08

11 1 0
                                        




Paulit-ulit na tumunog ang doorbell ng condo ni Jungwon kaya't tamad itong tumayo upang buksan ang pintuan. He opened the door and saw his friends standing outside while holding several bags of foods and drinks.

"Anong gina—" Hindi pa man natatapos ang sasabihin ni Jungwon ay tuluyan ng pumasok ang kanyang mga kaibigan.

"Woaahh ang laki ng condo, ayos malaki tutulugan natin dito." Masiglang sabi ni Jake at tumakbo sa living room.

"What? wait—" Jungwon, still confused, tried to process what was happening but got cut off again.

"So ilan bedroom neto? Pede akin isa?" Sunghoon asked habang inilalapag ang mga pagkain sa dining table, habang si Jay at Heeseung naman ay tinitingnan ang mga kwarto ng condo.

Jungwon closed the door and rushed to the living room kung saan tumambad sa kanya ang mga nag-kalat na plastic bags sa lapag. Napailing nalang siya dahil wala pa man isang oras ang mga kaibigan niya sa kanyang condo ngunit ang dami na nilang kalat. The three sat down in the dining table and took the food out from its container.


"Upo ka na dito Won. Don't worry lilinisn ko nalang yan mamaya." Aya ni Heeseung at tinapik ang upuan sa tabi niya signalling Jungwon to sit down.

"Di namin sure kung ano gusto mo kaya yan binili ko nalang lahat." Sabi ni Jay at dahan-dahang itinulak ang isang tray ng assorted street food kay Jungwon.

Although Jungwon was annoyed by the fact that his friends suddenly barged into his newly bought condo, natutuwa parin siya because they visited him despite their busy schedules and even brought food for them to enjoy. They've been friends for years but every time they're together, it feels as if they are still teenagers.

"Bakit di kayo nagsasabi na pupunta kayo?" Tanong ni Jungwon habang kumukuha ng barbecue.

"Di mo ba nakita yung comment ko kanina sa post mo?" Jungwon frowned and took his phone to check his twitter post.

"I was busy doing my laundry kaya di ko nakita. You should have called me nalang." They gasped and looked at each other.

"Ang isang Yang Jungwon naglalaba? Wtf?" Jake laughed along with Sunghoon, while Jay and Heeseung were still shocked.

Jungwon doing household chores was rather unusual to them because he grew up in a wealthy household where he was served by their maids simula pagkabata niya. Kaya ganun nalang ang gulat nila nang malaman na he is doing his own laundry instead of asking someone from their family home to do it for him.

"I have to. Hanggang kelan ba ako aasa sa mga magulang ko at mga katulong nila." Tumango-tango nalang ang tatlo sa sinabi ni Jungwon. Biglang tumahimik ang paligid dahil busy sila sa pagkain ng mga nilibre ni Jay.

"Nako Hee kabahan ka na. Si Won na for sure magiging bagong hearthrob ng department niyo sa pasukan." Sunghoon broke the silence and tapped Heeseung's shoulders.

"We'll see about that. Kailan mo ba balak mag enroll Won? Tell me okay sasamahan kita." Tumigil sa pagkain si Jungwon sa sinabi ni Heeseung kaya napatingin sa kanya sila Jay, Jake, at Sunghoon.

"Bakit? Hindi ka ba sa UST mag memed school?" Jungwon sighed with Sunghoon's question.

"I'm taking a year off."

"You're doing what?" Tanong ni Jay na naguguluhan sa sinabi ni Jungwon.

"I said I'm taking a break." He replied at kumagat sa barbecue na hawak niya.

7300 Hours | YJW (ON-HOLD)Where stories live. Discover now