Part Ways (Part 1)

170 3 3
  • Dedicated kay Wing Aguila
                                    

I was trapped. No one can hear me. No one knows I even existed.

***June's POV***

"Ate, nagugutom na ako." sinabi ko sa kapatid ko. Nandito kami ngayon sa tapat ng isang paaralan. Lagi naming iyon nadadaanan sa tuwing manlilimos na kami sa kalsada. Hindi ko alam pero lagi iyong tinitignan ni Ate, hindi naman iyon nakakagutom o nakakalaway tulad ng mga nadadaanan naming restawran.

"Ha? Maya na pagkauwi sa bahay." sabi ni Ate. Bahay namin, ang laki sobra. Maingay nga lang doon pero may swimming pool din kami at araw-araw ako dun naliligo.

Naglakad na kami pauwi. Tahimik si Ate at halatang may iniisip na naman. Ganyan naman lagi eh. Siya may hawak ng kinita namin sa panlilimos, kuwarenta nga eh. Jackpot! Bago pa kami makapunta sa bahay namin, kailangan na muna namin dumaan sa itaas niyon, tinatawag nilang 'tulay' ang bubong ng bahay namin. Oo, tulay. Bakit? Eh sa sosyal kami eh.

Pagkadating namin sa bahay. Pumunta agad ako kay Nanay kasi kanina pa sumasakit ang tiyan ko sa gutom. Pero wala daw maihanda kasi wala na naman si Tatay. Ano ba iyan, lagi na lang ba tayong magda-diet? Si Ate masyado nang sexy para jan pero ako tingin ko kailangan ko pa ng diet, ang laki pa rin kasi ng tiyan ko eh. Parang buntis daw.

Hala! Ayan na ang mga lalaking type ang bahay namin. Sabi nila, umalis na daw kami kasi hindi daw sa amin ang lugar na iyon. Pero mali sila, amin kaya iyon. Kita ko pa nga si Tatay noong pinagpatong patong niya ang mga kahoy at gumawa ng playhouse naming magkakapatid. Pero sa playhouse na iyon, pati sina Nanay, doon natutulog. Pero masaya naman kahit masikip. Ngayon nga lang lumuwag dahil lagi nang wala si Tatay. Noong tinanong ko kung asan si Tatay, ang sabi ni Nanay sa akin ay, "Patay" pero sabi ko naman, "Sabi ko, asan si Tatay hindi asan si Patay. Hindi ko naman kilala un."

Lumapit na ung mga lalaki kay Nanay. Nagmamakaawa si Nanay, "Parang awa niyo na, wag niyo kaming paalisin. Wala kaming malilipatan." Umiiyak na si Nanay pero tinawanan lang nila. "Wala na kaming pakialam kung wala kayong malipatan basta umalis na kayo!"

Nagpumilit si Nanay at lumuhod sa harap nila. Hinila ako ni Ate at niyakap. Nakaharap ako sa kanya kaya wala akong makita sa mga nangyayari. Nasa loob lang kami ni Ate ng playhouse namin. Matapos ang ilang sandali, may narinig akong malakas na putok, "New year na ba?" tanong ko kay Ate. Pero hindi sumagot si Ate, nanginginig ang buong katawan niya, nilalamig siguro. Ewan ko. Dahil din sa ingay, umiyak ang isa ko pang kapatid na babae, si Mai-mai. Baby pa siya kaya mahirap patahimikin. Sinubukan ko siyang ihele kasi hindi pa rin gumagalaw si Ate at nakatingin pa rin sa labas.

Pinapatahimik ko pa si Mai-mai nang biglang nagbukas ang pinto ng playhouse at bumungad ang mga naglalakihang lalaki na kausap ni Nanay kanina. Nang makita nila kami, ngumiti sila kay Ate at hinila ito palabas ng playhouse. Iyak ng iyak si Mai-mai pati na rin si Ate. Dinala nila si Ate sa may damuhan malapit sa bahay namin. Nakita ko na lang na pinahiga nila sa Ate at meron pang nagtatanggal ng sinturon niya. Ang sasaya nila, siguro nagpaparty sila kasama si Ate, di man lang ako sinama. Eto naman kasing si Mai-mai, di pa rin tumatahimik. Di ko tuloy masilip ginagawa nila. At ang sakit na rin ng tiyan ko. Aray! Hindi ko na kaya! Maya-maya pa, nahilo na ako at nawalan ng ulirat.

Nagising ako noong umaga na. Katabi ko rin si Mai-mai na natutulog. Binuhat ko siya kahit nanghihina pa rin ako sa gutom. Pagkalabas ko, nakita ko si Nanay na natutulog sa putik. Marami akong nakikitang tubig na pula sa paligid ng katawan niya. Siguro iyon ininom nila noong piyesta kagabi. Tinikman ko naman iyon. Yuck! Maalat! EEEWWWSS!

Pumunta naman ako sa pinagtulugan ni Ate. Pati siya natutulog pa rin. Ang lamig ng kamay niya noong hinawakan ko para sana gisingin. Hindi siya gumigising, marami sigurong nainom na alak. Pero...nagugutom na ako. Hindi ko na matiis. Bumalik ako sa loob ng playhouse para kunin iyong boteng may laman ng perang nalilimos namin ni Ate. May nakasulat doong "Para sa School ni Junjun" pero hindi ko kasi mabasa. Hindi naman siguro magagalit si Ate kapag nabawasan ko ito. Dala ko si Mai-mai, pumunta kaming bayan para bumili ng pagkain.

"Wow!! Yum yum! Ang sarap!" sabi ko habang nginunguya ang isaw na binili ko. Inilapag ko si Mai-mai sa tabi ko. Nakasampung isaw na ata ako kaya sobrang nabusog ako. Sa kabusugan, nakatulog ako sa kanto.

Nagising ako dahil sa mga malalakas na sipa sa tagiliran ko. May sumisigaw, "Hoy! Gusgusing bata! Wag ka nga dito, ang baho mo!" sinisigawan ako ng isang ale. Unti-unti akong nagising at nag-inat pa. Nang bumalik na ang ulirat ko, napansin ko na lang na wala sa tabi ko si Mai-mai! Lagot! Hindi ako pwedeng umuwi hanggat hindi ko nahahanap si Mai-mai! Lagot ako nito kay Nanay!

***

(to be continued)

You Changed my LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon