Someone's POV
"Prepare everything. I can't wait to see her."
"Yes, Sir."
Disha's POV
"Disha! Talon na!" sigaw nila mula sa baba.
Pumunta kami sa lugar na sinasabi ni Mari. Kaunti lang ang naliligo ngayon sa lugar na ito kasi nga medyo may kalayuan and kailangang talagang lakarin. Hindi naman kami nadismaya sa ganda ng lawa. Para lang kaming naliligo sa invisible na tubig sa sobrang linaw. Feeling ko nga may barrier yung tatalunan ko.
"Okay!" sagot ko. Huminga ako nang malalim at inipon ko na rin lahat ng lakas ko. Sa pagbilang ko ng tatlo tumalon na ako.
"AAAAHHHHHHHHH!!!" tili ko.
Sa sobrang saya nagpabalik-balik kaming lahat and sa last sabay-sabay pa kaming tumalon. Pero tanghali na kaya bumalik na kami sa may cottage para magluto ng makakain. Nakahanda na lahat ng mga inorder naming special na karne mula pa sa hotel. Balak kasi naming mag-barbecue kaya sinabihan na namin si Mari na magpadala ng mga gamit. Limang staff ang nagdala ng mga gamit pang-ihaw tsaka karne. Maliban doon kami na nagdala sa iba pang mga pagkain.
"Nga pala anong gagawin natin para sa birthday celebration ng resort owner? We need formal attire. Mari, where can we buy some formal attire for this coming event? We don't have enough time kung magpapatahi pa kami." sabi ni Pia.
"Hindi niyo ba nabasa yung nakasulat sa invitation? Our resort will provide everything to make sure na makaka-attend lahat ng mga invited. So, wala po tayong magiging problema pagdating ng damit." sagot niya.
"Okay, that's sounds nice, but, how about our sizes? Paano kung hindi kasya?" tanong muli ni Pia.
"I think someone will come to your rooms to get everyone's measurements. Baka tomorrow or later sila dadating? Ang management na kasi ang nakatoka sa task na ito and hanggang sa delivery lang kami ng mga invitations." sagot ni Mari. Napatango na lamang kami. Hindi na rin masama.
"Gano'n ba? Then update mo na lang kami kung may ibang balita." sumang-ayon din kami sa sinabi ni Pia.
Natapos na nga ang usapan at nagsimula na ngang magluto sila Pia. Kaya habang nagluluto sila lumangoy-langoy na muna ako. Pinasunod ko pa si Mari dahil may gusto akong sabihin sa kaniya.
Kahapon kasi pumunta talaga yung assistant ni Damielle and akala ko biro lang lahat ng offer niya pero talagang totoo nga talaga lahat. Buti na lang late ng dumating yung assistant niya and hindi na ito nakita nila Pia kagabi. Gusto kong itago na muna ang tungkol dito sa kanila.
"Mari, may sasabihin ako sayo." panimula ko at lumapit naman siya kaagad.
"Ano 'yon, Ms. Disha?" tanong niya. Sinilip ko muna ang mga kaibigan ko mula sa likod bago ako nagsimulang magsalita.
"May nag-offer sa akin na makapasok sa mansion ng mga Lee. And tomorrow kailangan ko ang tulong mo." sabi ko.
"Okay, pero sino 'tong taong to?" tanong niya.
"He's name is Damielle, CEO ng Crescent Entertainment." sagot ko. Na-shock siya sa sinabi ko.
"For real?!" napalakas pa boses niya kaya agad ko siyang pinatahimik.
"Sshh! Let's keep this a secret. Ayoko munang ipaalam sa kanila ang tungkol dito." tukoy ko sa mga kaibigan ko kaya na-gets niya naman and tumango-tango na lang.
"O-Okay, sorry. Let's continue now." sabi niya.
"So nagkataong nagka-usap kaming dalawa sa may dalampasigan kahapon. Tapos nai-kwento ko sa kaniya lahat ng mga nangyayari sa akin, kaya naisipan niyang alukin ako ng tulong. Tsaka mukha namang kilala niya yung may-ari." umupo siya sa may bato at nakinig sa kwento ko.
YOU ARE READING
Finding The Lost Crown
Romance(BOOK 2 OF WIN BACK THE CROWN) Still ongoing Tick Tack Tick Tack Time is running. Will she able to find her missing memories? Piece by piece, how far will she go to find the last piece? Buhay na muli si Disha, pero anong susunod na mangyayari? Anon...