Chapter 12

10 1 0
                                    

All commanders are having a long meeting tomorrow at back of the school, this command is given to me by the head. 7:00 AM, wear your commander uniforms, see ya'll!

Iyon ang mensaheng natanggap ko kaninang umaga pagkagising, tiningnan ko abg oras at ano pa nga ba? Edi late na naman ako, malapit na mag-8. Ngayon nasa likod ako ng paaralan kung saan kitang-kita kong patapos na ang meeting nila.

Tiningnan ko ang paligid, anraming tao kasama ang banda at officers pati na rin ang nag-aapply ng pagkaofficers nandito. Pero ang sabi naman mga commanders lang ang magme-meeting bakit nandito 'yang mga 'yan?

Sakto namang dinismiss sila ni Kleo kaya dali-dali kong tinawag si Aikei---isa ring commander---papalapit sa 'kin at tinanong kung ano ang napag-usapan.

"Request ng school kasi next month dadating ang may-ari nito at mga co-business partners kaya kailangang paghandaan ng bongga ang pagdating nila. Tinawag na rin ni Rikke ang mga band members niya para ngayon mag-ensayo" mahabang aniya saka nagpaalam na may kukunin sa room nila.

Tumango-tango ako saka nagpasalamat, nilapag ko yung dala kong backpack at magpapalit na sana ng damit---yung uniform namin bilang commander---nang lumapit bigla si Raphaella sa 'kin.

"Hi, nahuli ka na naman. Tapos na sila magmeeting" aniya na tinuro ang mga commanders.

Hawak niya ang baton niya, isa siya sa mga member ng banda at kasamahan ni Yam. Speaking of Yam, ansama ng tingin niya sa 'min na parang sinasabing may ginagawa akong malaking kasalanan.

"Tirik na tirik ang araw pinapaensayo kayo ni Rikke? Hindi pwedeng mabilad ang mga banda baka hindi niya ala---" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla kaming tinawag noong baguhan pa lang na commander.

"Chan and Valdez why are you two having a cheatchatting? Give me 100 push ups now!!" Command niya pero si Raphaella lang ang dumapa at sumunod.

Taka naman siyang napatingin sa 'kin na tumalikod at patuloy lang na hinubad ang t-shirt para magbihis. Suot ko na yung pants kanina sa bahay bago umalis, ang t-shirt lang ang hindi ko nasuot.

"Chan narinig mo ba ako?" Pero wala siyang natanggap na sagot. "Chan ba talaga surname niya?" Rinig ko pang tanong niya sa isang officer.

"Bat ka nag-command kay Sir Chan?" Takang-tanong ng officer na tinanungan niya.

"Bakit? Masama ba?" Aniya, sakto namang paglingon ay ang pagharap ko, suot na ang uniform.

"Hindi mo ba ako kilala pre?" Tanong ko, kita ko naman ang panlalaki ng mata niya habang nakatingin sa uniform ko.

"S-sorry Si---"

"Valerian give me two hundred proper push up now!!!" Sigaw ko na nakakuha ng atensyon nilang lahat.

Tumabi naman siya kay Raphaella na nahihirapang mag push-up, dumapa siya roon at nagsimula ring mag push-up at magbilang.

"Get up Valdez, Band officer n'yo lang ang pwedeng mag-command sa inyong nga band members!" Pangaral ko. Tumayo naman siya at nag salute na ginantihan ko naman, ngumiti pa siya sa 'kin bago tumakbo paalis pero inirapan ko lang.

Feeling niya naman sinave ko pagiging tanga niya. Noon pa naman talaga rule yung band officer lang nila ang pwedeng magcommand sa kanila kaya kahit anong utos ng ibang commanders and officers hindi sila susunod pwera lang sa B.O nila. Hindi kasi nakikinig kaya sinunod ang utos ni Valerian.

"All commanders and pending commanders humanay!! Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim" Lahat naman sila nagsitakbuhan at gumawa ng tigsasampong linya. "Pito, walo, siyam, sampo!" Pagtapos ko.

Pati si Valerian tumayo at tumakbo papunta sa hanay ng commanders pero nahuli at dahil siya ang pinakamatangkad sa lahat siya na ang nag-report.

"Report" nagsi-salute naman lahat. "Sir Cadette Valerian, James Ryx and the company requested permission to enter the flight Sir!" Malakas niyang sigaw para marinig ng lahat.

Moonlights End Game (Fake World Series #1)Where stories live. Discover now