Karylle's POV
Ano bayan nakakhiya talaga kanina, sa dinami rami ng pwede kong makabunggo e yung bakla pa na yun, pero nakakatawa yung itsura nya kanina parang nakalaklak ng isang litrong suka amputla ng mukha at labi e. Bakla talaga, (sabay tawa) ano kaya kung bwisitin ko lalo yung baklanng yun para makaganti naman ako sa lahat ng pang aalipusta na ginawa nya sakin hihihi. Naiihi na ako makapag cr nga muna ang sakit na ng pantog ko, kanina pa ako nag pipigil ng ihi baka magkasakit na ako sa bato. Ayoko magka UTI.
Gen POV
Sa loob ng CR
"Bagay talaga si georgina at archie noh?, sayang nga lang at bakla si archie, ang gwapo pa naman nya at super talented pa, bukod sa may makeup artist ka na may maghaharana pa sayo, ang ganfa pala ng boses nya"
maganda daw ang boses ni archie? Oo nga noh, di ko pa sya naririnig kumanta. Bagay nga sila ni georgina kasi pareho silang mayaman, talented lahat na ata e nasa kanila (may halong lungkot na sabi ni karylle sa sarili nya).
"Oo nga e super bagay kaya sila, kung di nga lang bakla si arhie kahit ako papatulan ko yun e, kaso hindi naman tulad natin ang hanap nya." Sabi pa ng isang babae
K's POV
Lumabas na ako ng CR at pabalik na ako ng kwarto ko ng may mapansin akong bukas na pinto sa gawing kanan ko at parang naaninag ko sa loob ng kwarto si archie, pero parang may kausap sya. Lumapit ako sa pinto at nagtago sa likod, naririnig ko ang usapan nila
"Georgina, alam kong bakla ako pero mula pagkabata palang alam kong ikaw na ang gusto ko. Bakit ba ayaw mong maniwala, dahil ba bakla ako? Oo aaminin ko naattract ako sa mga lalaki pero hanggang dun lang yun. Ikaw ang gusto ko"
"Archie ano bang sinasabi mo, wala akong problema sa pagiging bakla mo, tanggap ko yun mula pa nuon. Kaya ako nagkakaganito dahil nalulungkot ako, alam kong iba na ang gusto mo"
"Huh?? Anong iba ang gusto ko? Wala akong ibang gusto kundi ikaw."
"Wag ka na magkaila alam kong may gusto ka kay karylle, kitang kita ko kung pano mo sya tignan, kung paano kumikislap ang mga mata mo tuwing tinitignan mo sya."
"Si karylle? Kaibigan ko lang sya. At hindi ko sya gusto." Aray ang sakit naman. Bakit ba kasi ang hilig kong mag imagine, bukod sa bakla si archie sino ba ako para magustuhan nya?
"Ikaw. Ikaw langbang gusto ko"
Kitang kita ko ang ginawang paghalik ni archie kay georgina, di ko mapgilang masaktan. Bakit sa dinami rami ng lalaki sa university e sa bading pa ako nagkagusto, bading na ibang babae a ng gusto. Sa sobrang pagkabigla ko e hindi namalayan na katabi ko na pala ang taong pinaka iinisan ko sa lahat.
"Hoy sakang anong ginagawa mo dyan? Ikaw ha chismosa kang babaita ka, bakit mo sinisilip yung kwarto ni georgina, at bakit parang pinagsakluban ka ng langit at lupa???" bwisit talaga tong baklang to! lalo lang nya sinisira ang araw!!
"Wala kang pake okay, diba sabi ko sayo tigilan mo na ako!"
"Oh karylle, vice anong ginagawa nyo dyan?" Tanong ni archie samin. Shemay anong sasabihin ko, baka ibuking pa ako ni bakla
"Wala naman, naglalakad lang kami, nagyaya kasi si laundry girl sakang magpunta sa bar. Gusto nya daw kasi ako masolo" baliw talaga tong baklang toh, sino nanaman kayang tikbalang ang sumanib dito. Ngiting aso nalang ako at kunwaring sumang ayon sa sinabi ni bakla, kesa naman malaman nilang nakikinig ako sa usapan nila at ang mas nakakahiya pa pag nalaman nilang nakita ko yung halikan nila.
"Buti naman at nagkasundo na kayo, sige mauna na kami punta lang kai sa may poolside" sabi ni georgina
Ok lang talaga ako, bakit naman ako magpapa-apekto sa nakita ko gayong alam kong wala namn talaga akong pag asa sa kanya, kung magkakagusto man sya sa isang babae, syempre sa isang georgina wilson sya nababagay.
"Sakang, tara punta tayo sa Bar. Wala kasi akong kasama kaya naglakad lakad nalang ako e sakto naman na nakita kita, sila buern at matt kasi may mga kalandiang kasama."
"Ayoko, pagod na ako at matutulog na ako"
"Hoy sakang, wala kang utang na loob, kundi dahil sakin nahuli ka na noh!"
"Bakit sinabi ko bqmg tulungan mo ko?! Tinulungan mo nga ako pero kung ano ano naman ang pinagsasabi mo. Kapal mo ha, masolo ka dyan!"
"E anong gusto mong sabihin ko???De sana ikaw nalang nagpaliwanag!! Di ka nga makapagsalita kanina. Paran kang pipe. Tsk!"
"Papasok na ko sa kwarto ko okay, salamat narin sa kanina, o ayan ha nagpadalamat na ako, okay na? Happy na?"
"Ang sarcastic mo naman! Ikaw na nga tinulungan, tara na!"
Gen POV
Hinila na ni vice si karylle papuntang bar, nang makarating sila sa bar counter eh hinawakan nya ito sa mgkabilang balikat at pilit pinauupo dahil nga nagiinarte parin si karylle at tila ayaw pang umupo.
"Hoy sakang wag ka na mag inarte, libre ko naman to at alam ko namannwala kang pambayad, ako na bahala bassta samahan mo lang akong uminom ok."
"Oo na! Quits na tayo ha. Umorder ka na dami mo pang kuda."
"Sungit mo talaga sakin. Ano bang problema mo? Hindi na nga kita masyado inaaway"
BINABASA MO ANG
beki over flowers
Romancekwento ito ng grupo ng apat na mayayamang bading na nag aaral sa isang kilalang unibersidad na puro mayayaman lang din ang nakakapag aral. Anak ng may ari ng eskwelhan ang bading na bida ng kwento na ito, magugulo ang buhay nya ng biglang dumating s...