Chapter 8: Gng. Lorie

99 2 0
                                    

Disha's POV

"Wait… W-What is happening?"

After the light vanished, I was swallowed by the darkness. Hindi ko makita kung anong meron sa paligid ko dahil sa dilim na nakapalibot sa akin. Tanging ako lang ang nagliliwanag. The emptiness and the loudness of silence makes my ears burst and bleed to death. It shivers down my spine how these noises keeps echoing and ringing inside of head. Why is this happening?

*Gasp*

Sa pagkawala ng katahimikan napasinghap ako nang may isang kamay ang humawak sa aking kaliwang balikat. Ang kaninang humahagulgol ay ngayo'y natatakot na sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung ano o kaninong kamay ba itong nakapatong sa aking balikat, sa madaling salita, sino ba ito? Kinakabahan at natatakot akong lumingon. Pero mas laking gulat ko na lamang na sa paglingon ko ay kasabay namang bumuyangyang ang mukha ng isang babae sa aking balikat. Bilog na bilog ang kaniyang mga mata. Nanlilisik. Namumula. Nag-abot pa ang aming mga tingin.

Napasigaw ako dahil sa gulat. Taranta na lamang akong napatakbo dahil sa takot. Ngayong nawala na ang katahimikan, mas nangibabaw naman ngayon ang boses ng babae. Mga salitang hindi ko marinig nung una pero ngayon palakas nang palakas na ito. Natatakot na ako.

"Kasalanan mo ito…"

"Hindi kita mapapatawad."

"Kasalanan mo ito… Kasalanan mo…"

"Tulong! Damielle! Damielle! Someone please! HELP ME!"

"KASALANAN MO ITO! KASALANAN MO ITO!"

Muli akong napasinghap dahil bigla na lamang itong napunta sa aking harapan. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin halos dalawang inches na lang ang layo naming dalawa sa isa't isa. Ang mga mata niya ay nanlilisik at pagkatapos ay bigla na lamang siyang ngumiti at lumuha ng dugo. Napasalampak ako dahil sa takot at nanginginig na umaatras. Pero nahuli niya ako at sabay sakal niya sa aking leeg.

"Aackk—" sobrang higpit at halatang gusto niya akong patayin. Desperado ko siyang pinagpapalo at sinipa-sipa para lang ako makawala pero sobrang lakas niya.

"A-Ano…b-bang—ackk…kailangan mo!?" 

Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ba. Napaluha akong humingi ng tulong sa langit.

"God, help me…"

"HELP!"

Damielle's POV 

"Please do everything to save my friend! Please save her…" I begged the old lady who helped me to find Disha. Hindi ko man lang namalayan na wala na pala si Disha sa tabi ko. Akala ko kasi nasa likod ko lang siya nakasunod pero huli na nung nalaman ko ang pagkawala niya. 

Hinanap ko siya nang hinanap pero wala talaga eh. Hindi ko siya makita kahit saang lupalop ko pa siya hanapin. Not until I saw an old lady. She helped me and sa hindi malamang kadahilanan ay nasa isang kwarto lang pala si Disha. Pero alam ko eh, alam kong pinasok ko na ang kwartong ito pero bakit hindi ko siya nakita nung una? Nakapagtataka man pero hindi na akong nag-atubiling lapitan ang katawan ni Disha na nanlalamig at pinagpapawisan. Hindi na maipinta ang mukha ni Disha, kaya I tried to wake her up pero wala eh. Hindi ko siya magising. Hanggang sa yung matandang babae na yung lumapit at inutusan akong ilapit ang kamay ni Disha sa kaniya. 

Nung una ay nagdadalawang-isip pa ako pero hinayaan ko na lamang at ang ginawa ko na lamang ang pinag-uutos ng matanda. Lumuhod siya at isang halik sa kamay lamang ang ginawa niya at nagawa niya nang pakalmahin kahit papaano si Disha. Pagkatapos marami pa siyang pinagawa sa akin na hindi ako masyadong pamilyar. Inutusan niya akong kunin ang mga bagay-bagay na inihanda niya sa may tabi ni Disha. Sinindihan ko ang mga kandilang itim at puti, may malaki at maliit na klase nito sa palibot namin dahil iyon ang utos. Pinalibutan ko pa ng puting abo ang paligid namin nang pabilog, kumbaga nasa loob kami ng isang bilog.

Finding The Lost CrownWhere stories live. Discover now