Disha's POV
"Hey, wake up. Nandito na tayo."
"Hm?" Minulat ko na ang aking mga mata at nandito na nga kami sa resort. It's still 5 in the afternoon. Akala ko gabi na kasi makulimlim ang langit. Huminga na lang ako nang malalim.
Kahit kinakabahan ay bumaba na ako dahil may pupuntahan pa daw silang meeting. Urgent meeting and kailangang puntahan agad saad ni Asst. Gil kanina pagsundo niya sa amin.
"Aalis na kami. I'll contact you later. And call me if there's any problem." sabi niya.
"Okay, ingat kayo. Bye!" paalam ko at naghiwalay na nga kami nang landas since nagmamadali na nga sila. Kumaway pa ako bago ako lumakad papunta sa hotel.
Nagmadali na ako dahil sa pag-aalal na baka napano na si Mari. Ang usapan kasi uuwi din ako agad pero napahaba ang usapan kanina baka nabuking na kami.
Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ko. Ngayon ko lang napansin na naka-silent pala ito and lagot andaming missed calls and texts. Hindi ko na binasa and tinawagan ko na lamang si Mari kaagad.
"Ms. Disha! Hello!? Hello? Can you here me?" tanong niya mula sa kabilang linya.
"Yes, I can here you. What's up?" tanong ko. Biglang tumahimik ang kabilang linya.
"Hey, are you okay? Malapit na ako sa hotel. Did they found out? I'm really sorry ngayon lang ako tumawag. Ngayon ko lang din napansin yung tawag naka-silent kasi. Where are you?" tanong ko.
"I'm sorry, Ms. Disha." biglang naputol ang linya at napahinto ako sa paglalakad.
Nakita ko si Mari kumakaway mula sa lobby ng hotel. Mugto ang mga mata niya at halatang kakatapos lang umiyak. At napansin ko ring may dala siyang maleta.
"What's wrong? And what's this?" tanong ko. Nag-aalala rin ako.
"I'm sorry, Ms. Disha. Wa…W-Wala na akong trabaho." kagat labi niyang saad at hindi na nga niya napigilang lumuha.
"I'm sorry. I'm sorry…" patuloy niyang paghingi nang sorry. Hindi naman ako makapaniwala.
"W-What? Why?" tanong ko. No. It's all my fault.
"The management told me to quit right after your friends leave. So wala na akong nagawa because kasalanan ko rin naman at nagpabaya ako." sabi niya.
"What? Hey, It's all my fault. Why would they do that? Let me talk to your boss. I'll talk to them." sabi ko.
"It's fine, Ms. Disha. No need." sabi niya. Pinilit ko siya pero inawat niya lang ako. Napahilamos na lang ako ng mukha at niyakap ko na lamang siya para patahanin. Maging ako naluluha na rin, dahil sa kapabayaan ko nakasira ako ng future ng ibang tao. Anong gagawin ko?
"Amm, Ms. Disha, ayos na ako. Nandito na ang sundo ko. Aalis na ako. And I think it would be the best kung pupuntahan mo na ang mga kaibigan mo. I gotta go. I'm really sorry and thank you, Ms. Disha." saad niya.
"No, I'm sorry for everything. If you need a new job I'll talk to my father and get you a job. Please? Kakainin ako ng konsensya ko kung hahayaan lang kitang mawalan ng trabaho. I'm the one who caused you this bullshit. Please? Just this one. Let me make things right." sabi ko. Mas naiyak pa siya.
"Okay, okay… Thank you!" saad niya at niyakap niya ako nang mahigpit bago pa siya umalis.
Hinintay ko siyang makapasok sa kotse at kumaway pa siya bago siya mawala sa paningin ko. Pag-alis niya ay inihanda ko na lamang ang sarili ko at umakyat na sa itaas.
Kumatok ako sa pinto ni Shaun at Liya pero walang sumasagot. Napaisip ako baka nandoon sa kwarto ko kaya pumasok ako. Pero wala pa ring naghihintay na sermon. Sunod kong pinuntahan ang kwarto ni Pia pero walang sumasagot hanggang sa naabot na ako sa kwarto ni Carl, pero…wala.
YOU ARE READING
Finding The Lost Crown
Romansa(BOOK 2 OF WIN BACK THE CROWN) Still ongoing Tick Tack Tick Tack Time is running. Will she able to find her missing memories? Piece by piece, how far will she go to find the last piece? Buhay na muli si Disha, pero anong susunod na mangyayari? Anon...