chapter 3: pancake pamore

328 16 2
                                    

As usual wala akong maiTitle sa chap na to hehe.. Please vote para ganahan magsulat si author. Hehe

Karylles POV

Sa sobrang inis ko kay Vice umakyat ako sa rooftop ng school, nakakainis talaga yung baklang yun! Hindi ako natatakot sa kanya, kahit apo pa sya ng may ari ng school na to. Ang sama sama nya!! pinaglihi ba sya sa sama ng loob?!! nakakaasar arrggh!!!! Sa sobrang inis ko napasigaw ako ng malakas.

"Jose Marie Viceral!!! Bakla ka! Bakla ka!" halos mapatiran na ako ng ugat sa sobrang lakas ng sigaw ko

Huminga ako ng malalim, pagkatapos may narinig akong nagsalita

"May tao ba dyan? Sino yan?" tanong ko

"Hay ang ingay mo naman, makaalis na nga."

"Diba ikaw si Archie? Kaibigan ka ni vice diba. Madalas ka ba dito?

"Oo. Madalas ako dito pero dahil sayo ayoko na pumunta dito."

Hayy, ang sungit naman ng Baklang yun, bagay nga silang magkaibigan ni vice, pero napansin ko lang sakanilang apat parang sya ang pinaka tahimik at walang kibo. Mas okay narin siguro yun, kay vice palang sumasakit na ulo ko e.

*****************************

Gen POV

Nakatambay ngayon sila vice sa Pad ng F4 Maganda ang Pad nila, may mga arcade games. 60 inch SMART TV, apat na lazy boy, may mini bar at maganda ang interior design, very modern ang disenyo. Dito tumatambay ang F4 after class. Sa kanilang magbabarkada si buern lang ang at si Matt ang nagdadala ng boys. Minsan nabibwisit na si vice kasi yung mga dinadalang lalaki ng dalawa e feel at home na feel at home minsan.

"Hoy! Anong ginagawa mo at bakit ka nakaupo sa pwesto ko? ikaw ba may ari nitong Pad na to? ha!!!" sigaw ni vice sa boylet ni buern

"Ay sorry Pre, aan umupo ka na" tumayo naman kagad ang lalaki at sumenyas pa gamit ang dalawang kamay habang tinuturong umupo si vice, ngiting ngiti pa ang lalaki. Lalo naman napikon si vice dahil parang nakakaloko ito

"Aba loko to ah, ang kapal ng pilik mata ko tapos pre itatawag mo sakin"

"Ay sorry PRE! Ang ganda ganda mo nga e!" sagot ng lalaki

"Pre pala ha!!" hinila ni vice ang lalaki sa kwelyo tsaka sinapak ang lalaki.

"Ayoko nang makikita ang pagmumukha mo ditong unggoy ka! Tarantado! Baka mapatay kita"

Sa sobrang galit e naisipan nyang uminom ng konti pero papalapit pa lang sya sa mini bar e may nakita na syang umiinom at prenteng naka upo sa stool. Paglapit nya nakita nya ang bote ng Henri Jayer Richebourg Grand Cru, pinakamahal na alak sa mga collection nya na nakabukas na. Agad nadagdagan ang init ng ulo nya dahil alam naman nyang hindi isa sa mga kabarkada nya ang umiinom kundi ang boylet ni Matt

"Anak ng!!! bakit mo binuksan yan ha! Hindi ko pinaiinom yan!"

agad naman tumingin ang lalakit at nagulat dahil nakita nya si vice na namumula at galit na galit

"Sorry Pre. Konti palang naman ang naiinom ko. eto tatakpan ko na"

"Hindi mo ba alam kung gaano kamahal yang alak na yan ha?!!"

"Magkano ba? Babayaran ko nalang"

"Babayaran, ni pamasahe nga pauwi sa inyo hinihingi mo pa sa kaibigan ko. At ano hihingin mo din ang pambayad sa kanya?! Lumayas ka na bago pa kita sipain palabas. Ayoko na makikita ang pagmumukha nyo dito!

beki over flowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon