Chapter Sixteen

783 16 8
                                    

.-../ ..-/ -.-./ -.-./ ..../ ./ .../ ..

November 2, 2014. Movie Night. Diary ng Pangit (fuck you Cross. You're not even that handsome) p.s. joke lang love 'wag ka nang mangurot

November 8, 2014. Saturdate

November 15, 2014. Beautiful

November 16, 2014. Movie Night. Talk Back and You're Dead. (pangit mo top)
p.s. joke lang uli nangungurot ka na naman.

November 21, 2014. Goto date. (Barry and Anchet third wheeling at the back hahaha)

November 23, 2014. Pre-celebration kasi monday bukas. Happy 4th, I love you.

November 28, 2014. After training + Longsilog + Lomi + Maja + Girlfriend = Perfect Friday

December 6, 2014. Ganda. Review daw pero natulog.

December 7, 2014 Happy Birthday Tita!

December 11, 2014 Late night date kasi tampo ang baby. Sorry ulit

December 13, 2014  Be my last, please.

°°°°°°°°°°°°°°°°


"Walang bagsak, yes!" sigaw ni Jeff nang irelease ang test papers.

Napangiti ako dahil ako rin. Hindi man mataas, wala namang bagsak!

Hindi naman kasi talaga ako matalino. Sige, hahatakin ko na si Jeff, hindi kami matalino ni Jeff pero magaling siya sa math! Sobrang galing! Kahit daldalin mo siya habang discussion nasusundan niya. 

'Yong iba naman naming kaibigan, mamaw talaga. Lalo na si Benedict tsaka Angge. In born na ang pagiging matalino sa kanila, ako lang talaga ang tapon. Kaya nga iniisip ko 'yong sarili ko sa college. Paano ako? 'Pag wala na akong makopyahan? Baka hindi ako makagraduate.

Anong magagawa natin? Ganda lang, eh.

Tumakbo ako nang makitang naghihintay si Bads sa baba ng hagdan. 

"Careful!" sigaw niya pero tumalon na ako sa kanya.

"Walang bagsak!" pagmamayabang ko. Tinulungan niya ako sa pagrereview kahit na halos tulugan ko siya palagi kaya credits rin sa kanya 'no.

Ngumiti siya nang matamlay at tinignan isa-isa ang test paper ko. Walang line of 9 pero wala ring line of 7 kaya napakalaking bagay na nun.

Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko at sinabihan ako ng 'very good'.

"Musta, Barry?" 

"Syempre magaling ako," inabot niya ang test paper niya sa'kin. "Basic," mayabang niyang sabi. Tinignan ko ang paper niya at line of nine lahat! Sabagay, para saan pa bang section one siya kung hindi siya magaling.

Halos ibato ko kay Barry pabalik ang test paper niya. Inirapan ko pa siya bago binalik ang atensyon kay Bads. Nakita kong tinatago niya ang test paper niya sa kanyang likod na parang hiyang-hiya siya roon.

Imposibleng may bagsak siya kaya anong problema?

"Patingin," sabi ko bago sinubukang kunin ang papel sa kanya pero nilayo niya 'yon.

"Badtrip 'yan, Che," sabi ni Barry. Hinampas ni Bads sa kanya ang hawak-hawak nito kaya natatawa siyang lumayo.

Nilahad ko ang kamay ko pero kamay niya ang pinatong niya roon. Tinanggal ko 'yon at mariin siyang tinignan. Bumuntong hininga siya at dahan-dahang inabot ang nga papel.

Halos mapanganga ako pagbuklat ko. May mga scores siya na lumalagpas na dahil sa plus ten na meron siya dahil siguro sa mga recitation! Kung mataas ang scores ni Barry, mas mataas ang kanya! Nahiya ang mga line of eight ko sa one hundred at line of nine niya. Tinignan ko siya ng may pagtataka dahil anong kinalulungkot niya?!

Pagsamo (C.A.T Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon