Flashback"Kim Arin. 5 years old. Naaksidente sila ng pamilya niya, namatay ang parents niya pagdating sa ospital habang nabulag ang bata." Napahawak sa bibig ang head ng nursing home sa mga sinabi ng social worker.
Lumipat ang tingin niya sa batang babae na nakaupo sa upuan sa likod. Pinaglalaruan nito ang hawak niyang maliit na teddy bear. She looks very young and innocent. May benda pa na nakabalot sa kanyang ulo dahil kakagaling pa lamang nito sa ospital. Lumapit ang head nurse sa bata at lumhod sa harap nito. Hinawakan niya ang kamay ng bata at kinausap ito.
"Hi Arin. I'm Nina. Ako yung head ng nursing home na to. Don't worry anak, you're safe here with us. We will take care of you hmm." She softly said and caressed the little girl's head but she did not reply.
"She's still suffering from trauma. Kaya hindi pa siya masyado active ngayon. Pero we hope she'll get better soon." Sabi ng social worker.
"Don't worry, we'll do our best para bumalik siya sa dati. Ava? Dalhin mo na si Arin sa kwarto niya." Utos ni Nina sa isa pang nurse.
"Maraming salamat po. We are very grateful you agreed to take her in ng walang bayad. We feel bad kase wala na din kami mahanap na iba pang pamilya ng bata."
"Ano ka ba alam mo naman na hindi naman problema ang pera sa akin. Sapat na ang binibigay na tulong ng mga Yang para masustentuhan ang gastos dito." Pagpapaliwanag ni Nina at nginitian ang social worker. Iniabot nito ang mga gamit ni Arin at ibinigay ang isang envelope na naglalaman ng mga papeles nito.
"Sige po ma'am, mauuna na po kami. Kayo na po ang bahala kay Arin." Lumabas na ang social worker at kumaway sa head ng nursing home.
Samantala si Arin naman ay pumasok na sa kanyang kuwarto sa tulong ng mag-aalaga sa kanya na nurse. Ava guided the little girl to her bed at pinaupo ito dito. Lumabas ang nurse upang kunin ang natitirang gamit ng bata.
"Oh! Ikaw ba yung bago kong roommate?" A girl's voice asked from behind; however, Arin remained in her position. Suddenly she heard little footsteps coming towards her.
"Hellooo???" The little girl repeated and even waved her hand, but stopped when she noticed that the other kid's eyes were covered.
"Ohhh I'm sorry di ko napansin eh. Umm ako nga pala si Via, Olivia Choi. Dun ako sa kabilang side nagsstay." Pagpapakilala nito at umupo sa tabi ng roommate niya.
Ilang sandali lang ay bumukas ang pintuan. Ms. Ava entered the room and placed Arin's bags sa tabi ng kama nito.
"Oh Via ano ginagawa mo diyan? Nagpakilala ka na ba sa bago mong kasama?" Tanong nito sa bata. Tumango naman ito pabalik sa kanya.
"Opo, pero hindi naman po sumasagot eh." Sagot nito at kinamot ang kanyang ulo. Lumuhod si Ava sa tapat ng dalawang bata at hinawakan ang mga kamay nila.
"She's suffering from a trauma kaya hindi pa siya makapagsalita. So we should help her okay?" Sabi nito at nginitian ang dalawa.
Bumalik na si Via sa kanyang kama habang inayos naman ni Ms. Ava ang mga gamit ni Arin sa cabinet na katabi ng kama. Arin stayed in her bed and continued playing with her little teddy bear. Hanggang ngayon ay hindi parin nagsisink in sa bata ang nangyari. Her parents are gone. Dahil kakabalik pa lamang nila mula sa US ay wala pa silang masyadong kakilala. Wala din sa Pilipinas ang kanilang pamilya. They had to move here for her dad's work but they met an accident 2 weeks after they arrived.
Days, weeks, and months have passed pero hindi parin nagsasalita si Arin. Tinanggal na ang benda niya sa ulo but the doctor still advised them to monitor her. Via, on the other hand, never left her side. Palagi niga sinasamahan ang kanyang roommate tuwing breakfast, lunch, at dinner nila sa cafeteria. She would always talk to her kahit na wala itong reply. Via's determination to make Arin talk once again kept increasing day by day. Nakakalimutan niya ang hirap na dinadanas niya kapag kinakausap niya ang kanyang bagong kaibigan.
"Arin! Andito tayo ngayon sa garden. Halika upo ka dito. Help kita." Sabi ni Via sa kaibigan at tinulungan itong umupo sa isang bench sa garden ng nursing home.
"Alam mo ba ang ganda ng garden dito. May mga sunflower tas daisies. Tapos meron din playground dun sa gitna. May slide tas may swing din. Pag nakakakita ka na maglaro tayo ng tagu-taguan dito ha." Dagdag pa nito.
Tuwing may pinupuntahan sila ay palaging dinedescribe ni Via ang paligid nila kay Arin. She felt bad na hindi nito nakikita ang mga bagay na nakikita niya. Kaya Via always makes sure that she shares what she sees with her friend.
"Dati palagi din ako naglalaro sa playground kasama yung kapitbahay namin. Kaso lumipat na ako dito tas pinagbawalan na din ako maglaro kase baka mapagod ako eh bad daw yun sa health ko." Malungkot na pagkwento ni Via.
"Pero okay lang. Hehe. Kaya ko naman... kaya ko— aray! Ahhhh!!!" Sigaw ng bata at hinawakan ang kanyang dibdib.
Arin didn't know what to do. Kinapa niya si Via ngunit naninigas lang ito dahil sa sakit na nararamdaman niya. Inaatake na naman siya ng kanyang sakit sa puso. Hinawakan ni Via ang kamay ni Arin ngunit bigla itong nawalan ng lakas. She fainted.
"H... H-help!" Mahinang sabi ni Arin.
"H-help us! Please!" Unti-unting lumalakas ang boses niya dahil sa takot na may mangyaring masama sa kaibigan.
Fortunately, Ms. Ava went out to look for the two kaya nang marinig niya ang di pamilyar na boses at nakita ang nangyari ay agad niyang tinulungan si Via. Matapos ito dalhin sa kwarto nila upang gamutin ay nilapitan niya si Arin na nanginginig parin sa takot habang nakaupo sa inuupuan nila kanina.
"Arin?" She softly asked at lumuhod sa harap nito.
"Y-yes?" Mahinang sagot ng bata.
"You saved Via." Sabi nito at hinaplos ang buhok ni Arin.
"Is she okay now?" Tanong naman nito.
"Hmm I don't know eh. Pero I'm sure she will be and I know na matutuwa yun na nakakapagsalita ka na." Masayang sagot ni Ms. Ava at nginitian si Arin.
Pumasok na silang dalawa at napag-alaman na maayos na ang lagay ni Via. They went back to the two girls' room kung saan ito nagpapahinga. She was just laying down habang nakataas ng konti ang ulunan ng kama. Via smiled when she heard the door opened and saw her friend.
"Arin! Sorry kanina ha baka natakot kita." She apologized. Ms. Ava helped Arin sit down sa isang upuan sa tabi ng kama ni Via. Pagkatapos ay lumabas na ito.
"Inatake ulit ako ng sakit ko eh. Pero sabi nila nanay Nina magiging okay na daw ko. Konting pahinga pa daw. Hehe strong kaya ako." Sabi pa niyo at itinaas ang kamay.
"That's good to hear, Via." Napatakip sa bibig ang batang babae nang marinig ang boses ng kanyang kaibigan. She felt happy hearing Arin say her name for the first time.
"Omg Arin!!! Nakakapagsalita ka na." Via squeeled and hugged her tight.
"I'm sorry Via. Di kita natulungan kanina." She quietly said at tumungo. Hinawakan ni Via ang balikat nito.
"It's okay Arin. You don't have to force yourself. Ang importante nakakasalita ka na. Hehe." Sagot naman nito at ngumiti. Arin smiled as well and the both of them hugged each other.
They both felt happy knowing they saved each other. Kahit na hindi nakikita ni Arin si Via ay ramdam niya ang pagturing nito sa kanya bilang isang kaibigan. Hindi niya ito sinukuan. She helped her speak again and so she helped save her life in return. Because after all, they are each others' comfort.

YOU ARE READING
7300 Hours | YJW (ON-HOLD)
أدب الهواةKim Arin's dream finally came true, she can see again. One day, she meets Yang Jungwon, a medical student, who convinces her to accompany him in fulfilling his bucket list in a span of 10 months. Was it destiny that brought them together or is it so...