# 13

15 5 0
                                    

Kuya Grand
( text message )
A.M 2021

:
Saan ka nagpunta? Hinahanap ka na nila Mom.

At nagpaalam ka ba?
received, 10:25 am

Pauwi na dapat ako dahil nabili ko na rin mga kailangan bilin ngunit napagpasiyahan ko kasing dalawin ang bahay-ampunan at gusto rin naman ni Davian makita 'yun kaya binisita namin. Nagtipa na ako ng maaaring idahilan kasi siguradong hindi matutuwa sa akin si Kuya lalo na't hindi ako nagpaalam. Para saan pa kasi ang pagpapaalam kung alam ko namang hindi sila papayag. Dati pa.

:
On the way na kuya, may dinaanan lang na importante

:
Ok. Make sure that's really important, or else..

Oo na lamang ang isinagot ko kasi importante naman ito. Nakatutuwa nga dahil may natutulungan ako.

Bold - Davian
Italic - Ligaya

"Pinapauwi ka na ba nila? Tara, hatid kita."

"Oo eh, salamat sa pagsama pala."

"Ehem- wala 'yon! Basta ba..."

"Basta.. ano?"

"Hayaan mo akong..."

Tumaas ang mga kilay ko sa pagtataka.

"N-na ligawan ka?"

Napayuko pa siya sa pagkakataong masabi iyon. At bahagyang namula ang sariling mga pisngi.

"Hindi ka ba nanliligaw sa lagay na iyan?"

Humagikgik siya at pumantay ang malalim na tingin sa akin.

"Hindi, kasi ang lagay ko gusto kita."

"AYIEEE SILA ATE OH!."

"OY TAMA PUSTA KO, PA'NO BA 'YAN."

Lumabas si Sister Tere at sinuway sila, "Woy oy, kayo ang babata niyo pa nakikinig kayo sa usapan ng iba 'di ba masama iyon?" panunuway pa ni sister sa mga ito na tinawanan na lang namin.

"Siya po eh, siya kasi." Mga turuan pa nila sa isa't isa. 

"Okay na po sister, mauna na rin po kami." Matamis akong ngumiti.

"Mukhang boto sa akin mga bata dun ah," sabay kindat sa 'kin pagkasakay namin sa kotse niya.

"Mahilig lang talaga sila magbiro."

Lumungkot ang mukha niya panaglitan subalit napalitan din ng ngiti pagkaraan.

"May naisip akong joke, gusto mo marinig?"

Tumango na lang ako, siya na ang nakilala kong kada-araw hindi nauubusan ng baong biro.

Take The Path You WantWhere stories live. Discover now