March 24, 2021
Two weeks, dalawang linggo simula nang mapahiya ako kay kaia. Sobrang lakas ng tibok ng pulso ko, halos hindi na ako nun makahinga ng ayos, pati kamay ko nanlalamig pero sa huli bigla nalang may pahabol na 'jk lang HAHAHAHAHA' lintek na 'yan. Tawang-tawa pa talaga siya? Masaya? Happy?
Nasa bahay kami nila Percy, yung kaibigan naming bagong dating galing U.S. Once in a blue moon nalang kung umuwi sila. Aabot pa siguro ng ten years bago sila umuuwi rito sa cebu tapos ilang araw lang mananatili, babalik na naman.
"Andito na siya!" Anunsyo ni Christian, isa sa mga kaibigan namin.
Mabilis na nasitakbuhan sila papunta sa gate para salubungin si Percy. Nanatili lang kaming apat sa silyang inuupuan namin. Masaya kami, lalo na ako. Siya yung pinakamatalik kong kaibigan mula pagkabata pero umalis siya, doon nabuo ang Quadro namin nila Kyle.
"Hoy musta long lost friend" ani kyle na nakipag-apiran pa.
"Gago, 'long lost' ka riyan, wala ka paring pinagbago pre" anito saka bumaling sa 'kin "Pre musta? Tangkad na natin ah? Three times a day ka siguro ano?" Ani Percy saka tumawa. Tumayo naman ako saka tinapik-tapik yung balikat niya.
"Two times a day lang" pakikisakay ko sa biro niya. "Musta? Amoy States kana talaga ah?"
"Ayus naman, maraming chix dun eh HAHAHA" inabutan niya ako ng beer pero umiling ako. Sabi ko ayus lang.
Pumasok muna siya sa loob ng bahay nila para magbihis, lumapit naman si Yam sa 'kin at bumulong.
"Bat hindi mo kinuha? Pinakisamahan mo nalang sana, galing states yung tao naiilang pa yun" bulong niya, para talaga siyang bubuyog. Bumubulong pero ang ingay sa tenga, anraming sinasabi.
"Ayoko lang mag-inom" tanging nasagot ko. Hindi naman nila ako mapipilit kung ayokong uminom at mas lalong ayokong makipagplastikan na kunwari tatanggapin yung beer para lang hindi mailang yung tao.
Tss.
"Ano?!" Mahinang sigaw ko sa kaniya, akala ko umalis na siya pero ito pa rin pala sa tabi ko nakangiti na naman ng makahulugan.
"Peram selpon lude" aniyang nakalahad na ang kamay.
"Ayoko nga, umalis kana nga" tinulak ko pa pagmumukha niya pero ayaw talagang umalis.
"Bakit ayaw mo mag-inom?" Bulong niya ulit. Parang aswang na 'tong babaeng 'to. Tunog nakakatakot.
"Kasi ayok--"
"Kasi iniisip mo baka magalit si kaia 'no?" Putol niya sa sasabihin ko. Napalingon ako sa nga kasamahan namin pero abala sila sa mga ginagawa, binalik ko ang tingin sa kaniya at umirap.
Aaminin kong yun nga ang inisip ko kanina. Hindi ko rin alam kung bakit, wala namang espesyal sa 'min. Nung huli nakausap ko naman siya, nagsendan kami ng OP or Original Picture. Aaminin ko maganda siya, maganda naman talaga siya. Pero hindi ko alam bakit tuwing nagbabackread ako sa convo namin simula sa pinakauna, parang meron sa loob ko ang umaasa sa higit pa.
"Kayo na? Anong latest update?" Pangungulit na naman niya. Alam kong hindi 'to matitigil hangga't hindi nasasagot.
"Walang latest update, may social distancing pa rin ang convo namin" sabi ko.
Lumapit siya sakin at..
Binatukan ako.
"Wag ka ngang nambabatok tanga ka ba?" Inis na sabi ko, sinamaan pa siya ng tingin.
"Hephep wag kayong mag-away rito. Para kayong aso't-pusa. Walang pagbabago" natatawang sabi ni Percy.
Bumaling siya sa mga kaibigan namin at binuksan yung wine at beer. Yung mga gusto ng beer ay kukuha nalang. Pagkaupo niya, tinadtad kaagad siya ng tanong ng mga kaibigan namin na kesyo nakakanose bleed raw ba roon sa unang pagkakataon, kung kamusta na raw ba siya etc..
YOU ARE READING
Moonlights End Game (Fake World Series #1)
RomanceMasungit, mayabang, pilosopo, walang kwentang kausap at perfectionist. 'Yan ang katangiang meron si Theo, hindi siya naniniwala sa 'true love' para sa kaniya baduy ito. Pumasok siya sa RPW or Role Play World para lang lumandi dahil nabobordo na siya...