# 6

48 13 10
                                    

Davian Zues Coromintez

A.M | 03.18.21

:
Hiii
Ulit ahahahah
Buwan ka ba?
Sabihin mo bakit baka kasi 'sino ka po' na naman isagot mo

seen

:
Bakit po?

Kaagad niyang sineen ang reply ko. Ano naman ba ang trip nito?

:
Ayonnn
Kasi malayo ka man sa aking tabi, pakiramdam ko'y laging kang nakasunod sa akin

O di ba maganda
Magandang ikaw ay mapa sakin ;)
Hahaha

Sa totoo, hindi ko malaman ang konektado ng mga sinabi niya.

:
Oo nga po haha.

Davian reacted 😢 to your message.

:
Saint Jude ka rin po pala nag-aaral? Tapos sa katapat na building lang namin kasi parehas pala tayo ng strand po

:
Ah oo, kaya nga napag alaman kong may diwata palang nagngangalang Ligaya ~

;))) 

aagahan ko na bago pa may umagaw, I admired you, all about you. Long time admirer mo ko, simula nang muntik ka nang madisgrasya sa hagdanan

:
Ikaw po yung...

:
Yea, secret reveal na ahahah

Alam ko ring sinubukan mo kong hanapin noon, at dahil sa pinsan mo, nabigo ka

Naalala ko yung panahon na nagpatulong pa ako kay Kaela para sa kaniya, para mahanap siya tapos iyon pala ay itinatago nila?

:
Kaya crush mo rin ako? 😍😍

Halos atakihin ako sa mensaheng ipinadala niya. Hindi na nga mabenta ang biro nya, sobra rin ito kung makapag-isip. Inaamin kong may hitsura siya at magandang pustura, ngunit hindi naman ako basta-basta na lamang nahuhulog ng dahil doon.

:
Masyado po yata kayong sumobra, hinanap ko lang po kita noon para mag-thank you

:
Awts :-\

Pero hindi pa naman huli, magkakaroon din yang puso mo 😉

Hindi ko na alam ang sasabihin nang sakto namang lumitaw ang chat head ni Kuya sa gilid nitong phone ko. Lumipat muna ako roon saglit.

Kuya Grand:

Nasa biyahe na 'ko, sabihin mo kila Mom huwag na mag-prepare ng food, I already buy some for us.

Nagtipa ako at sinabing oo, kahit kanina pa natapos ni Mommy ang pagluluto, hindi ko na lang binanggit sa kaniya kasi suprise nga iyun. Ngayon kasi ang  uwi ni Kuya galing abroad bilang isang vocal artist sa isang banda.

Davian:

Hindi pa man tayo ang bilis mo nang mang-iwan ☹️

:
Nag-text po kasi si Kuya pasensiya na po

:
Ay hindi! Sige lang take your time! Kahit bukas ka pa bumalik kamusta mo ako kay Kuya mo 😊

:
Naka log out na po eh, pero sinabi ko naman pong kakamustahin mo siya☺️

:
Ha?

Bakit ako? Di ba kausap mo kamo ba't napunta sakin?

Bumalik ako sa conversation namin ni Kuya at in-unsend ang sinabi subalit huli na dahil bigla itong nag-open account at nakita iyon maski ang pagbura ko.

Sinunod ko lang naman yung sinabi niya eh.

Kuya Grand:

Tell him we'll meet tom in the morning.

Take The Path You WantWhere stories live. Discover now