04

11 1 0
                                        



Author's Note

Hi readers, I want to clarify lang na this story will also include chats, calls, and tweets. However, for the time being, it will only be POVs. As you know Arin is blind so it would make sense na hindi pa siya makakagamit nito. That's all. Thank youu and enjoy this chapter.

_____________________________



Kim Arin's POV

I smiled while reminscing the day Via and I first met and the day we both saved each other. I wiped my tears and sighed. Now that she's gone, what am I suppose to do? Aside from nanay Nina, Ms. Ava, and some of the other patients here sa nursing home ay wala na akong ibang kakilala. I smiled bitterly. 'C'mon Arin, its not like makakalabas ka dito.' I thought. I can't see anything anyways.

"Ate Arin?" I heard a voice called me from behind so I turned around.

"Sino yan?" I asked.

"Ako 'to ate, si Nika." Sagot naman ito at umupo sa tabi ko at naglapag ng tray sa table. Nasa common hall kami ngayon ngunit tahimik parin dahil hapon na.

"Kamusta ka na? Kumain ka na ba?" Tanong nito kaya umiling ako. Wala pa akong ganang kumain matapos ang nangyari.

"Eto oh. Pinagtira ka ni manang ng champorado. Kumain ka muna." Dagdag ni Nika. Naramdaman ko na dahan dahan niyang inusog ang tray sa harap ko.

"Salamat Nika pero wala akong gana." Mahinang sabi ko at kinapa ang tray upang iusog ito pabalik sa kanya.

"Hindi pwede ate. Kailangan mo kumain. Manghihina ka nyan eh." Pangungulit nito at inilagay ang kutsara sa kamay ko.

"Alam ko malungkot ka. Kahit ako malungkot din na wala na si ate Via. Pero isipin mo kung ano mararamdaman niya pag nakita ka niya na ganyan. Wag mo pabayaan ang sarili mo ate please. Magpalakas ka para sayo at para na din sa kanya." Napaisip ako bigla at bahagyang natawa. For sure sesermonan ako ni Via, naririnig ko ang boses niya sa utak ko.

I sighed at inabot ulit ang tray upang ilapit ito sakin. I slowly took a small spoonful. Masarap parin talaga ang champorado nila dito. The taste is still the same as I remember nung bata pa ako. Paborito namin na breakfast ito ni Via. Palagi kaming gumigising ng maaga kapag ito ang nasa menu dahil natatakot kami na baka maubusan. I miss her already. All our chikahan and kulitan. Sa kakaisip ay hindi ko namalayan na naubos ko na pala ang champoradong binigay ni Nika. Kinuha niya muli ang tray at tinulungan ako bumalik sa aming kwarto.

Umupo ako sa kama ko at napabuntong-hininga. This room feels so quiet. Wala na yung madaldal na laging may chika sa akin. Wala na yung mag-aayang kumain late at night. I felt tears falling again so I wiped it. I quietly layed down facing up and rested my hands on my stomach. I suddenly heard soft sobs coming from Via's side. May tao dito? Napaupo ulit ako at humarap sa side niya. Tumayo ako at pupunta sana doon ng makapa ko na nakasarado pala ang kurtina.

"Via...." It's a guy. He continued sobbing habang ako naman ay nanatiling nakatayo sa likod ng kurtina at lumuluha na din. Biglang tumigil ang paghikbi niya at huminga ng malalim.



"You are my sunshine, my only sunshine

You make me happy when skies are gray

You'll never know dear, how much I love you

Please don't take my sunshine......"


It's him. It's the same voice I heard 10 years ago. Antagal ko hindi narinig ang boses na ito pero alalang alala parin ito ng isip ko. It's still that same old sweet voice pero mas bumaba ng konti.

"away..." Humina ang kanta niya sa huling bahagi. Via, she's probably a special person to him.

Muling umiyak ang lalake. I want to know him. Gusto ko makilala ang may-ari ng boses na ito. If there's one thing I regret doing, it's asking Via who that person is. Kinapa ko ang dulo ng kurtina upang hawiin ito ngunit bago ko pa magawa iyon ay may bumukas ang pinto kaya't napatigil ako.

"Arin! Sumama ka sakin, pinapatawag ka ni nanay Nina." Pagtawag sakin ni Ms. Ava at agad agad akong tinulungan na makalabas.

"Bakit po? Ano po meron?" Tanong ko habang naglalakad kami.

"Hindi ko din alam eh. Sana naman maganda ang sasabihin niya." I hope so. Parang hindi ko ata kakayanin ang isang malungkot na balita pagkatapos ng nangyari kanina.

Ms. Ava stopped kaya sumunod naman ako sa kanya. We probably arrived at nanay Nina's office. Nadinig ko ang pagbukas ng pinto at naramdaman ko ang pagtulong sakin ni Ms. Ava na pumasok sa loob. Pagkatapos noon ay pinaupo niya ako sa isang upuan.

"Arin?" Tawag sakin ni nanay Nina.

"Bakit po nay?" Tanong ko. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa harap ko. Inabot niya ang kamay ko at hinawakan ito.

"Iiwan ko po muna kayo." Paalam ni Ms. Ava at lumabas. Anong meron? Seryoso ba 'to? Dapat ko ba ikabahala ito? Madaming tanong ang lumalabas sa isipan ko ngayon.

"Arin anak makinig ka ng mabut sakin. Alam ko mahirap para sayo ang pagkawala ni Via dahil parang kapatid mo na siya." Tumango ako at ibinaba ang ulo ko upang matago ang pagbubuo ng mga luha sa mata ko.

"Pero anak isipin mo nalang na nasa mabuting kalagayan na siya ngayon." Dagdag pa niya.

"Opo." Mahinang sagot ko.

She slowly pulled me closer to hug me. Patuloy lang ako sa pag-iyak. Si nanay Nina na ang tumayong magulang ko simula ng mapasok ako sa nursing home na ito. She took care of not only me pero lahat ng bata dito as if we are all her kids. Aside kay Via, kay nanay ako lumalapit kapag nalulungkot ako. She would always hug me and say words na nakakapagpalakas sakin. She made me feel like mayroon akong nanay na andyan kapag kailangan ko. Nanay Nina is indeed an angel my parents sent me. She pulled away from our hug at iniangat ang ulo ko. Pinunasan niya ang mga luha ko at hinaplos ang aking buhok.

"May iniwang regalo sayo si Via." Biglang sabi niya at tumayo.

Nadinig ko ang pagbukas at sara ng cabinet at ang pag-upo niyang muli sa harapan ko. She then handed me a paper envelope. Is this a letter? Nagtaka ako dahil alam naman nila na bulag ako kaya bakit sulat ang ibibigay niya sa akin?

"Nay ano po ito?" Tanong ko habang nasa kamay ko padin ang envelope.

"Sulat ni Via para sayo." Sagot niya.

"Eto po yung regalo niya sakin? Pero nay alam niyo naman..."

"You'll be able to read that soon." Mahina niyang sabi. Hindi ko pa maprocess ang sinabi niya kaya I frowned. What does she mean mababasa ko 'to soon?



"Via's giving you her cornea, Arin. Yun ang regalo niya sayo."

7300 Hours | YJW (ON-HOLD)Where stories live. Discover now