.-../ ..-/ -.-./ -.-./ ..../ ./ .../ ..
Napabalikwas ako ng tayo dahil tinanghali ako ng gising. Tinignan ko ang cellphone para makita ang oras, 9:30. Gising na kaya si Cha?
Tumayo ako at lumabas para makapagluto na. Naabutan ko si Cha na nakaupo at mag-isang kumakain habang nagsisisgarilyo. Bumili lang siya ng takeout dahil may mga plastik pa sa lamesa galing sa Mcdo.
"Napapadalas 'yan, ah?" sabi ko sabay agaw ng yosi sa kamay niya. Inupos ko 'yon sa ashtray para mamatay ang baga.
"Stress lang..." Inabot niya ang binili niya para sa akin. Egg Mcmuffin at 2pcs Hotcakes and Sausages.
Umupo na ako at nagsimulang kumain. Pinanuod niya lang ako habang nakataas ang dalawang paa sa upuan. Tiningnan ko ang pagkain niya, Eggdesal lang 'yon at hindi niya pa naubos. Hiniwa ko ang pancake ko at nilahad sa bibig niya. Umiling siya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Kinain niya 'yon. "Si Ateneo ba?" pasimple kong tanong. Ngumiti siya sa akin kaya alam ko na ang sagot niya. "Cha, naman... That guy is a 'bright' red flag." I emphasized the 'bright'.
"Kung red flag siya ako ang spicy chicken joy. Patungan niya ako, bwakanangina!" sabay kaming natawa. "'Tyaka hindi naman siya iniisip ko, 'no."
Nagkibit-balikat lang ako dahil hindi ako naniniwala sa kanya. "Tanga, oo nga! Iniisip ko lang lahat ng school works ko! Birthday na ni Barry sa weekend kaya kailangan ko matapos lahat ng gawain." Natahimik ako sa sinabi niya.
"Nauna pa akong mag-impake kaysa mag-review kaya stress na stress ako," tuloy-tuloy niyang kwento. Tumango-tango lang ako. "Tapos ang sakit pa nitong piercing ko kaya nahihirapan ako makatulog kagabi!" tinuro niya ang ilong niya na bagong butas. "I mean, ang chicks ko na tignan, oo, pero..." Natigilan siya sa pagkukwento. Nabitin rin ang kakatango ko.
"Leche ka!" bigla niya akong tinuro. "Wala kang balak sumama, 'no?!"
Napabuntong-hininga ako. "Oo, Cha, kaya tulungan mo 'ko magsabi kila Jeff-"
"Hanggang ngayon hindi mo pa rin matanggap si Barry?"
"Ano bang sinasabi mo?!" binaba ko ang pagkain.
"Just admit it! Ayaw mo si Barry for-"
"Come on, 'yan talaga theory mo?" tinaasan ko siya ng kilay.
"E 'di bakit ayaw mo sumama?! Birthday niya 'yon! At kahit anong gawin natin, kaibigan na natin siya dahil kay-"
"It's just that nahihiya ako, okay?!" tumayo ako at nagpanggap na kukuha ng tubig dahil ayaw kong pag-usapan.
"Oh my god! Sinisisi mo pa rin ba 'yang sarili mo sa break up niyo ni Bads?!" she exclaimed, hindi ako nagsalita. "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na it's not your fault!"
Hinarap ko siya. "Cha! Kasalanan ko naman talaga! He did everything! They did everything! Nahihiya ako kapag nakikita ko siya... Naalala ko 'yong ka-gagahan ko. Pinuntahan pa ako ni Barry noong nasa japan si Bads..." Napayuko ako. "Ilang beses niya akong tinawagan, minessage at tinext after that at kung nakinig lang sana ako, nalaman ko ang totoo-"
"You were hurt, Lucchesi! Valid ang paglayo mo. Valid 'yong naramdaman mong sakit. Gago ka ba? Nandoon ako noong nalaman mo 'yong nangyari at kung makikita mo ang itsura mo noon malalaman mo rin na sobra kang nasaktan." Tumayo siya at nilapitan ako.
"Kahit anong pilit mong itago sa amin sa mga nagdaan na buwan pagkatapos noon alam ko, masakit pa rin." Kinuha niya ang basong hawak ko at binalik 'yon sa lalagyan. "Kaya wag mong sisihin 'yong sarili mo kasi nasaktan ka..."
Umiling ako. "Kahit na... Dapat nakinig ako..."
Umirap siya sa akin. "We were young back then... Kahit kami tagong tago sa'yo... Galit na galit rin ako. Kami lahat! Wala tayo sa tamang wisyo! 'Tyaka... Ang tagal no'n, Che... Nasa ibang bansa na si Brandon... Baka nga may kana na 'yon!" Natawa siya.
BINABASA MO ANG
Pagsamo (C.A.T Series #1)
Teen FictionC.A.T Series #1: Pagsamo (COMPLETED) Superior 4 Alvendia, Cristina Lucchesi believes that relationships should be rewarding. Ayaw niya sa mga manliligaw niya. Ayaw niya sa mga lalaking hinahabol-habol at gustong-gusto siya. She loves challenges so m...