# 30

8 2 0
                                    

Davian Zues Coromintez
12.25.21

:
Are you up?
I'm sorry, ipinahamak pa kita punta ako d'yan tom I will explain to Tita

:
Hindi na, Davian
May...

May gusto rin akong sabihin

"Choose, Ligaya. US OR THAT DAVIAN?"

"Panindigan mo 'yang mga sinabi mo. Hindi ka namin pinalaki at aral para sa walang kuwenta."

:
What?? Missed me already? Hahahaha

"Just listen to Mom, lil sis. I'm telling you, parents know the best."

:
Davian

:
May problema ba? You can tell me, what is it?

H-hindi. 'Di ko kayang sabihin na lang lahat-lahat dahil ang sakit. At alam kong masasaktan din siya, kami.

You blocked him.

Hindi lang basta natapos doon ang gabi, ilang ulit s'yang tumawag at sinubok akong kausapin. Pinadaan niya rin kay Kaela subalit nagmatigas ako't mag-isang dinamayan ang sarili.

Umagos ang kanina ko pang pinipigilan na mga luha. At kumawala ang mahihinang hikbi.

Maybe it's not yet our spotlight, Davian. B-but I'll be back, I will still hold the promises that I and you said. For now, let's make ourselves free.

T-to let us free from the rules of life we have, for now.

Kasunod niyon ay ang mabibigat na pagpikit ng talukap ng aking mga mata. Kahit sa alala'y makita ko man lang siya para makapagpaalam.


***

KINAUMAGAHAN ay mugto ang mga mata kong bumangon. Masarap ang naging tulog ko ngunit pababa pa lang ako ng hagdan ay narinig ko na ang 'di kalakasang usapan nila Mommy at Kuya Grand sa living room. Nakapatong sa lamesang kahoy na mahaba ang dalawang malalaking maleta. Biglang dumapo ang tingin sa'kin ni Kuya at may kaunting pag-aalala sa mga iyon.

Maliit lamang akong ngumiti sa kaniya dahil hindi ko man tanungin alam kong aalis na naman siya... Sinundan ni Mommy ang tinitignan ni Kuya Grand at nag-iba ang ekspresyon nang ako ang makita, kasabay nang pagbawi ng mga mata.

Tuluyan akong lumapit sa kanila habang sa sahig nakatitig. "M-mommy, sorry-" I didn't continue my words at luha ang pumalit. Nanginginig ang mga tuhod ko sa sinabi niyang nagpatigil sa akin.

"Pack your things, Ligaya. Grandeur will drive you to the airport."

Bumagsak ang balikat ko sa hindi makapaniwalang narinig. Humabol ako sa braso ni Mommy na akmang tatalikuran na kami. Yumakap ako sa kanya, "I'm sorry! Mommy, please.. forgive me.. I-I already cut off our connections, please Mom...don't send me to Aunt.." basag na ang boses ko at mas lalong lumakas ang hikbi.

Isang malambot na kamay ang humawak sa akin, nananatili akong nakayuko at nakita ko ang pagharap ng mga paa ni Mommy. For the long years, a soft hug covered my body... It was Mom that's now also sobbing in tears. Sumiksik din si Kuya sa pagyakap sa likod ko.

"All we just want is the best for you, my daughter... and to you, son. We didn't tend of anything that will hurt you both.. especially you, our only little girl." Humiwalay na sila sa'kin. Pareho kaming nagpunas ng luha ni Mommy. Naiintindihan ko naman.

Si Kuya Grand ay kaunting ginulo ang buhok ko at tipid na ngumiti. Pinapawi ang lungkot na simula maliit palang kami'y ugali na n'yang gawin, kasabay ang pagkurot sa aking magkabilang pisngi.

Sinamaan ko siya ng mata, "KUYA!" Tumawa lang ito at pagkayari ng mga 'yon tila nawala ang hapdi na kagabi ko pa tinitiis. At panandaliang nakalimutan ang saklap ng nakaraan.

This is the kind of bond I was longing for a long time. The things that their businesses took away from me.

"Gaya..." pagtawag ni Mommy. "Get the course you desired, take the path you want to pursue."




Take The Path You WantWhere stories live. Discover now