PROLOGUE

15 5 0
                                    

I was standing in the middle of countless crowd, it's Christmas and yet our eyes met. I was surprised, shocked, happy, excited and nervous at all. I thought I was just hallucinating but it's true. You're now standing meters away from me. I don't know what to feel, I just can't believe you're here. I can't move my legs---my whole body instead. It surprise me, really indeed.

"Alliyah" I whispered in disbelief, tell me this is not a dream.

You're wearing a mask but I know it's you. My heart beat so darn fast, I could hear it loudly. But my happiness suddenly melt when someone familiar hold your hand and hugged you.

"Andito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap" binitawan ka niya at inakbayan.

Pakiramdam ko may dumurog sa puso ko nang makita ko kayo. Lalo na nang hinalikan ka niya sa pisngi habang hinihintay ang ibang kasama ninyo bago kayo umalis.

Napako ako sa kinatatayuan ko, pinanood ko kayong maglakad palayo pero hindi ko inaasahang lilingon ka sa 'kin, tinanggal mo ang mask mo saka ngumiti. Ngiting ayokong makita mula sayo. Ngiting malungkot.

Ngumiti ka nang malungkot sa first meet natin---kahit hindi kita nalapitan--- and it broke me.

Tumalikod ka at naglakad papalayo hanggang sa matabunan kana ng hindi mabilang na mga tao. Tuluyang nalaglag ang luhang hindi ko namalayang kanina ko pa pinipigilan. Ang sakit. Sobrang sakit.


"Hoy, anong nangyare sayo? Kanina ka pa namin tinatawag, tara na" napukaw ako nang magsalita si ate Neria. Dali-dali kong pinunasan ang luha ko bago humarap sa kaniya.

"Sorry, may tiningnan lang" nakapamulsa akong naglakad pabalik sa van.

"Umiiyak ka ba?" Bulong ni Ate, hindi ako nagpahalatang nagulat.

"Hindi, napuwing lang." Sagot ko saka mabilis na pumasok sa loob ng van. "Saan pala tayo pupunta?" tanong ko pero walang sumagot.

Okay, useless.



Sa bahay ng ninong ko, doon muna kami tutuloy. Sabi ni Mama magpapalipas lang raw kami ng pasko at bagong taon bago umuwi sa cebu. At kung minamalas ka nga naman na-flat-an kami kaya kaniya-kaniyang baba mabuti nalang at malapit na kami sa bahay ni Ninong.

Naunang maglakad sila Mama, Auntie at Ate Neria habang si Papa, Kuya at Uncle ay abala sa pagpalit ng gulong ng van. Sumunod ako kila Mama pero binagalan ko ang lakad ko dahilan para malayo sila sa 'kin. Kinuha ko ang phone at nagkalikot ng may mabunggo akong batang lalake.

"Ops, sorry" hinawakan ko siya sa may balikat para hindi tuluyang matumba.

"Te-teyo" sabi niya sa maliit na boses, gulat akong napatingin sa kaniya. Did he just call me Theo?! What the hell?!

"Excuse me? What's your name little kid?" Tinanggal ko ang facemask ko. Inisip kong siguro namali lang ako ng dinig. Umupo ako para magpantay kami saka ko ginulo ang buhok niya. He's familiar, hindi ko lang alam kung saan ko siya nakita.

"Yvan!!" Someone called, napalingon ako sa likuran ko just to be surprise again. "Jusq nandito ka lang pala halika na hinahanap ka na ng mama mo. Ah kuya pagpasens--" nagulat rin siya nang makita ako, nanlaki ang mata niya.

Ilang minuto kaming ganoon hanggang sa nag-flashback ulit sa isip ko yung nakita ko kanina. I don't know pero bigla ko nalang siyang nilampasan at naglakad papalayo.

Ayan na naman yung sakit na naramdaman ko kanina, bullshit.

Bilisan mo, Theo. Wag kang lumingon kahit anong mangyare.

Ayokong lumingon, ayokong maging marupok na naman at baka mayakap ko siya bigla.

Tama na.

"Si-siya si kuya Teyo, 'di ba?" Rinig kong sabi ng nung bata. Alam kong karga karga na ito ngayon ni Alliyah. Ngayon naalala ko na siya. Siya yung pinsan ni Alliyah, yung batang paborito ko.

Tumahimik kana.

"Hin-hindi niya ba ako lab Mama? Bakit siya tu-tumalikod" parang hinihingal pang sabi ni Yvan. Habang palayo nang palayo parang mas lalo lang lumalapit yung tenga ko sa kanilang dalawa. Bakit kahit anong bilis ng hakbang ko parang nasa harapan pa rin nila ako dahil sa naririnig ko.

Fuck, tama na please.

Ayokong lumingon, masakit yung nakita ko kanina. Baka makalimutan ko nalang yun at mayakap siya bigla na parang walang nangyare. Kanina pa ako nagpipigil at ayoko nang maging marupok.

"Papa" sa maliit na boses ng isang bata. Namalayan ko nalang na yakap ko na silang dalawa. Yung luha ko hindi na matigil. Niyakap ko sila ng mahigpit. Sobrang higpit hanggang sa maramdaman kong nabasa na yung balikat ko.

Umiiyak siya. Umiyak siya sa balikat ko. First time pa rin. Lahat una.

"Keith" tanging nasambit niya bago umiyak nang umiyak. Para na tuloy kaming mag-asawa tingnan tapos anak namin si Yvan.

Enjoy reading:))...

Moonlights End Game (Fake World Series #1)Where stories live. Discover now