(A/N: Walang edit-edit, tinatamad ako magreread commonsense na lang sa typographical and grammatical errors ko riyan. Hope you like it mwua!!)
"~~I know I can treat you better than he can, and any girl like you deserves a gentleman. Tell me why are we wasting time on all your wasted crying when you should be with me instead. I know I can treat you better, better than he can~~" I sang, why it all be like this?
Ang sabi niya gusto niya ako? Pero bakit naghanap siya ng iba? Umasa na ako eh, nagpakita na siya ng motibo, kung kelan naman inamin ko na sa sarili kong higit pa sa salitang 'gusto' yung nararamdaman ko sa kaniya saka pa mangyayare 'to?
Dalawang gabi, dalawang gabi na simula nang malaman ko na may boyfriend na si Kaia. Noong sinabi ni Yam sa 'kin na meron nga raw, mabilis pa sa alas kwatro na binuksan ko yung RP account ko. Ini-stalk ko agad at ang mga punyeta maypa-tag tag pang nalalaman.
Nabuo sa isip ko na siguro trip niya lang talaga yun, yung confession niya pala ginawa niya lang kasi wala siyang magawa sa buhay. Galit ako, oo. Kasi umasa na ako eh, 'yon na yun eh nakailang search pa ako kung paano manligaw through internet. Mas gusto ko yung personal kaso potangina anlayo naman, Visayas at Luzon? Cebu to Cavite? Ayus lang sana kung nasa wastong edad na kami pero maski nga gumala at umuwi ng late ayaw akong payagan, puntahan pa kaya siya kung kelan ko gusto?
Hindi ako lumingon nang bumukas ang pinto ng kwarto ko, may pumasok pero hindi ko nilingon. Nanatili lang akong tulala, maraming tanong sa isip ko, 1month kaming naglandian tapos malalaman ko lang hindi lang pala ako? Sabagay RPW nga lang, wala kang kaalam-alam kung ano pinanggagawa niya sa RW, hindi mo naman maja-judge ang ugali ng isang tao sa pamamagitan ng magandang mukha.
"Masakit ba bro?" Boses yun ni Jai, sumampa agad sa kama ko nang hindi man lang nagpapaalam.
Aba't nagtanong pa ampt.
"Hindi naman, parang kagat lang ng dinosaur" walang siglang sagot ko, narinig ko pa siyang tumawa.
Minsan talaga naiisip ko paano ko ba naging kaibigan 'tong tatlo? Aware naman silang ayaw ko nang sweet na kaibigan, masyado kasing baduy pero nasobrahan rin yata mga amats ng mga 'to sa ulo eh. Wala na talagang ka-sweetness man lang sa katawan.
Yung humiling ka pero nang binigyan ka, nagreklamo kana naman.
"Ganyan talaga pag napasok sa sistema mo, mas masakit pa nga riyan kung naging jowa mo talaga yun eh" sabi niya ulit, napakunot ang noo ko.
"Teka nga, parang hindi na tungkol sa 'min ni Kaia papunta ang usapang 'to ah?" Reklamo ko saka siya hinampas, tumawa lang ang loko.
"Ay sori hehe pero may connection pa rin naman" sagot niya, nag-change position na naman, nakaharap na sa 'kin. "Alam mo pre ang mga babae kapag hindi mo binigyan ng oras, maaaring maghanap 'yan ng iba kasi iisipin nilang ikaw na ang nagbigay ng motibo na ayaw mo sa kanila. Ang mga matured naman mag-isip syempre rerespetuhin nila mga busy days mo, hihintayin ka pa rin nila pero may mawawalan rin ng gana, yung iba hihintayin ka hanggang sa bumalik ka ulit pero magrereklamo." Aniya, nagkumpas-kumpas pa ng mga kamay. "Si kaia masasabi kong matured siya pero sa huli nawalan rin ng gana kasi nga abala ka, hindi mo siya nabibigyan ng oras. Kung may oras ka naman siya naman ang wala. Marami sa atin marunong maghintay pero madaling mainip eh, siguro isa rin siya roon pero hindi rin tayo sigurado kung yun ang totoo. Maraming dahilan eh." Mahabang sabi niya. Ayos 'to eh, hindi man lang sumakit bibig niya sa dinami-rami ng sinabi niya. Kung ako nun hingal na hingal na.
Iba pag madaldal, Theo
Tumango-tango ako, nakuha ko naman ang punto niya. Hindi ko rin naman masisisi si Kaia na maghanap ng iba, tama naman si Jai. Wala naman akong oras para sa kaniya, kung meron man konti lang rin kasi abala na masyado sa buhay.
YOU ARE READING
Moonlights End Game (Fake World Series #1)
RomanceMasungit, mayabang, pilosopo, walang kwentang kausap at perfectionist. 'Yan ang katangiang meron si Theo, hindi siya naniniwala sa 'true love' para sa kaniya baduy ito. Pumasok siya sa RPW or Role Play World para lang lumandi dahil nabobordo na siya...