chapter 7: Master Vice

353 17 9
                                    

Kinabukasan....

Nang magising si karylle agad nyang naramdaman ang mga brasong nakapulupot sa kanya. Dahan dahan nyang tinantanggal ang mga braso ngunit parang ayaw bumitaw ng mga brasong ito mula sa pagkakayakap.

"Hoy bakla wag ka na magtulug tulugan, bulok na yang istilong yan. Gising na at ako'y aalis na. Andyan na yung katulong mo para asikasuhin ka!"

"Hmmm, mamaya ka na tumayo"

"Pede ba, bumaba na yang lagnat mo kaya di ka na nilalamig hwag kang manyak!"

"Excuse me?! Hwag ka mag ilusyon, kahit bakla ako maraming babae ang pinapangarap na makatabi ako sa kama. Swerte ka pa nga kung tutuosin noh!"

"Sila lang yun, baka siraulo sila!"

"Gaga ka! Huwag mo na ngang ideny, nagagwapuhan ka sakin alam ko..Sorry teh di kita type kahit maging straight na lalaki pa ako." Pero sa loob ni vice kabaligtaran ang nararamdaman nya, pilit lang nya dinedeny maging sa sarili nya.

"Mas lalo naman ako noh! Sino naman magkakagusto sa baklang antipatikong katulod mo. At kahit maging straight ka di parin kita magugustuhan. Hambog!"

"Hoy matuto ka gumalang baka nakakalimutan mo pinagsisilbihan mo ko,"

"Di ko nakakalimutan utang ko, at di lalong di ako sumisira sa usapan.wala naman sa usapan na matutulog ako kasama ka. Naawa lang ako sayo kagabi pero di na to mauulit bakla. Di ako katulong at lalong di 'stay in' na katulong."

"Bahala ka na nga, magtotoothbrush na ako, magtoothbrush ka narin amoy panis na laway ka na"


"Excuse me?! eh halos ayaw mo nga alisin mukha mo sa leeg ko."

************

"Vice aalis na ako, mamaya nalang ako babalik baka nag aalala na sila mama sakin. Tawagan mo nalang ako pag kailangan mo na ako. Siguradong mapapagalitan na ako sa bahay. Kagabi kasi late na umuwi kapatid ko tapos ako naman hanggang ngayon di pa umuuwi"


"Sige alis umalis ka na at dadating ang jowa ko ngayon." Ang totoo wala naman talagang jowa si vice. Naisip lang nya sabihin yun sa di malamang dahilan.

"Ah ganun ba. Okay. Edi di mo ko kailangan ngayong araw. Hoy counted tong araw na to sa pinagusapan natin ha."

"Basta mag antay ka nalang kung tatawagin kita." Tila nainis naman si vice dahil sa naging reaksyon ni karylle. Parang wala kasing pake si karylle kahit sinabi nyang may jowa sya.

*******

Vice's POV

Tigilan mo na ang kakaisip dun sa babaeng yun. Bakit ba naiinis ako sa babaeng yun dahil ba parang wala syang pake kahit na nalaman nyang may jowa ako. Ineexpect ko bang magseselos sya. Hindi ko sya gusto. Tama di ko sya gusto kaya dapat di sya sumasagi sa isip ko. Tawagan ko na kaya sya at papuntahin dito, hindi dahil gusto ko sya makita ha! Kundi dahil kailangan nya makabayad sa utang nya. Ano sya sineswerte ganun ganun nalang yun after nya sukahan yung suit ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

beki over flowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon