Chapter 3: Invitation

296 9 2
                                    

Disha's POV

Umaga na at pwede na akong lumabas. After nang mahabang kwentuhan namin nila Pia kagabi nakumbinsi ko rin sila na 'wag na munang umuwi dahil lang sa akin, pero kailangan ko pa ring magpa-check up sa doctor.

"Ahm, Carl," tawag pansin ko sa kaniya.

"Hm?"

"Napansin mo ba 'yung babaeng kasama ko kahapon?" tanong ko. Kumakain pa kami ngayon ng pang-agahan. Pati sila Liya natigilan sa pagkain at tinuon ang atensyon sa akin. Hindi ko ata nabanggit sa kanila kagabi about kay Marionette.

"Hindi ko masyadong napansin. Sino ba siya? And why is she with you?" tanong niya. Napakamot na lang ako sa pisngi.

"Ah, her name is Marionette. Dito siya nagtatrabaho bilang isang guest server. Lumapit siya sa akin kahapon pagkatapos niyong umalis at lumangoy ng dagat. Trabaho kasi niyang samahan ang mga guest na mag-isa lang. Alam kong nag-alala siya sa akin kahapon baka sisihin niya sarili niya dahil sa nangyari." paliwanag ko.

"Don't worry itatanong ko sa manager ang tungkol sa kaniya. 'Wag mo munang stressin sarili mo. Enjoy mo muna ang araw. Bukas punta tayong falls, kaya kami na bahala sa kaniya." sabi ni Pia.

"Okay, thank you." saad ko sabay ngiti. Bumalik na kami sa pagkain ng almusal.

Pagkatapos naming mag-almusal nagtampisaw din kami kaagad sa dagat. Today hindi ko na iisipin pa 'yung mga bagay na iyon. Hindi ko pwedeng sirain ang araw. Magsasaya muna kami.

Kung anong ginawa nila kahapon gano'n din ang pinaranas nila sa akin. Nag-snorkelling, banana boat, naglaro kami sa may inflatable playground, nag-jetski kami at marami pa kaming ginawa hanggang sa hindi namin napansin na hapon na pala. Hindi man lang kami nakapag pananghalian.

"Let's go back now, nasobrahan na tayo sa tubig." sabi ni Carl.

"What? Gusto ko pa maligo." angal ni Shaun.

"Tama na daw kasi. Hindi pa tayo kumakain baka nakakalimutan mo. Tara na! Para kang batang hindi mahiwalay sa dagat." saway naman ni Liya.

"Eh gusto ko pang mali- Liya naman eh!" maluha-luha namang napatingin sa amin si Shaun dahil binatukan siya ni Liya. Hawak-hawak niya pa rin ang ulo niya na may bukol na ata.

"Halika na!" para namang nanay si Liya na sinesermonan ang anak niya.

"Aw! Liya naman eh!" hinila na siya ni Liya sa may tainga. Napailing na lamang kaming tatlo na naiwan.

"Let's go baka hindi na natin maabutan ng buhay ang dalawa." saad ni Pia. Hahaha, baka kasi magpatayan na naman sila nito kapag hindi namin sila maabutan.

Ngayong nakabalik na kami sa hotel kaniya-kaniya na kami pasok sa mga rooms namin at nag-prepare na para mamayang hapunan. Sa dami ng ginawa namin kanina bugbog sarado na ata katawan ko kakalangoy at kakatalon sa dagat. Pero okay at least nag-enjoy rin naman ako kahit papano.

Nang matapos na akong magpalit at mag-ayos ng sarili, humiga na ako. Plano ko sanang umidlip na muna tutal dadaan naman sila sa akin kapag tapos na sila. Pero nawala na lang bigla ang antok ko nang may kumatok sa pinto. Agad din akong lumabas at pinagbuksan ang kumakatok.

Bumungad sa akin si Marionette. Maluha-luha siyang napayakap sa akin. Hindi na lamang ako umangal pa at niyakap na lang din siya pabalik.

"Oh, Marionette?" gulat kong saad.

"Ms. Disha, ayos ka na ba talaga?" tanong niya.

"Don't worry ayos na ako." sagot ko.

"Ah, tuloy ka. Sa loob na tayo mag-usap." anyaya ko. Dumiretso kami kaagad sa may sofa at doon nagsimulang mag-usap.

Finding The Lost CrownWhere stories live. Discover now