Beki over flowers

702 22 0
                                    

Kwento ito ng isang bading na gandang ganda sa kanyang sarili at hindi sya nag iisa sa pag fifeeling na yan, andyan din ang tatlo nya pang matatalik na kaibigan. Umpisahan natin kay archie, tahimik, gwapo at higit sa lahat magaling mag make up, anak si archie ng Business tycoon at sila ang nag mamay ari ng  pinakamalalaking chains of super market sa Philippines. Si buern naman isang maingay na bakla, happy go lucky, naghahanap ng pagibig na hanggan ngayon ay hindi nya makita kita, in short lagi syang hopia sa pag ibig. Ang pamilya nila buern ay kilala bilang isa sa pinaka sikat na furniture maker sa manila at maging hollywood ay pinasok na nila at karamihan ng kliyente nila ay mga sikat na hollywood celebrities. Si matt naman ay sikat na stylist ng mga celebrities, pero syempre hobby nya lang ang pagiging stylist dahil ang pamilya nya ang may ari ng GE ( gozun electric) nagmamanufacture sila nang mga appliances katulad ng ref, bumbilya, washing machine at kung ano ano pa. And last but definitely not the least ay si vice, pinaka pogi sa grupo at pinaka matangkad, sya rin ang pinaka mayaman sa grupo dahil anak sya ng may ari ng university na pinapasukan nila, ang pinaka mahal na university sa bansa, ang Far Eastern Asia pacific university. At hindi lang yun sila din ang nagmamayari ng FEA pacific airlines at Malalaking malls sa bansa, maging ang FEA builders ay pag mamay ari nila. Kilala na ito sa pagbebenta ng top of the line na condo units.

beki over flowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon