi sila para sa kasal ko and I've never felt this special my whole life. Biruin mo, kumpleto sila ngayon where in fact hindi naman lahat sa kanila ang napuntahan ko nung kinasal sila.

"Pwede ba?" Pagbibiro ko sa kanila. Vien is having her finishing touches sa buhok ko while Miel and Vanessa ang nagffinalize ng make up ko.

"Gaga ka!" Sabay na sigaw ni Vanessa and Miel. "Nagpakahirap pa kayong dalawa tapos aayaw ka din pala." Singit ni Vien.

"Joke lang naman!" Sabi ko sa kanila. Miel forced me to shut my eyes dahil maglalagay daw siya ng konting diamante sa eyelid ko. Ang dami kasing echos masyado.

"Naku, don't say that in front of Athen baka mamaya mahimatay yun! Alam mo namang dead na dead sa'yo yun!" Dugtong pa ni Vien.

"And her to him. Parehas lang naman yang dalawang 'yan." Singit ni Conrado habang nakaupo sa couch na nasa likod ng vanity table.

"Pero bro, pakiramdam ko mas nahulog talaga yung bata natin." Natatawang sabi ni Blake, he offered a high five pero hindi nakita ni Conrado kaya he high-fived himself.

"Matagal ko nang pakiramdam yan. Aba naman pinakita niya pa lang kung gano kadami yung love letters niya para dito kay Lazz, alam ko nang malalim ang pinagbagsakan nun eh." Natatawang kwento ni Hans.


Napadilat ako ng wala sa oras...nakita nila?! Bakit hindi nila sinabi sa akin kagad?! Nilingon ko ang direksyon ng kumpulang mga lalaki sa likod. Pambihira naman, kung sinabi kagad nila sa akin na may mga sulat pala eh di sana hindi na nagtagal ang pagiinarte ko di ba?

"Nakita niyo?!" Inis kong sabi.

"Nakita namin." Sabay sabay nilang sabi...LAHAT. Yes, pati mga babae.

"Before or after the climax?" I asked, pertaining to that long agony Athen and I had been through.

"Before. Alam na namin na yun yung regalo niya sa'yo." Si Hans ang sumagot sa akin. "The box and the key." So lahat ng kalandian ni Hans before was all an act? Grabe na.

"What the -- bakit hindi niyo kagad sinabi?" I was fuming already. Yes, sayang kasi yung panahon!

"He wouldn't let us. Naniniwala siya na you need time at bubuksan mo lang yun once you are ready. Hindi naman siya nagkamali. Di ba? Ikaw din ang bumalik?" Nakangiting sabi ni Blake. May point naman sila.

"You think parehas ang magiging reaction mo kung nabuksan mo yun ng wala pa sa right time?" Tanong ni Vanessa sa akin, umayos na ako ng upo ulit at hinayaan kong ipagpatuloy nila ang make-up ko.

"Maswerte kayo sa isa't isa. Sa buong tropa, kayo ang perfect couple eh. Kahit na ang dami niyong kaartehan, the way you compliment each other is really amazing. Napansin namin yun." Pagshshare ni Miel. These people! BAKIT NGAYON LANG SILA NAG-OOPEN UP ABOUT THESE THINGS?! GUSTO BA NILA AKONG PAIYAKIN TALAGA?!

"Tama na yan. Iiyak pa yan, masisira pa ang make-up." Pangaasar ni Conrado sa akin.


Maya-maya lang ay may kumatok na sa pintuan, sakto namang tapos na yung pag-aayos nila sa akin. Mukha akong prinsesa, pero hindi ganun ka-engrande. Simpleng classy, ganun ang itsura ko ngayon, I let my hair down dahil mas gusto ni Athen yung ganun. Namimiss na daw niya kasi yung mahaba kong buhok.

La Sallista si Girl, Atenista si BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon