Chapter 1: Kulotski

522 20 1
                                    

Wala po akong maisip na title sa chap nato kaya ayan..sige game na nga haha...

"Buern, lumabas ka na jan malelate na tayo! Puro kain, tulog, lamon, panlalaki nalang ba alam mo?!" Sigaw ni vice habang bumubusina gamit ang bugatti veyron nya. Kasunod ng sasakyan nya ang sasakyan nina archie at matt.

"Gago! Anong panlalaki sinisigaw mo jan, sa dami ng chicks ko? Di ako bakla. Baliw!" Sigaw din ni buern paglabas ng bahay nila. Narinig kasi ng parents ni buern si vice. Di alam sa bahay nila na beki sya at siguradong patay sya sa dad nya pag nalaman.

Panay naman ang tawa nina archie at matt dahil halatang pinagpawisan ng malagkit si buern, alam kasi ni buern kung pano magalit ang papa nya at siguradong hindi nito ikatutuwa pag nalamang bakla sya.

"Bakit ba ang tagal mo? Kanina pa kaming 7:30 sa labas ng bahay niyo." Talak ni vice kay buern

"e kasi alam mo naman alas tres na ako nakauwi kanina" paliwanag ni buern

"Dyan ka magaling , pag ikaw sinumbong ko sa dad mo!" Pananakot ni vice kay buern

Gen POV
muntik na silang malate, isang minuto nalang ay late na talaga sila buti nalang mabilis magmaneho ang mga bakla, mga super cars kasi ang gamit kaya nakuha nilang makarating sa university sa loob ng 5 minuto. Pag dating sa university agad na bumaba ng sasakyan ang mga bakla at diredertsong pumasok sa university, agad natahimik ang mga estudyante, halos lahat ay walang kibo, karamihan ay nakayuko. Halos Lahat ng kababaihan ay napanganga sa kagwapuhan ng mga bakla. Di maikakaila na kahit mga bading ang F4 e ubod sila ng gwapo. May lumapit naman na babae kay vice at nagabot ng cake.

Vice's POV

"Para san to?" Seryoso ba tong babaeng to? Alam naman nya sigurong bakla ako at naiirita talaga ako sa mga babaeng nagpapa cute sakin. Mas maganda ako sayo te, humanda ka sakin, gusto mo ata ng redcard e. Asar to! merlat ng nga ang chaka pa. Asan ang hustisya?!

"Uhmm vice kasi ano e, i like you. Ok lang naman kung hindi mo tanggapin, humahanga lang talaga ako sayo kaya naisipan kong bigyan ka ng cake" pagpapaliwanag ng babae na tila may kaba habang nagsasalita, hindi rin ito makatingin kay vice dahil sa sobrang hiya.

"Excuse me lang te ha, hindi tayo talo okay?! At higit sa lahat ayoko ng may humaharang sa daan ko lalo na at malelate na kami" sabay tingin sa relo nya "ayan tignan mo late na kami ng 2 minuto, paharang harang ka kasi sa daan. Bukas ayoko nang makita ang pagmumukha mo dito sa university na ito. Naintindihan mo?!!!" Nakakagigil talaga tong babaeng to oh! Ayoko nang makikita to bukas sa university kundi patay talaga sakin to.

Gen POV
Tinabig ni vice ang cake at tumapon ito sa uniform ng babae, nagulat ang mga nakasaksi habang maluha luha naman ang babae, tumalikod ito at tumakbo palabas ng corridor habang umiiyak.

"Archie, buern, matt tara na. Naaksaya mga oras natin dito, kaya kayo matuto kayo lumugar, hanggat dito kayo nagaaral sa eskwelahan ko walang pwedeng kumalaban sakin. Tandaan nyo yan." Malakas na sabi ni vice habang nakatingin sa iba pang estudyante.

"Meme pag tripan natin si ernie, nakakairita pagmumukha e, ewan ko ba 20 years old palang mukha nang 40 anyos, parang pagkalabas palang sa sinapupunan ng nanay nya e may ngipin, buhok at balbas na. " sabi ni matt

"Asan na nga pala yung kumag na yon, sabi ko linisin nya yung locker ko e" sabi naman ni buern

"Hoy ernie halika nga dito. Anong ginagawa mo dyan diba sabi ko sayo linisin mo yung locker ko." Sigaw ni buern. (Hi mare! Pahiram muna kay ernie)

"May tinatapos pa kasi akong project buern, alam mo naman na malapit na ang finals, at sabi ni prof. Kelangan tapusin bago mag finals kundi di na nya tatanggapin." Paliwanag ni ernie. Halata rito ang takot at pagkailang.

beki over flowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon