Chapter Two

1.6K 36 9
                                    

.-../ ..-/ -.-./ -.-./ ..../ ./ .../ ..

"Bakit si Christopher ang nag-sauli ng upper ko?" bungad sa akin ni Siob pagakyat ko sa room.

"Pinagalitan kasi ako ni Bads. Si Tupe kasama ko sa pila kaya pinaabot ko na," pagsisinungalin ko.

Umupo na ako. Wala pa si Sir, wala rin si Jeff. Wala rin yung iba pang CAT. Kabagot naman.

"Buti binalik na ni Brandon, upper mo."

Hindi ko siya nilingon at tumango na lang ako.

"Hanggang anong oras ka pala kila Barry, mamaya?" walang awat niyang pagtatanong.

"Siguro hanggang seven lang, curfew ko na 'yon," sagot ko. Hindi pa rin siya ni lilingon.

"Gusto mo hatid kita sa inyo?"

Lumingon ako sa upuan ni Jeff at umirap para hindi niya makita. Umay na umay na ako kay Siob, leche.

"Hindi na, baka sila Ben na lang mag hatid sa akin," sabi ko habang nakatingin sa lamesa ko na para bang mas masarap 'yon kausap.

"Sigurado ka?" halos mapakamot ako sa kakulitan niya.

Naiinis na ako.

"Oo, Siob, may motor naman si Ben," sagot ko.

Hindi na ulit kami nag-usap hanggang sa dumating na rin sila Jeff. Kinwento niya 'yong isang grade seven na hinihingi ang facebook n'ya tapos tinawag siyang kuya pogi. Kaya tawang-tawa ako.

"Ano, type mo?" pang-aasar ko.

"Tanga ka ba? Hanggang bewang ko lang 'yon, Che," nandidiring sabi niya.

"Bakit mo binigay facebook mo?"

"Eh, apat silang ayaw tumigil," himutok niya.

"Section pa rin nila bantay mo next week. 'Di ba, friday palitan natin ng bantay," natatawang sabi ko.

Napakamot siya sa ulo na parang stress na stress. "Oo nga 'no? Magpapapalit ako kay Benedict. Mas maganda na sa hagdan na lang ako magbantay."

Tinawanan ko siya. "Guguluhin ka rin naman ng mga 'yon sa chat."

"Binigay ko 'yung fb ko na nakalimutan ko password, mabubulok lang request nila doon."

"Kyah, pogi mo kyah," pang-aasar ko uli kaya pinitik niya 'yong noo ko. Hinampas ko naman ang braso niya. 

Nilingon ko si Siob sa gilid at naabutan ko siyang nakatingin sa amin ni Jeff habang nakataas ang kilay. Kaya tumahimik na rin ako at sumandal na nang maayos. Nilagay kaagad ni Siob ang braso niya sa sandalan ng upuan ko.

Hindi na rin ako kinausap ni Jeff sa dalawang subject na dumaan kaya wala akong nagawa kundi makinig.

Nang dumating ang lunch break ay sa canteen ako dumiretso at pumila. Nasa dulo ako at tahimik na pinaglalaruan ang ID ko habang naghihintay sa pila.

Tuloy-tuloy na ang usad ng pila hanggang sa makapunta sa parte ng canteen na may barricade.

"Ate Mariel, sinigang sa 'kin."

"Sige Che, sandali," sagot niya sabay kuha ng plato.

Nag-sandok pa ng kanin si Ate Mariel kaya natagalan, nakausad na ang pila sa harap ko. Tinignan ko ang mga grade nine na nakapila sa likod ko at mukhang hindi sila bibili ng meal kaya nagtaka ako bakit hindi siya sumisingit. Malaki ang space sa barricade 'pag magisa ka lang, kaya kung sisingit sila ay siguradong magkakadikit kami kaya baka nag-aalangan siya.

"Una ka na," sabi ko dahil naglalagay pa lang ng sabaw si Ate.

Napakamot siya sa kanyang batok bago lumapit. Kasya naman silang tatlo sa harap ko dahil umusad na ang pila, kaya tatlo silang sisingit. Tumayo ako nang maayos at nilapit ang sarili sa barricade para makadaan sila sa harap ko. Natigilan pa siya dahil hindi niya alam kung paharap o patalikod ba siya dadaan kaya natawa ako.

Pagsamo (C.A.T Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon