01

22 1 0
                                    




Kim Arin's POV

"Shh wag ka maingay. Here hold my hand."

"Malapit na ba tayo Via?" I asked habang nakahawak parin sa kamay niya.

"Oo konti nalang." She said and giggled.

We are suppose to be sleeping right now pero inaya ako ni Via na lumabas sa rooftop kase may meteor shower daw ngayong gabi.

"Okay wait I'll open the door." She let go of my hand for a moment and held it again ng mabuksan na ang pintuan ng rooftop.

"Hmmm ang sarap naman ng ihip ng hangin." I said and smiled. Minsan minsan lang din kase ako nakakalabas. Halos nasa loob lang kami ng kwarto namin palagi. Kung di naman, nasa common area lang din kami.

Via and I sat down sa bench habang naghihintay sa meteor shower. I heard if you make a wish, magkakatotoo daw yun. So here we are, staying up past our bedtime to make a wish.

"Arin! Ayan na! Magwish na tayo." She happily said kaya naman I put my hand together and made a wish.






I wish to see the beauty of the world again.




That's it. That's my wish.


I am blind. I lost my eyesight noong naaksidente kami ng pamilya ko. That same accident killed my parents. Kaya simula noon ay dito na ako sa nursing home nakatira. Dito ko din nakilala si Olivia. She's my roommate ever since I was admitted here. Via has been diagnosed with a heart disease since she was young, while I've been struggling to find a donor. We both have similar problems kaya we easily found comfort in each other. Dahil wala na ang mga magulang ko, I consider her the only family I have left.

"Tapos ka na?" Tanong ni Via at tumango naman ako habang nakadiretso ang tingin.

"Is it beautiful?" I asked.

"Hmm?"

"The shooting star. Can you describe how it looked like?" I said and turned to her side.

"It was very bright tas kumikinang-kinang siya. Don't worry Arin, sa susunod na meteor shower you'll see it for yourself." She said and held my hand.

"I hope so. Pero okay lang din if not, andyan ka naman diba." Sabi ko naman. She sighed. "Why? Is something wrong?" I asked.

"Hmm wala naman. I'm not sure if I'll be able to stay longer. Medyo pagod na din kase ako eh hehe." Sagot niya at tumawa pa. She's always like this these past few days that I'm getting more worried.

"Don't say that Via. You'll get better, I'll see again tas we'll travel the world together." I assured her. I took a deep breath to calm myself. Ayoko umiyak, I have to stay strong for both Via and I.

Pagkatapos ng ilang minuto ay napagdesisyunan namin na bumalik na sa kwarto namin. We both tucked in bed pero hindi parin ako nakatulog kaya I decided to check on Via.

"Gising ka pa?" I asked.

"Hm."

"Pag nakakakita na ako tas magaling ka na, san mo gusto una magpunta?"

"Disneyland...." She sounds like she's tired.

"Sige punta tayo dun ha. Promise?"

"Promise." Mahina niyang sagot.

"Narinig ko kanina champorado daw breakfast natin bukas. Nakakaexcite naman, paborito ko yun eh." I said. Di pa talaga ako inaantok kaya gusto ko pa sana siya chikahin. But she stayed quiet so I'm assuming na nakatulog na siya.

"Via?"

"Tulog ka na siguro. Sige goodnight. I love you." Sabi ko nalang at pinikit ang mga mata ko.

7300 Hours | YJW (ON-HOLD)Where stories live. Discover now