(A/N: Pinublish ko na lang ang story ni Asrel Jai kasi nagloloko ang watty ko, kapag unpublish kasi lagi akong back to zero, more than 3 chaps na yung nasulat ko sa kaniya pero dahil walang load unpub pa siya bumabalik sa dati o nawawala yung sinusulat ko kaya pinublish ko na lang pero hindi pa naman ako magsisimula roong mag-pub ng chaps kasi tatapusin ko muna 'tong kila Theo. So ayun happy reading, don't forget to vote haha^^.)
Nakauwi ako ng ligtas pero hindi maayos, ilang beses naming tinawagan si Yam pero walang sumasagot, nang nag-aalala na kami na baka napano na siya bigla niya na mang sinagot ang tawag at sinabing ayus lang siya. Nasa bahay niya na siya, nag-send pa siya ng prove. Naniwala naman ako ro'n pero may parte sa 'king nagdududa. Marami akong tanong na walang sagot.
Una, yung kinwento ko kay Yam sa ospital na kay kuya galing yun at mensahe lang ang pambubugbog nila sa 'kin, ang sabi niya "baka hindi sa kaniya galing". Anong ibig sabihin niya roon?
Pangalawa, bakit ganun na lang siya makipaglaban? Noon iiyak-iyak lang siya nung sinabunutan siya ng kaklase niya sa school kasi hindi siya marunong lumaban
Pangatlo, bakit at papaano siya natutong magmotor? Bakit siya pinayagan ng dalawa? May alam ba sila na hindi ko alam?
Pang-apat, bakit siya nawala bigla nang hindi namin namamalayan? Tinulungan niya pa nga ako tas bigla siyang nawala? Pati motor niya hindi man lang namin narinig na pinaandar niya paalis. Kusa na lang siyang nawala kasama motor niya. Parang walang bakas ng isang Yam roon.
Ano ba talagang tinatago niya?
"Kaibigan? Bullshit!" Bigla kong naalala yung sinabi niya noong araw na ayaw niya kaming kausapin. Yung araw na pinuntahan ko siya sa kanila, yung araw na umiyak siya sa harapan namin.
Anong ibig niyang sabihin?
Sa tono niya, tonong sarkastiko. Na parang pakiramdam niya peke kami sa kaniya. Lahat yun dumagdag sa isipin ko. Hindi ko talaga alam ang nangyayare, para bang antagal kong nawala na sa isang iglap naging ganito na agad ang sitwasyon.
"Kumain kana dun" utos sa 'kin ni Mama, hanggang ngayon hindi pa rin kami in good terms.
Either it's not my fault back then
Sumunod na lang ako, wala akong balak dagdagan ang problema ko ngayon kaya tahimik lang akong sumunod. Nawala na rin ang sakit sa ulo ko, hindi na rin nagtanong si Mama kung saan galing ang bangas ko sa mukha.
Naniniwala siyang hindi ko talaga tinupad ang pangako ko sa kanila noon na hindi na magiging pasaway. Wala na ako ngayong balak patunayan ulit sa kanila na nagbago na nga ako, kung hindi sila naniniwala hindi ko na problema yun. Hindi naman kailangang may patunayan ako sa kahit na sino para mabuhay. Nakapagdesisyon na ako.
From now on I'll just run with my own race
Tahimik lang akong kumain, maski sa pagnguya masakit sa panga pero hindi ako nagpahalata kasi nakatingin si Mama. Baka mamaya bigla na naman akong talakan niyan mahirap na, nakakarindi pa naman boses niya. Napatingin ako nang bigla siyang umupo sa tapat ko pero hindi siya nagsasalita. Pinapanood niya lang akong kumain.
I hate this
Naasiwa talaga ako kapag may nanonood sa 'kin kapag kumakain ako, wala tayo sa party ko kung ano mang pangtitipon-tipon para panoorin akong kumain the hell with that. Nakakakulo ng dugo sa totoo lang.
Tss
"Tumawag ang may-ari ng milktea-han riyan sa may malapit sa plaza, kinukuha kayong dalawa ni Raphaella na model since pareho raw kayong maganda ang profiles" bigla niyang salita, titig na titih sa bawat paglunok ko na para bang may mali.
YOU ARE READING
Moonlights End Game (Fake World Series #1)
RomanceMasungit, mayabang, pilosopo, walang kwentang kausap at perfectionist. 'Yan ang katangiang meron si Theo, hindi siya naniniwala sa 'true love' para sa kaniya baduy ito. Pumasok siya sa RPW or Role Play World para lang lumandi dahil nabobordo na siya...