Disha's POV
"Kamahalan!"
"Ina!"
"Mahal kong Reyna!"
"Mahal na mahal kita, mahal na Reyna."
"Mahal na mahal din kita, Kamahalan..."
Muli ko na namang napanaginipan ang mga imaheng iyon. Hindi malinaw pero rinig na rinig ko ang mga boses nila. Matagal na rin nang mapanaginipan ko ang mga tulad nito at ngayon ay bumalik na naman.
Napahilamos na lamang ako ng mukha. Sino kaya sila? Napailing na lamang ako saka ako tumayo. Nag-stretching pa ako bago ako pumasok sa banyo.
Ngayon ko lang napansin na ang ganda pala ng room. Magdamag lang kasi akong tulala sa hangin dahil sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Hindi naman napansin nila Pia ang nangyayari sa akin tanging si Carl lang. Mabuti na rin iyon baka mag-alala pa ang iba.
Nang matapos na akong mag-ayos ay lumabas na ako. Sakto at napadaan si Carl. Mukhang kakagising lang niya. Tig-iisa kasi kami ng kwarto.
"Morning!" inaantok na bati niya.
"Morning!" bati ko rin.
"Ayos ka na ba?" tanong ni Carl.
"Ah, oo, ayos na ako." sagot ko.
"Good." tipid niyang tugon. Tumango na lamang ako.
Sabay na kami lumabas. Mukhang excited pa sa umaga ang tatlo dahil nauna pa pala sa amin.
"Good morning!" bati nila.
"Morning!" bati rin namin.
Umupo na kami. Wow, ang ganda dito. Ngayong may araw na kitang-kita ang ganda. Maraming kainan and mga pwedeng gawin. May inflatable playground sila sa dagat. May sauna rin sila. May hot spring din sila. Marami rin silang activities sa tubig. May mini park sila and zoo. According lahat sa mga nabasa ko sa brochure nila. And napansin ko lang most of the tourist mga foreigner na bigatin.
Kumain na nga kami ng breakfast. Kahit sa pagkain sosyal din.
Napuno ng tawanan ang hapag-kainan dahil kay Shaun at Liya. Kahit kailan talaga mga pasaway.
"Disha, you okay?" napatingin ako kay Pia.
"Hm? Oo, why?" sagot ko.
"Really? Ba't parang mugto 'yang mga mata mo? Umiyak ka ba?" tanong niya.
"Ha? Okay lang talaga ako. Mugto lang 'to pero hindi ako umiyak. Hindi lang talaga ako nakatulog ng maayos." sabi ko.
"Sure ka, ha? Itatapon talaga kita sa dagat." biro niya.
"Oo, nga! Ayos lang talaga ako." sabi ko sabay ngiti to make sure na hindi na siya magtanong pa. Ayokong mamroblema sila dahil lang sa akin. Nandito kami para magsaya kaya dapat walang pwedeng makasira sa bakasyon namin.
Natapos na nga kami sa pagkain at dumeretso na nga kami sa tabing dagat. Naglakad pa kami ng ilang minuto marating lang ang dalampasigan. Nasa baba kasi ang dalampasigan ay kami nasa taas.
"Wow!" para kaming mga bata na manghang-mangha sa nakikita namin.
"This place is so cool!" sabi ni Shaun.
"Shaun, mahuli sa dagat pangit!" hamon ni Liya at ayan na naman sila. Natawa na lang kami.
Habang tumatakbo isa-isa naman nilang hinuhubad ang mga damit nila hanggang sa swimsuit na lang ang natira. Naka color dark blue two-piece si Liya at kitang-kita talaga ang hubog ng katawan niya. Si Pia naman naka-red two-piece. Habang ako naman black two-piece pero naka-shorts pa rin ako. Mamaya na ako maliligo.
YOU ARE READING
Finding The Lost Crown
Romance(BOOK 2 OF WIN BACK THE CROWN) Still ongoing Tick Tack Tick Tack Time is running. Will she able to find her missing memories? Piece by piece, how far will she go to find the last piece? Buhay na muli si Disha, pero anong susunod na mangyayari? Anon...