Chapter 7: The Old Imperial Mansion

235 11 12
                                    

Third Person's POV

Balisa na ang lahat at puno nang pangamba para kay Disha ang mga kaibigan niya. Maging si Mari ay ganoon din dahil sa kaniya nagtatanong ang mga kaibigan ni Disha. Nauubusan na siya ng sasabihin dahil sa dami ng tanong nila. Mag-aalas-dosea ng tanghali at wala pa rin si Disha.

Nakailang beses na kasi silang kumatok sa pintuan ng kwarto ni Disha. Tatawagin na sana nila si Disha para kumain kasi nag-skip na ito ng hapunan at baka malipasan na ito sa agahan. Nakailang ulit kasi silang kumatok pero walang sumasagot kaya pinabuksan na nila ang pinto at ayun na nga, wala silang nadatnan sa loob.

Dahil sa pag-aalala agad silang nagtungo kanina sa may reception para magtanong pero wala silang napansin since madaming taong labas-masok sa hotel. Kaya pinatawag na lamang nila si Mari nagbabakasakaling baka alam ni Mari ang kinaroroonan ni Disha.

Gaya ng napag-usapan gumawa ng palusot si Mari kanina. Nakahinga naman ng maluwag silang apat pero lumipas na nga ang oras at napansin nilang may mali na kaya muli silang nagtungo kay Mari at tanungin.

At ngayon nga ay hindi niya na alam ang gagawin. Sinubukan nilang tawagan si Disha pero cannot be reached na. Maging si Mari ay nag-aalala na rin.

"I'm trying to call her, okay! So stop calling her!" sigaw ni Pia kay Mari. Galit na siya and natatakot para sa kaligtasan ng kaibigan niya.

"I'm sorry, Ma'am. I'm sorry!" hingi ng tawad ni Mari. Mangiyak-ngiyak na ito. Maging ang nga kamay ay nanginginig na sa takot.

"Sure ka ba talagang nag-jogging lang si Disha? Anong oras na oh? Magtatanghali na at wala pa rin siya. Saan ba talaga siya nagpunta? Sabihin mo na ang totoo." saad ni Liya.

"I'm really, really sorry!" saad muli ni Mari kaya mas lalong nagalit si Pia at binaba ang cellphone sabay kawala niya ng malutong na sampal kay Mari. Nagulat ang lahat. Maging si Mari na-estatwa sa kinatatayuan niya.

Agad namang lumuhod si Mari para humingi muli ng tawad. Takot-takot na rin si Mari dahil sa kapabayaan niya. She let Disha go with someone na hindi niya lubusang kilala and paano kung hindi pala ito ang totoong CEO ng Crescent Entertainment at nagpapanggap lang para paikutin si Disha. Nagsisisi siyang hindi siya gumawa ng background sa tao para ipakita ang mukha ng CEO ng Crescent Entertainment. Paano kung ibang tao pala yung taong nagpakilala kay Disha? Ano na ang mangyayari kay Disha?

"Where is she?! Sagutin mo kami ng maayos! Nawawala ang kaibigan ko! Now answer me!" galit na galit na talaga si Pia. Umiiyak na si Mari habang patuloy na humihingi ng tawad sa kanila. Dahil doon mas nagwala pa si Pia kaya pumagitna na ang dalawang boys kasama ang mga staff. Si Liya naman maluha-luha na rin, hindi alam ang gagawin.

"I'm really sorry...! I let her go with someone. I forgot to do a background check to that person. I don't know who she's with right now. If that person is the CEO of the Crescent Entertainment or just a scammer." sagot ni Mari.

"YOU WHAT?! YOU LET HER GO WITH SOME FUCKING STRANGER?! WHY?!" tanong ni Pia.

"Nakiusap si Ms. Disha na hindi ko sasabihin sa inyo ang tungkol dito. Ayaw niyang mag-alala kayo sa kaniya. She wants me to keep this as a secret." sagot ni Mari.

"Oh my God! And naniwala ka naman?! Hindi pa magaling si Disha! Alam mo naman ang nangyari sa kaniya last time, hindi ba? Tutal ikaw na yung nakakaalam, sana man lang pinigilan mo or di kaya hindi ka na lang pumayag sa gusto niya! Pagdating sa mga desisyon, hindi magaling si Disha doon! She trust everyone and madali siyang mabilog ng kung sino-sino. How could you let this happen?" napahilamos na si Pia sa inis at galit.

"I'm really, really sorry..." saad ni Mari.

"It's fine, Mari, we're sorry too at nasampal ka. For now pag-usapan muna natin ito ng kalmado. And Pia, calm yourself first we need to know where's Disha's whereabouts." pagitan ni Carl at sumunod na lamang ang lahat.

Finding The Lost CrownWhere stories live. Discover now