Gen POV
Sa tahanan ng mga Tatlonghari......Kasalukuyang nanonood ng tv ang mag anak ng Aksyon Patrol at hanggang ngayon ay pinagpepyestahan parin ng media ang tangkang pagpapakamatay ng isang estudyante sa FAP University.
Breaking News....
Sino nga ba si wonder girl at bakit sikat na sikat sya ngayon? Maituturing na bayani si wonder girl dahil sa ginawa nyang pagliligtas sa isang estudyamte na nagtangkang magpatiwakal."Ano ang masasabi mo sa balitang tangkang pagpapakamatay ng isang estudyante sa sikat at prestihiyosong paaralan na FAP university." Tanong ng reporter sa isang estudyante
"Sa totoo lang humahanga ako dun kay wonder girl, kasi kung hindi dahil sa kanya malamang patay na yung estudyante ng school na yun. At hindi pa pala sya nag aaral dun. Ang galing nya at cute sya huh." Komento ng estudyante na taga ibang school
"Hindi naman eskwelahan ng matatalino yang school na yan, nakapasok lang sila dyan kasi mayayaman sila at ang mga magulang nila e maimpluwensyang tao, pero hindi lahat ng nagaaral dyan sa school na yan ay matalino" komento ng isang estudyante rin na taga ibang school
Karylle's POV
Kakauwi ko lang ng bahay at naghahapunan na sila, bukas ang tv at hanggang ngayon ako parin ang balita sa tv, iba talaga pag maganda. Pano ba pumangit kahit minsan?
Hays, kawawa naman yung estudyante na yun, kahit na nakakabwisit ang pagmumukha nya. Grabe naman yung F4 na yun, parang sila ang nag mamay ari ng school na yun kung maka asta, at nabalitaan ko rin na di lang pala yun ang estudyanteng na nagtangkan magpakamatay dahil sa kagagawan nila.
"Anak, bayani ka na talaga ang galing mo anak, proud na proud talaga kami sa'yo ng papa mo. Mga mayayabang talaga ang nag aaral sa eskwelahan na yan porket mayayaman, kaya kahit yumaman tayo hindi ko kayo pag aaralin dyan!" Sabi ni mama z
"Oo nga, pano ba pinalaki ng mga magulang yang mga batang yan, palibhasa mga laki sa layaw. Kaya anak pagbutihin mo ang pagaaral yan lang ang tanging yaman na maipapamana namin sayo, wala kaming yaman na maibibigay sa inyong magkakapatid kundi edukasyon." Sabi ni papa
"Oo anak at pag nagka anak ka at kung sakaling mayaman ang mapangasawa mo, turuan mo ang anak mo ng magandang asal at matutong magpakumbaba, ano man ang estado nyo sa buhay" sabi ni mama z
"Wag mo pagaaralin dyan sa eskwelahan na yan ang magiging apo namin ha, basura ang sistema ng school na yan. Di narin tayo bibili ng kompanyang yan" matigas na sabi ni papa
"Ate maganda ba ang FAP university? Parang ang laki laki kasi. pangarap ko talaga mag aral dyan, at alam kong hanggang pangarap nalang yun lasi di naman tayo mayaman, kung bakit ba kasi kahit matalino ka di parin pwede pumasok sa school na yan" sabi ni coco
Gen POV
Umaga na at naghahanda na sa pagpasok sa eskwela si karylle, dadaan pa kasi sya sa 3kings dry cleaning shop nila para pick upin ang mga damit na idedeliver nya sa mga customers nila. Pero paglabas nya ng kwarto ay nagtaka sya kung bakit may isang isang lalaki na naka americana ang kausap ng kanyang magulang.
"Karylle anak may naghahanap sayo, sya daw si secretary Kim Atienza" sabi ng tatay ni karylle
"Huh tay? Sino daw sya at ano daw kelangan nya?" Tanong ni karylle
"Miss karylle tatlong hari, ako si secretary kim Atienza, secretary po ako ng chairman ng FAP group, hindi na ako magpapaligoy ligoy pa miss tatlong hari, nandito ako dahil ipinadala ako ni chairman rosario upang ipaabot ang kanyang pasasalamat sa ginawa mong kabayanihan. At bilang gantimpala ay bibigyan ka nya nang full scolarship sa Far Asia Pacific University" pagpapaliwanag ni sec Atienza
BINABASA MO ANG
beki over flowers
Romancekwento ito ng grupo ng apat na mayayamang bading na nag aaral sa isang kilalang unibersidad na puro mayayaman lang din ang nakakapag aral. Anak ng may ari ng eskwelhan ang bading na bida ng kwento na ito, magugulo ang buhay nya ng biglang dumating s...