Chapter Twenty-Three

666 9 1
                                    

.-../ ..-/ -.-./ -.-./ ..../ ./ .../ ..

"Cha... 'wag ka munang matulog..." kinalabit ko si Cha at inangat kahit na halos pumikit na rin ako sa sobrang bigat ng ulo ko ngayon.

"Hmmm..." 

Inalalayan ko siya papunta sa cr at hinarap siya sa inidoro. "Cha, kailangan mong sumuka," sabi ko at tinapik-tapik ang pisngi niya.

Niyakap niya ang inidoro at nakatulog kaya inalog ko ulit siya. Hindi pwedeng hindi siya susuka dahil malala na naman ang sakit ng tiyan at ulo niya bukas. Bumuntong hininga ako bago tinapat ang mukha niya sa inidoro. Hinugasan ko ang kamay ko at dahan-dahan na pinasok ang isang daliri sa bibig niya. 

Hinimas ko ang likod niya dahil tuloy tuloy na niyang nilabas ang ininom namin kanina. Hindi ko alam kung dahil lang sa kanya pero naduwal din ako kaya dumiretso ako sa lababo at sumuka roon. Nakaramdam ako ng panghihina dahil sa rami nang sinuka ko. 

Napa upo ako sa sahig. "Cha, 'wag kang humiga d'yan!" sigaw ko dahil nakahiga na siya sa sahig. 

Sinbukan ko siyang abutin pero may dalawang kamay na nag-angat sa akin at binuhat ako. 

"Akala ko ba kaya niyo na?" natatawang sabi ni Jeff habang buhat-buhat ako. 

Nakita ko si Benedict na binuhat si Cha malapit sa lababo at hinugasan ang mukha. 

"Tangina, hindi na ako iinom!" sigaw ko habang dala-dala ako ni Jeff.

"Sinabi mo rin 'yan noong isang araw," sabi ni Yvan bago ako inabutan ng tubig. 

Ang huling alaala ko ay binagsak ko ang katawan ko sa sofa pero pagkagising ko ay magkatabi kami ni Cha sa kama ng kwarto ni Benedict. Inayos ko ang top ko dahil litaw na litaw na ang tiyan at bra ko. Bakit ba kasi kay Cha ako nanghihiran ng damit kapag nagbabar kami?! 

"Cha..." ginising ko siya. Inayos ko rin ang skirt niya dahil kita na ang panty niya kung walang nakatalukbong na kumot sa kanya. 

Hindi siya nagising kaya mag-isa akong lumabas. Naabutan ko sila Yvan, Jeff at Benedict na nasa kusina at pare-parehas na walang pantaas na damit. Sinalubong ako ng naka-apron na si Benedict at inangat pa ako bago inupo sa upuan. 

Nakapikit pa ako ng ilang sandali. "Anong nangyari kagabi?" tanong ko bago inumin ang kape na nasa harap ko.

Tumawa si Jeff at inabot sa akin ang cellphone niya. Instagram niya ang nandoon. Binuksan ko ang story niya at napangiwi sa mga nakita kong video roon.

Ang unang video ay si Cha na umiinom habang ako naman ay sumasayaw sa gilid niya. Natatabunan ng music ng bar ang boses ko pero sigaw ako nang sigaw. Zinoom sa akin ni Jeff ang video kaya kumindat ako sa camera. 

"Despacito..." sigaw namin. Nakatapat na sa amin ang camera ngayon. Nakaakbay ako kila Jeff at Yvan.

"Ang hirap ng lyrics, gago!" sigaw ni Jeff.

"Sumayaw ka na lang, tanga!" si Yvan.

"Despcito!" sigaw naming lima dahil 'yon lang ang alam naming lyrics.

Nilipat ko pa para makita ang ibang nangyari pero puro picture na lang 'yon! Ang haggard ko na! Nakadila ako sa ibang mga picture at nakataas ang kamay. May picture pa na nasa likod ako ni Cha habang nakahawak ako sa baywang niya at may kagat-kagat na sigarilyo sa bibig ko. Ni hindi ko maalala 'yon! 

Ang huling story niya ay video na buhat-buhat ako ni Benedict na parang sako ng bigas palabas ng bar. Kasunod niya si Yvan na ibang posisyon ang buhat kay Cha dahil naka-skirt ito. Natatawa si Benedict nang lagpasan si Jeff kaya sa akin natapat ang camera. Inangat ko ang ulo ko at nag rock and roll sign.

Pagsamo (C.A.T Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon