CHAPTER 34

1.1K 39 62
                                    

VERA's POV

"Vera!"

Agad kong tinignan ang paligid nang may marinig akong sumigaw ng pangalan ko. Ang daming tao, paano ako nito makakapunta sa backstage?

Dire-diretso lang akong naglakad hanggang sa may biglang yumakap sa may beywang ko. I looked down and saw Elli. Agad ko siyang niyakap at tinanong.

"Saan ka galing?" pinakalma ko ang boses ko dahil ayokong may isipin siya.

"There po." Elli said as she pointed doon nga sa may backstage. "I talked to Stell again, Mommy!" masiglang sambit niya.

"You talked and? Your Tita Ninang said na binanggit mo yung name ko kay Stell. Why did you do that?" pagtatanong ko ulit.

"Because he asked what was your name po kaya sinabi ko po ang name niyo. 'Yon lang po, Mommy ang sinabi ko, promise." Elli said as she raised a bit her hand, nangako pa nga.

I sighed.

Tumingin ako kay Elle at kay Liza na dumating. Elle is smiling nervously at me.

"Liza, mauna na kayong lumabas ni Elli. Dumiretso kaagad kayo sa kotse, hintayin niyo nalang ako." sabi ko kay Liza.

Tumango lang siya tsaka hinawakan na sa kamay si Elli at sinama na niya ito palabas. I watched them until they vanished on my sight.

I sighed heavily before facing Elle.

"Doon tayo sa loob mag-usap." sabi niya tsaka tumawa nang mahina. Kinuha pa niya ang kamay ko para hilahin pero hindi ako nagpahila sakaniya.

Elle looked at me and I raised a brow at her. Really, sa loob pa talaga? Eh nandoon nga si Stell eh. Is she out of her mind?

"S-Sabi ko nga dito nalang..." sabi niya ulit pero inirapan ko nalang siya.

"Tatawagan kita mamaya, mag-uusap tayo. Tell me what happened." I said to her.

Agad namang tumango nalang siya tsaka ngumiti. Nagpaalam siya na babalik na siya sa backstage kaya tumango nalang ako tutal kailangan na rin naman naming umuwi na nina Elli.

Iyon nga lang, biglang bumigat ang pakiramdam ko at parang kinabahan ako. After knowing that Stell knew already that Elli is my daughter, alam kong mag-iisip iyon kahit papaano. Pero... iba yung paniniwala niya dati, diba? Kaya nga hindi niya ako pinanagutan kasi ang akala niya hindi siya ang ama ng dinadala ko... I still shouldn't be complacent. Baka biglang umiba ang ihip ng hangin at umiba na rin ang isip niya, mahirap na.

I drive our way home. Tahimik lang ako habang nagmamaneho at nakikinig nalang ako sa kwentuhan nina Liza at Elli tungkol sa concert.

Hindi ko alam kung napapraning na ako dala ng mga pag-iisip ko pero pakiramdam ko ay parang may nakasunod sa amin. I looked at the side mirror and I noticed a white car is following me or I'm just thinking bad about it?

Hindi ko nalang binigyan iyon ng atensiyon at nagpatuloy lang sa pagmamaneho hanggang sa makarating na kami sa bahay. And I was right, I'm just overthinking at wala naman talagang nakasunod sa amin.

Pinagpahinga ko nalang si Elli nang makauwi kami.

May pasok ako ngayon actually sa office pero umabsent muna ako para masamahan ko si Elli. Bukas ako babalik ng trabaho.

Hindi na nakapunta si Elle rito sa bahay dahil may importante raw siyang pinuntahan. But she called me and we talked over the phone nung sumapit na ang gabi. She explained to me.

Umalis lang naman daw siya saglit at iniwan yung dalawa. Nagulat nalang siya nang wala na doon yung dalawa sa pwesto nila at nakita nalang niya backstage na kausap na ni Elli si Stell. She was too late at naibulalas na ni Elli ang pangalan ko nang tanungin ito ni Stell. Pagkatapos non ay nataranta nalang siya kaya agad na niyang sinama palabas si Elli. She even heared Stell called them pero hindi na niya ito pinansin. Kaya ako na ang tinawagan niya para sunduin na si Elli.

Desired LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon