.-../ ..-/ -.-./ -.-./ ..../ ./ .../ ..
Tinignan ko ang basa kong mukha sa salamin. Blangko ang utak. Binuksan ko ulit ang gripo at binasa ang mukha sa pangalawang beses, nagbabakasaling magising.
That's him...walang duda.
Paglabas ko sa comfort room ay naka-upo na si Bads sa bakanteng upuan sa tabi nila Cha, kausap niya ang kapatid. He's also talking with some of my friends, especially Angge.
He's really here, tangina.
Halos ideretso ko ang tingin para lang hindi ko siya makita. Bumalik ako sa upuan at inayos ang mga gamit. Napansin 'yon ni Benedict.
"Uwi ka na?" nahihimigan ko ang pang-aasar sa boses niya.
Inilabas ko na ang susi ng kotse at sinuot na ang sling bag.
"Oo, malapit na next duty ko wala pa akong tulog, eh," sagot ko.
Inangat ko ang tingin sa mga kaibigan. Almost everyone has a smug grin on their faces. Putangina ng mga 'to.
"Aga pa, anong oras ba duty mo? Hindi ko pa nasasabi balita namin," sabi ni Cha.
I still don't know how to react around her so I looked down on my plate. Ayaw ko siyang tignan. I'm still guilty about everything.
"Makikibalita na lang ako sa GC, Cha, whatever it is, alam kong good news 'yan kasi may pa-dinner so, congratulations..." I gave her a half smile.
She's grinning at me and for some reasons kinabahan ako.
Sinenyasan ko si Jeff na sumama sa akin dahil siya ang maglalabas ng kotse ko. Tumayo na rin ako at niyakap ang mga kaibigan.
"Tangina, dinaig ko pa valet, ah? Matuto ka na maglabas ng sarili mong kotse," reklamo ni Jeff.
Kinurot ko siya kaya mas lalo siyang nagmaktol. I was saying goodbye at Angge. Katabi niya lang sila Brent kaya hindi ko alam kung yayakapin ko pa si Cha kaya tumigil na lang ako kay Angge at hinila na ang polo ni Jeff.
"Che, busog na busog ako, hindi ako makakapagdrive," pang-aasar ni Jeff.
Kung normal na araw 'to baka nag-sisisgawan na kami at nag-aaway pero pinili kong magpatalo ngayon. Lumapit ako kay Damien at nilambing siya.
"Dame, labas mo kotse ko..." I pouted.
"Tanga mag-drive 'yan! D'yan ka pa nag-patulong!" Epal na naman ni Jeff.
"Bads, busog kami lahat, pasuyo naman ng kotse ni Che, oh," sabi ni Benedict.
Nanlaki ang mata ko at tinignan siya.
"Sure, where is it?" sabi ni Bads bago umambang tatayo. Mas lalong nag-wala ang dibdib ko nang narinig ang boses niya.
"Hindi na! Takot lang naman ako, kaya ko naman gawin!" I smiled at him. Naglakad na ako palayo at kumaway sa kanila. I was determine to leave as soon as possible.
Narinig kong tinawag ako ni Jeff. Sinaway din ako ni Riel pero wala na akong pinansin sa kanila. Kaya ko naman talaga! Kakayanin! Kung si Bads ang tutulong sa akin 'wag na lang.
Sinandalan ko ang kotse. Binukan ko ang bag at inilibas ang yosi. Pampakalma lang. I light one stick before sticking it into my mouth. Napapikit ako bago huminga nang malalim. Itinukod ko ang kamay sa kotse. Nakaramdam ako nang panghihina.
Normal na sa akin tuwing nahihilo at nanghihina ako ng biglaan. Madalas na wala akong kain at tulog kaya hindi na ako nag-tataka pero kakain ko lang naman ngayon, ah? Mahaba rin ang tulog ko kanina.
BINABASA MO ANG
Pagsamo (C.A.T Series #1)
Genç KurguC.A.T Series #1: Pagsamo (COMPLETED) Superior 4 Alvendia, Cristina Lucchesi believes that relationships should be rewarding. Ayaw niya sa mga manliligaw niya. Ayaw niya sa mga lalaking hinahabol-habol at gustong-gusto siya. She loves challenges so m...