April 1, 2021
"Anong tanduay? Gago ka pang matanda lang 'yon" reklamo agad ni Jai kay Vargas, kanina pa sila nagtatalo kung ano ang iinumin.
Masyado raw tahimik ang bahay nila Vargas kaya siya pumunta sa 'min at nagyayang makipag-inuman. 'Yon nga lang mapili sa alak ang gago.
"Sabi kasing Mojitos nalang eh ayaw mo naman" sabat naman ni Vargas
"Madali tayong mamamatay riyan, may serve pa ako bukas. Ano pupunta akong simbahan ng lasing? Susuray-suray maglakad ganun?" Pakikipagtalo na naman ni Jai.
"Bakit ka naman kasi pumasok agad sa kombento? Hindi naman bagay sayo" sabat rin ni Kyle na kinakain na ang pizza na bili ni Yam.
"Eh kung hindi ko kaya basbasan 'yang kaluluwa mo 'pag namatay kang hayop ka?" Ansama na nang tingin ni Jai sa dalawa, binato niya pa 'yong unan na nasa tabi ko.
"Empe nalang kasi, aarte n'yo pa mga kingina" ani Yam na ibinato yung selpon niya sa kabilang sofa.
"Mag choco-bum nalang tayo total mahihina naman kayo tsaka gusto mo yung may tanduay 'di ba?" Turo ko kay Vargas, tumango naman siya.
Tss gurang
"Yun nalang wag na kayong mapili nagpapalayas ako ng kaibigan sa bahay." Sabi ko saka naglapag ng pera sa table, naglapag rin sila. Ambagan.
Si Jai at Kyle ang namili ng imi-mix kaya kaming tatlo ang natira. Nag-uusap ang dalawa habang ako nakatungo sa selpon ko.
Magreply ka na babae
Antagal-tagal magreply ni Kaia, nangangamusta tas pag nireplyan biglang manggo-ghost. 1m, 2m, 5m, 7minutes wala pa rin. Inis kong nilapag sa gilid ko yung selpon saka napahilamos ang palad sa mukha.
Ml na naman inatupag nun.
Bakit ba ako ganito? Ayaw ko nang pinaghihintay ako pero nag-tyaga pa rin akong hintayin reply niya. Ano na bang nangyayare sa 'kin? Nitong mga nakalipas na araw napapansin ko na ring unti-unti na akong nababago ni Kaia.
Hanggang sa makabalik nalang sila Kyle at ma-mix ang binili nila wala pa ring reply ng isang Kaia ang nagnotip sa cellphone ko. Nagsimula ang inuman.
Hindi ulit kasali si Yam kasi hindi pa siya pwedeng mag-inom hanggang hindi pa siya nakakatungtong ng 21, imbis na 18 naging 21 kasi 'yon raw ang legal age ng lalake, lalake naman raw palagi ang kasama niya---kami 'yon. Panget raw kapag nauna siya.
Nung akin na, bigla nalang tumunog yung cellphone ko. Imbis na ang baso ang kukunin ko, cellphone ang inuna ko. Wala sa sariling tiningnan ko ang message, hindi na nag-expect na sa kaniya galing ang message pero nagulat ako, sa kaniya nga galing!.
From: Kaia Heciasyn
Message: Pawn ano may sasabihin ako sayo HAHAHAFrom: Kaia Heciasyn
Message: Crush po kita HAHAHAFrom: Kaia Heciasyn
Message: babyeeeeSpeechless...
Totoo ba? Potangina sabihin n'yong totoo 'to! Ano bang irereply? Sasabihin ko rin ba? 'The feeling is mutua--- delete delete, baka dare lang theo, o 'di kaya act or punishment 'yan sa ibang hood na sinalihan niya.
To: Kaia Heciasyn
Message: Totoo?Active 3 minutes ago
Ano ba 'yan, magcoconfess tas maga-out? Ano yun? Parang lumalabas tuloy na tinitripan lang ako. Hays, malalaman naman 'yan sa susunod na mga araw.
YOU ARE READING
Moonlights End Game (Fake World Series #1)
RomanceMasungit, mayabang, pilosopo, walang kwentang kausap at perfectionist. 'Yan ang katangiang meron si Theo, hindi siya naniniwala sa 'true love' para sa kaniya baduy ito. Pumasok siya sa RPW or Role Play World para lang lumandi dahil nabobordo na siya...