Chapter 5: Damielle

209 8 2
                                    

Disha's POV

Hapon na nang magising kami dahil sa kalasingan. Nauna sa amin ang boys at hinayaan lang nila kaming matulog hanggang sa naabutan na kami ng hapon. Wala namang pinagbago sa araw na ito kaya nagpahatid na kami kay Mari pabalik sa hotel. Nasuka pa kaming apat sa dagat maliban kay Carl. Akala ko mamamatay na kami kakasuka napagtawanan pa tuloy kami ng bangkero. Si Mari naman ang patuloy na tumutulong sa amin para lang mahinto ang pagsusuka namin.

Nang makabalik kami nahimasmasan din sa wakas. Nagpaalam na rin si Mari dahil night shift siya ngayon since hindi siya nakapasok kanina dahil sa hangover. Pero magkikita pa rin kami dahil itu-tour niya daw kami sa hot spring nila. And tamang-tama ring may hangover pa kami kaya hindi na kami nagdalawang-isip na tanggapin ang alok niya.

"See you guys later." sabay-sabay naming saad at pagod na pumasok sa mga kaniya-kaniya naming mga kwarto. 

Agad akong dumiretso sa banyo at naligo para makapagpahinga na rin ako. Wala pa akong ganang kumain kahit na nalipasan na kami ng gutom. Mamaya na siguro ako kakain kapag tumunog na ulit itong tiyan ko.

Habang tahimik akong naliligo napadaan naman sa isipan ko ang mga nangyari kagabi. Alam kong kalahati lang ng memory ko ang tanging naaalala ko dahil sa tama ng alak, pero hindi ko talaga malilimutan yung mukha ni Lucas. Mababaliw na ata ako kakaisip sa kaniya. Nasaan na kaya siya? Ano na kaya ang ginagawa niya? 

"Sana okay lang siya." bulong ko sa hangin at lumabas na nga ako nang matapos na ako sa CR.

Humilata kaagad ako sa kama pagkatapos kong magbihis. Nagpagulong-gulong pa ako dahil wala namang magawa. Kakahiga ko kumakalam na sikmura ko. Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang tumayo at lumabas ng kwarto. Hindi ko na sila tatawagin mukhang pagod na pagod pa sila. Babalik lang din naman ako kaagad. Magpapahangin lang ako sa labas tsaka kakain na rin.

Pagkalabas ko ay bumaba na ako kaagad. Mas tumindi pa ang pagkalam ng sikmura ko nang paglabas ko. Sino bang hindi matatakam sa dami ng pagkain sa paligid? 

"Dish!" agad akong napalingon nang marinig ko ang boses ni Shaun. Nauna pa pala 'to kaysa sa akin. And mukhang kanina pa ata 'to siyang nandito. Sa dami ba namang hawak na skewers sa kamay niya talagang ngang kanina pa siya nandito't kumakaing mag-isa.

"Saan ka pupunta? Kakain ka rin? You can have this." alok niya sa isang stick ng barbecue. Tinanggap ko na lang since gutom na rin naman ako. Napakurap-kurapa ako ng mata dahil sa sarap.

"Saan mo 'to nabili?" tanong ko.

"Doon banda." turo niya sa may unahan pa. Medyo malayo pero okay lang.

"Samahan mo ko." hindi ko na siya hinintay na makapagsalita pa dahil hinila ko na siya sabay takbo. 

"Wait lang! Opps! Sorry!"

Napahagikhik na lamang ako ng tawa. Wala na siyang nagawa kung hindi ang bumuntong-hininga.

"Saya mo ata ngayon ah. Ano nakain natin?" tanong niya. 

"Wala. Dala lang 'to ng gutom tsaka boring sa kwarto kaya magpapahangin lang ako dito sa labas. And nagkataon namang nandito ka rin. Mag-isa ka lang ba? Hindi mo ata kasama si Liya." tanong ko. Sila lang naman malakas kumain.

"Kasama ko siya." napangiwi naman ako sa sagot niya.

"Saan? Ba't hindi mo kasama?" tanong ko.

"Nasa dessert area nilalamutak yung mga pagkain, kaya iniwan ko saglit. Sakto ring napadaan ako sa mga barbecue kaya napabili ako." sagot niya habang inuubos ang pagkain nito.

"Ano sa inyo, Ma'am?" tanong ng tindera.

"Tatlo nitong beef barbecue niyo, Miss. Take out po ha." sabi ko.

Finding The Lost CrownWhere stories live. Discover now