chapter 5: vice is so kawawa

284 12 3
                                    

Vice's POV

Nakita ko ang gaga na nakasilip sa kwarto ni archie, kaya naisipan ko gulatin. Sakto naman lumabas sina archie at georgina, bakit parang nag-iba itsura netong babaeng to, kinakabahan ang gaga, siguro iniisip nya ibubuking ko sya. Di naman ako ganun kasama plus medyo nabawasan narin ang inis ko sa kanya. Niyaya ko sya sa bar para uminom, wala kasi akong kasama, nakikipaglandian nanaman ang mga bakla tapos si archie eh busy sa georgina nya. Naku matindi na talaga ang global warming!

"Oh anong gusto mo? Order ka na dyan kahit ano."

"Wag na, sasamahan nalang kita tutal di mo ko binuking kanina, pambawi ko sayo."

"Wag ka na pachicks! Umorder ka na, ang pangit naman kung ako lang iinom"

"Oh sige tequila nalang. Mabilis ako malasing ha, winawarningan kita baka kung ano gawin mo sakin."

"Hoy kadiri ka! Never in your wildest dreams! Nakaksuka yang pinagsasabi mo!!"

"Ang OA mo naman bakla, sabi nga nila pag may alak ang bakla may balak. Aminin, type mo ko noh?"

"Mahiya ka naman sa sinasabi mong babae ka! kahit ikaw nalang ang natitirang tao sa mundo di kita papatusin, allergic ako sa seafoods."

"Oo na bakla, sabi mo eh."

Maya maya nakita ko ang gaga nakadukdok na ang mukha sa lamesa, di daw sya mahilig uminom eh naubos nga nya ang isang bote, haaayy, di ko mauuwi to sa bahay nila ng ganto ang itsur neto, mabuti pa tawagan ko nalang nga parents neto baka mapagkamalan pa kong kinidnap ko to.

Gen POV

"Hoy babae di kita bubuhatin kaya gumising ka dyan!"

Inalog alog ni vice ang magkabilang balikat ni karylle habang tinatapik tapik ang mukha. Maya maya pa biglang umangat ang ulo ni karylle habang nakasabog ang buhok sa mukha(imaginin nyo itsura ni sadako. XD). Biglang bumaling ang mukha nito kay vice na ikinabigla naman ng huli.

"Karylle anong nagyayari sayo sinapian ka ba? Umayos ka nga!"

Maya maya pa eh

"Wekkk!! Weeekkkkkk!!!! Weekkkkkk!" Tunog ng suka ni k yan.

"Karylle bakit mo ko sinukahan?!!! ang baboy mo talagang babae ka!!! ang mahal ng suit ko tapos susukahan mo lang!"

Wala na nga nagawa si vice kundi buhatin napang si karylle palabas ng bar at tinulungan naman sya ng driver nya isakay si karylle sa sasakyan.

******************

Kinaumagahan masakit ang ulo ni karylle na bumangon, nagulat pa sya nga mapagtantong nasa ibang kwarto sya at iba na ang suot nya, samantalang sa side table nan eh kay gamot ng advil at isang basong tubig na may kasamang note na "bruha inumin mo na yang gamot para di na sumakit ulo mo, di ko alam na tumador ka pala". Nagkaroon na sya ng idea kung nasaan sya. Bigla nyang naalala na niyaya pala sya ni vice uminom kagabi. Lumabas na sya ng kwarto at nakita nya dalawang maid na na nakangiti sa kanya.

"Ma'am karylle handa na po ang breakfast baba nalang daw po kayo sabi ni master"

"Ah sige salamat." Nahihiyang sabi ni karylle

Bumaba na nga si karylke at nakita nya si vice sa dining area na nagbabasa ng dyaryo hanlbang humihigop ng kape

"Gwapo rin pala si bakla, lalo na pag ganyan ang itsura nya, di sya mukhang bakla pag ganyan sya kaseryoso" isip isip ni karylle

Naramdaman ni vice na may nakatayo sa harap nya kaya agad syang nag angat ng tingin.

"O gising ka na pala, ininom mo ba yung gamot na nasa side table?"

beki over flowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon