# 32

10 3 0
                                    

Davian is courting someone. Davian is courting someone. Davian is courting someone. 

Isang sirang plaka na linyang paulit-ulit ang ikot sa aking isipan, hindi malaman kung paano matatanggal. Akala ko, hindi ganoong makakaapekto. Pero lahat talaga umuuwi lang din sa pinanggalingan. Na akala lang.

May katagalan na rin magmula ang panahon namin, alam ko naman 'yon at walang karapatang makontrol ang pakiramdam niya. Dahil may sari-sarili tayong buhay.

Buhay na dapat pinupuno ng saya, kasiyahang sa kaniya ko unang nakita't naramdaman.

Normal pa naman akong humihinga. Hindi putol-putol ang pintig ng puso ko para mahirapan. Ngunit iba ang pakiramdam na  namumuo sa'kin. Bagay na tila may kasalanan akong ayaw aminin at harapin. Na iniwan ko siyang walang matinong paliwanag. 

Take The Path You WantWhere stories live. Discover now